AdM7

1.7K 54 3
                                    

"Actually, dapat diyan sa kabilang pader ang lalagyan ng mga damit at gamit mo, nandiyan kasi ang aparador na dapat para sa iyo. But you shouldn't put your things in there, okay?" Sam advised Sky. "Mamaya pag-interesan n'ung bruhang laging naiyak ang mga gamit mo. Always be alert when she's around." Dagdag niya pa.

Napakunot-noo siya nang wala man lang siyang narinig na tugon mula sa kaibigan. Nilingon niya ito at nagtaka siya nang makitang nakatulala lang ito habang nakatingin sa sariling maleta.

Anong nangyari do'n? Anong meron sa maleta niya? "Sky, what's wrong?" Nilapitan niya ito. Hindi pa rin ito naimik. Tinignan niya ang tinititigan nito. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Wow!" She said in awe. "Grabe, Sky. Hindi mo man lang ipinaalam sa akin na mayaman ka pala. Libre mo 'ko mamaya, ah?" Pabirong sabi niya at saka tumawa.

Pero mukhang gulong-gulo ang kaibigan. Kinuha nito ang unang damit, 'yung nasa pinakabungad pagkabukas nito ng maleta. "Saan galing 'to?"

Napataas ang kilay niya nang marinig ang tanong ng kaibigan. Hindi niya alam kung saan galing ang mga pambihira at mamahaling mga gamit na ito? Hindi ba sa kaniya 'to?

"Wala naman akong ganitong mga damit. Hindi naman kami nasuot ng ganito sa pinagmulan kong mundo." Nasagot ang tanong niya nang magkuwento sa kaniya ang kaibigan. Napailing siya at napaisip.

"Baka naman tinago ng iyong ina at sinadyang ipadala sa 'yo sa pagpasok mo dito sa paaralan." She stated. She saw how her friend's confused face became pleasant. She smiled. "But, really, wow. Mayaman pala ang pamilya niyo. Isang damit lang nito ay malaki na ang halaga. Pero tignan mo, isang buong aparador pa yata ang pinadala sa iyo."

Muling naguluhan ang kaibigan. "What do you mean?"

"These clothes cost a fortune."

"Really?" Her friend asked and she nodded. "Magkano ko kaya 'to puwedeng ibenta?"

Ano... Binatukan niya ito. Napalakas yata kaya napaaray ang kaibigan.

"Huwag na huwag mo 'tong ibebenta, Sky!" She warned.

"Hindi naman ako nagsusuot ng ganito-"

"Kahit na!"

"Pero-"

Kumuha siya ng isang damit. Dahan-dahan niya pa itong inalis mula sa pagkakatiklop, saka itinaas at pinakita ng maigi sa kaibigan. "Look. By the looks of this clothing, this is made by a fairy. I think this was purposely made for you."

"How can you say so?"

"I can feel it. This is made for you and for you only."

"Paano ka naman nakakasiguro sa nararamdaman mo?"

"Basta! Para sa iyo nga 'to!" She insisted. She realized something. "Hala! Baka pag-interesan 'to ng bruha! Dali, itago na natin!"

Lumapit siya sa may aparador at nilagay ang damit. Tila lumulutang ito, for there is an invisible hanger that carries it. She went back to Sky.

Her friend is unfolding the clothes carefully, one by one. Tinulungan niya ito. Namamangha siya sa bawat damit na nahahawakan niya.

If only I were rich... Napailing siya.

"Bilisan mo na, Sky. Baka dumating na ang bruha. Mga ganitong oras pa naman 'yon dumarating para umidlip." She warned her friend.

Tumango naman ito. Madali na lang nila natapos ang kanilang ginagawa. Nang matapos na sila sa pag-aalis sa pagkakatiklop ng mga damit, sinampay na nila 'yon sa may aparador. Napangiti siya nang makita ang pagkamangha sa mga mata ng kaibigan habang nakatingin sa mga nakalutang na damit.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now