AdM60

709 32 0
                                    

A deafening silence surrounded Sky and Law.

Hindi makapaniwala ang dalaga sa ginawa ng binata—hindi niya malaman ang mararamdaman at magiging reaksyon, maging ang sasabihin—o tatanungin o kung anuman.

She can't think properly. Her emotions were a mess to the point that she can't name even a single one of them.

Basta ngayon, mabilis ang tibok ng puso niya at rinig na rinig niya ang mabilis niyang paghinga. At mayroon ding nagbabadyang kumawala na luha mula sa mga mata niya.

Ang mukha ng binatang nasa harapan niya ay balik sa normal nitong ekspresyon—walang kaemo-emosyon.

Halos ilang segundo lang din pumaskil sa mukha nito ang ngisi.

Sa kasalukuyan ay kalmante lang itong nakatayo, ang isang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon nito.

Siya naman ay hawak-hawak pa rin ang espada, mahigpit ang pagkakahawak niya rito. Nakaabante pa ang isang paa niya.

Ilang minuto pa ng katahimikan ang nagdaan.

Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili.

At unti-unti niyang binaba ang espada sa kadahilanang nararamdaman niyang hindi na gagawin pa muli ni Lonan ang ginawa nito kani-kanina lamang sapagkat napakakalmado na ng ekspresyon ng lalaki, inosente at tila wala nang balak pang gumawa ng hindi maganda.

But... "Wrong move, milady."

Nakangisi itong muling inatake siya. He threw throwing stars at her—not just one, two or three, but countless! Hindi niya na mabilang kung ilan.

Sinubukan niyang salagin ang mga binato ni Lonan gamit ang espada, pero dahil sa napakarami no'n at sabay-sabay ang pag-atake sa kaniya ay nabitawan niya ang espada. Agaran niyang ginamit ang mga braso bilang pananggol sa kaniyang mukha. Kahit nahihirapan ay pinilit pa rin niyang ilagan ang throwing stars. But she still end up being wounded.

Agad na naglandasan sa mga pisngi niya ang mga luha. She's frightened and badly hurt.

Masakit... sobrang sakit.

Sa wakas ay tumigil na sa pagbabato si Law ng throwing stars. Siya ay napaupo na lamang sa lupa habang humihikbi at sinusubukang patigilin sa pagdugo ang mga natamong sugat mula sa matutulis na throwing stars.

Naglakad patungo sa kaniya ang binata, dahan-dahan, sa puntong hindi na maririnig pa ang mga yapak nito.

Tumigil ito nang nasa mismong harapan na niya ito. With tearful pleading eyes, she looked at him.

Umiling ang binata—mabagal ang pag-iling nito. Then he spoke dangerously low, his voice giving her goosebumps. "Rule number one..."

Tumalim ang mga mata nito. Nahigit niya ang sariling hininga. "Never let your guard down."

"Number two..." Pinaglaruan nito ang hawak-hawak na throwing star. Binabato pagkatapos ay sinasalo. He looked back at her, his eyes still sharp. "Never cry in front of the enemies. Never show them even a hint of fear or nervousness."

"And number three..." His eyes were now void of emotions. Yumuko pa ang binata, sinisiguro na maririnig niya ang sasabihin nito. "Never accept defeat."

Matapos no'n ay marahas nitong hinawakan ang braso niya, na noon ay may iilang maliit na sugat na nagmula nga sa binato nitong throwing stars.

Napasinghap siya sa naramdamang kirot. Sa ginawa ay mas lalo lamang hinigpitan ni Lonan ang pagkakahawak sa kaniyang braso. Halos mawalan siya ng ulirat sa sobrang sakit.

She wanted to shout at him, to beg for him to stop, but she couldn't find her voice. Tila naging isang walang laban na pipi siya noon.

Binitawan na nito ang braso niya—salamat naman. Bahagyang lumuwag ang pakiramdam niya at umayos ang paghinga.

Pero muli ay nahigit niya ang hininga nang hawakan ng binata ang mukha niya at ilapit ito sa sariling mukha. She could now feel his breath on her lips—which she tightly shut.

"Stonelight..." He breathed. "I can sense your fear..." He trailed off. "I can feel your nervousness through your rapid heartbeat and..." He carresed her cheeks wet with tears. "I can see your tears."

Binitawan na siya nito. Diretsong tumayo ito sa harapan niya at may awtoridad sa boses na nagsalita. "Stop them."

Paano kung naririyan ka sa harapan ko?

— a Riddlestory —

She whimpered with the thought.

"I said stop them!" Napalunok siya nang mariin nang tumaas ang boses ni Lonan. Matalim na ulit ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata niya.

A minute then passed. She couldn't slow down the beating of her heart out of fear and nervousness and her tears won't stop falling from her eyes... How can she stop them when that one man who was the reason she was at her worst now is in front of her, looking at her with piercing eyes?

Tinalikuran na siya nito. Akala niya ay tuluyan na itong aalis kaya bahagyang kumalma ang kalooban niya, pero kukuhanin lang pala nito ang kaniyang katana—

Nanlaki ang mga mata niya.

What is he going to do with that?!

Is he going to kill me, right here, right now?!

With those thoughts, she feel like passing out.

Binato ng binata patungo sa direksyon niya ang espada. Hindi niya na inabala pang saluhin 'yon, sa halip ay umatras pa siya nang hindi siya masugatan ng talim ng sariling espada.

"Go, get it." Utos ng binata na agad niyang sinunod dahil sa takot.

Pagkakuha niya ng sariling espada ay kinuha naman ng lalaki ang sarili nitong wand—which was the twin of her own wand. He muttered a spell and in only a second, the wand turned into a sword.

Her eyes widened.

He stood in a ready to attack position.

While she stood there, mindless.

Her eyes once again widened when he ran towards her. He attacked her and she managed to defend herself from his attack—courtesy of adreline rush.

But that's it. Hindi niya na kinaya pang salagin muli ang mga atake nito sapagkat napakabilis at napakalakas ng lalaki at hindi niya magawang sabayan ito.

Ang mga sugat niya rin ay tuloy sa pagdurugo at ang sakit na dulot nito ay lalo pang lumalala sa pagdaan ng mga sandali.

Nang mabitawan niya ang espada ay napayuko siya sa harapan nito at tuluyang napahagulgol. Hindi niya na kaya pang lumaban, pagod na pagod at sobra na siyang nasasaktan.

"T-Tama na..." Hikbi niya. "A-Ayoko na..." Nanginginig na siya at hirap nang magsalita. "I... I give up, L-Lonan. I-I give up."

Akala niya ay kakaawaan siya ng binata, na iuuwi na siya nito at sasabihin sa kaniyang magpahinga na at hihingi ng kapatawaran sa mga ginawa nito sa kaniya, pati na rin ang dinulot nitong mga sugat—hindi lang sa katawan niya kundi maging sa puso niya.

Pero hindi...

He stoop down to get on her level. Their eyes met and he spoke... His words tearing her heart into a million pieces...

"You're a weakling, Skylar. A weakling."

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now