AdM12

1.3K 59 1
                                    

Vi waved her right hand in front of Sky, pero hindi man lang natinag ang huli. Nakangiting nakatulala pa rin ito sa kung saan. Sinundan niya ang tinitignan nito at napakunot-noo nang makita ang kagubatan mula sa bintana. Ano kayang nakikita doon ng babaeng 'to?

Hay, ewan. Hinayaan niya na lang muna ang kaibigan. Pahakbang na sana siya papunta sa may aparador nang may mahagip ang mga mata niya. Dali-dali niyang nilapitan ang kaibigan at tinaas ang kanang kamay nito. Doon tumambad ang isang marka.

Napasinghap siya saka nanlalaki ang mga matang tinitigan ang kaibigan na noon lang nagising ang diwa, bahagya pa itong nagulat sa kaniyang ginawa. Nagtataka siya nitong tinanong. "Bakit?"

"Bakit meron ka na agad nito?" Turo niya sa marka.

"Ah, 'yan..." Sumimangot si Sky. "May lalaki kasi kahapon, ang yabang, kaya sinigawan ko. Tapos hinawakan niya ako diyan ng mahigpit tapos 'ayan na, nagkamarka."

Binitawan na ng kaibigan ang kaniyang kamay. "Let me guess... The guy's about a six-foot tall and has a very fair complexion? He's wearing an all-black outfit?"

Nagtaka siya. "Paano mo nalaman?"

Nagulat siya nang mapatakip ito sa bibig at muling nanlaki ang mga mata. Pasigaw nitong tinawag si Sam na noon ay kalalabas pa lang ng banyo.

"Sam, come here, look!" Tinaas muli ni Vi ang kamay niya. Nagtataka naman na lumapit si Sam. Nakita nito ang marka sa kamay niya at nanlaki rin ang mga mata nito. "Hala, Sky! Ginalit mo si Law?"

"Sino?" Wala naman akong ibang ginalit, o inaway, bukod doon sa lalaking papel. Teka, baka naman 'yun ang tinutukoy nitong si Sam? Ano ngayon kung inaway ko 'yon? Dapat lang 'yun masigawan, napakayabang, eh. Akala mo kung sino.

Marahas na niyugyog ni Vi ang mga braso niya. Lihim siyang napangiwi. Pakiramdam niya ay matatanggal mula sa katawan ang mga braso sa sobrang rahas ng pagyugyog sa kaniya. "Si Law! Law Skullwalker!"

Nilayo ni Sam si Vi mula sa kaniya. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa. "Sino ba 'yung Law na 'yon? Is he the guy that I met yesterday?"

"Yes, he was. Well, I think he was the one that you've met." Si Sam ang sumagot. Tinignan nito ang kamay niyang merong marka. "At mukhang ginalit mo pa."

"What's with that guy? Bakit gan'yan kayo maka-react?" She asked with her eyebrows furrowed. "Parang takot na takot at tarantang-taranta kayo. Ano bang meron sa mayabang na lalaking 'yon, ha? What, he's the law of the school?"

Napatawa siya ng malakas. Pero napatigil din agad siya nang makitang seryoso ang dalawang kaibigan. Nagsimulang mag-iba ang kaniyang pakiramdam.

"Unfortunately..." Napangiwi si Sam. "He is."

"What?!" She was dumbfounded. Unfortunately, he is what? Don't tell me...

"He is the law of the school. The guy that you've met yesterday is Law Skullwalker and he's the law of the school." Vi enlightened her.

"No way." Hindi talaga makapaniwalang aniya. I'm doomed, dead too. "How is that possible?"

"Well, aside from the fact that he is the supreme student government president, he's also the most powerful student in Akademya de Majika." Paliwanag ni Sam. Napanganga siya. Natawa naman ang mga kaibigan sa naging reaksyon niya.

"He's a Class S-S. The only one, may I add." Dagdag ni Vi. Napaupo na siya sa sariling kama. She felt helpless. "Everyone is afraid of him, but admires him at the same time. Everyone treats and knows him as the law of the school."

Akademya de MajikaOnde histórias criam vida. Descubra agora