AdM56

725 37 3
                                    

What is that?

Law felt an unimaginably powerful aura. It is so powerful, it felt like it came from the gods.

He stood up, confused, his brows furrowed. It's his first time feeling such thing.

He cursed when he realized something. In no more than a second, he vanished.

And so did the aura.

"Ano ba 'yan!"

Simangot na simangot si Sky. Wala siyang nakitang matinong damit sa maleta. Ngayon, wala siyang pagpipilian kundi suotin ang isa sa mga damit na para sa kaniya ay masakit sa mata.

"Ito na nga lang." Kinuha niya ang isang hanggang tuhod ang haba na damit. Kulay puti iyon at pabulaklak ang mga manggas at harapan. May kapareha pa iyong guwantes na bulaklakin din ang disenyo, pero wala siyang balak suotin 'yon. Ang napili niya namang panapin sa paa ay sapatos na pang-baley, walang kulay 'yon, at bumagay naman sa damit.

Sayang gusto ko pa naman mag-rubber shoes. Napanguso siya.

Maya-maya'y nilagay niya na sa bungad na bahagi ng aparador ang mga napiling susuotin. Pagkatapos ay sinara niya na iyon at saktong pagkasara ay ang pagbukas naman ng pinto ng dormitoryo.

Niluwa no'n si Maddie. Nagkasalubong ang mga mata nila at nauna itong nag-iwas ng tingin. Dumiretso ito sa sariling kama at humiga roon saka nagtalukbong ng kumot.

Napataas ang isang kilay niya. Himala at hindi siya nagtaray ngayon. Kadalasan kasi tuwing makikita siya nito—hindi lang pala siya kundi silang apat na magkakaibigan—ay nang-iirap ito at pagkatapos ay padabog na maglalakad palayo.

Baka naman bagong buhay na. Napakibit-balikat siya sa naisip.

Biglang tumunog ang tiyan niya, kaya naman mabilis niyang tinungo ang pinto. Gutom na gutom na siya at ngayon ay kakain na. Yehey!

Pero pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng pinto, napaigtad siya sa gulat nang sumalubong sa kaniya si Law. Walang sabi-sabi na hinila siya sa braso ng huli at sinuri siya.

Nang magtama ang mga mata nila ay nagtanong ito. "Are you hurt?"

Napakunot-noo siya. Bakit naman ako masasaktan? "Ahm... No?"

Napakunot-noo rin ang kaharap. "No?"

"No!" Napakurap-kurap siya. "I-I mean yes."

Ang gulo.

Namayani ang isang mahabang katahimikan sa pagitan nila. There was awkward tension in the air.

Binitawan na siya nito. May kinuha ito mula sa bulsa ng suot na slacks—a little bell.

Nilahad nito ang sariling kamay sa harapan niya, hinihingi ang kamay niya. Binigay naman niya.

Ang lamig talaga ng kamay niya.

Nang nasa kamay niya na ang little bell, laking gulat at mangha niya nang magkaroon ito ng pulseras.

Nagmistulan tuloy palawit ng pulseras ang little bell. Cool!

Nagtatakang tinignan niya si Law. "What is this for?"

"If you need my help, hold that tightly, then ring it." Anito habang sinusuot sa kaniyang kaliwang pulso ang pulseras.

Siya naman ay napatango. Nang matapos ang binata ay muli nitong nilahad ang sariling kamay sa kaniya.

Taka niyang tinignan 'yon. Napailing ito at ito na mismo ang kumuha ng kamay niya. Then they vanished.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now