AdM24

1.2K 46 0
                                    

Matagal pa ba?

Nasaan na ba kami?

Hapong-hapo na si Sky. Kanina pa sila naglalakad ni Law, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakarating sa paaralan, ni anino nito ay hindi pa nila nakikita.

Grabeng layo naman ang pinagdalhan sa 'kin ni Mr. Kidnapper.

Pagod na pagod na 'ko.

"Malayo pa ba tayo?" Nahahapo at bahagyang naiinip na na tanong niya kay Law. Nilingon siya ng huli, seryoso ito at hindi mababakasan ng pagod ang itsura nito, ni hindi man lang ito pinagpawisan.

"We're almost there." Anito na ikinakunot-noo niya. "Just fifty more steps."

Almost there? Fifty more steps?

Hindi ko nga makita kahit anino man lang ng paaralan!

"Pinaglololoko mo lang yata ako, eh." Reklamo niya. Tinaasan siya ng kilay ng kaharap. Napasimangot siya. "Dapat nakikita na natin 'yung paaralan kung limampu na lamang ang ihahakbang natin. Bakit ni anino ng paaralan hindi ko makita, aber?"

Napailing ang binata. May binulong ito na hindi niya narinig. "So stupid."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Anong binu-bulong-bulong mo diyan?!"

Tinalikuran na siya nito. "Nothing. Let's go, we're going to be late."

"Pero masakit na ang mga paa ko! Hindi ko na kayang maglakad pa!" Reklamo niya pa at umupo sa malaking ugat ng isang puno. Hindi siya pinansin ng binata, nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad.

Napabuntong-hininga siya at pinili na lamang sumunod sa binata, pero laking gulat niya nang biglang may kung anong pumulupot sa mga paa niya—isang hindi pang-karaniwan at napakalaking baging. Hindi siya agad nakakilos kaya mabilis na pumulupot ito sa buong katawan niya.

Sinubukan niyang kumawala pero hindi niya magawa. Unti-unti ay nawawalan na siya ng hininga—nasasakal na siya ng baging.

She tried to shout for help. "Law, tulong! Tulungan mo 'ko, Law! Pakiusap, tulungan mo 'ko!" Pahina na nang pahina ang boses niya. "Law... T-Tulong."

Hindi niya na makita si Law. Nawawalan na siya ng pag-asa. Nakaligtas nga siya mula sa pagkakasakal ng kumidnap sa kaniya, pero mukhang hindi sa pagkakasakal ng baging ng isang puno.

Malapit na siya mawalan ng hininga nang bigla ay may itim na liwanag ang bumalot sa baging—iyon ay ang kaparehong itim na liwanag kanina. Nilamon ng nasabing liwanag ang baging.

Napasalampak siya sa sahig, habol-habol ang hininga. Isang pares ng sapatos ang nakita niya. Tumingala siya at nakita si Law, kunot-noo ito.

"This is your second time being throttled today." Napailing ito at tinulungan siyang makatayo. "Next time, be careful, beware of your surroundings." Inikot nito ang paningin sa paligid. Napagaya siya dito. "Especially in this kind of places."

Nauna na itong maglakad. Agad siyang sumunod. Sa takot na baka may muli siyang makaharap na panganib, lumapit siya ng husto sa binata, tuloy ay halos magkadikit na ang mga katawan nila.

Thank God at muli ay nakaligtas ako mula sa panganib.

Napatingin siya sa malapad na likod ni Law na nasa harapan niya. Napabuntong-hininga siya.

Now I owe him twice.

I'll try my best not to argue with him anymore.

Again, I'll try. I. Will. Try.

Inalala niya ang nangyari kanina.

'Yung itim na liwanag... Si Law lang naman ang nagligtas sa 'kin, kaya malamang ay sa kaniya galing ang liwanag na iyon.

Akademya de MajikaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant