AdM28

1K 35 1
                                    

Naalala ni Vi ang lahat... Pati na din ang kaniyang pagpapakatanga kay Ash.

Bago pa man siya makaangal sa sinabi ng presidente ay naunahan na siya nito. “Why me?”

Mabilis ang naging tugon ng presidente sa tanong nito. “Because I said so. Now go.”

Ilang segundong hindi ito gumalaw sa kinauupuan pero nang lumaon ay napabuntong-hininga ito at saka tumayo at nilapitan siya. Hinawakan siya nito ng mahigpit sa braso at pabalyang hinila palabas ng silid-aralan. Hindi na siya nakapalag pa sa sobrang pagkabigla.

Padabog nitong sinara ang pinto ng silid. Nang maisara ay agad nitong tinanggal ang kamay na nakahawak sa kaniyang braso at dire-diretsong naglakad paalis. Napakurap-kurap siya, wala sa sarili, hindi pa napoproseso ng maayos ng utak niya ang mga nangyari.

Nang sa wakas ay naproseso niya na sa kaniyang utak ang mga nangyari, nanlaki ang kaniyang mga mata. Agad siyang tumakbo upang habulin ang walang hiyang lalaki, nakita niya itong nakatigil at diretso ang tingin sa kaharap. Tinignan niya kung sino ang nasa harapan nito, ang matalik na kaibigan lang naman ng presidente at kinababaliwang lalaki ng kaibigan niyang si Sam, si Iro.

Lihim siyang napangisi. Mukha kasing nahuli ng huli ang dating kasintahan niya na hindi tumutupad sa inatasang responsibilidad dito ng presidente. Kita niya ang pamumula ng mukha at mga tainga at ang pagkuyom ng mga kamao ng dating kasintahan, halatang napipikon sa mga naririnig mula kay Iro.

“Serves you right, jerk.” Mahinang bulong niya sa direksyon ng dating kasintahan. Mukhang narinig nito ang kaniyang binulong dahil nilingon siya nito, salubong ang mga kilay. Tinaasan niya ito ng kilay, saka niya ito inirapan at tinalikuran.

Akmang maglalaho na siya upang pumunta sa opisina ng konseho ng mga mag-aaral upang kitain ang sekretarya at nang masimulan na ang pagpataw ng parusang nararapat sa kaniya nang bigla siyang pinigilan ng dating kasintahan.

Inis niya itong nilingon. “Ano ba—” Hindi niya na natuloy pa ang sasabihin at pagpalag sana dito dahil naglaho na ito kasama siya. Agad nilang narating ang sikretong lungga ng sekretarya. Nakita nila ito na seryosong nagbabasa.

“Ela!” Ash acknowledged his sister. At oo, hindi niya tinatawag na ate ang ate niya, nasanay na siyang tawagin ito sa palayaw nito. Dati ay lagi siya nitong sinasaway, sinasabi na tawagin siya nitong ate, pero hindi niya ito pinakinggan, sa halip ay inasar niya pa ito at tinawag na ‘pangit’ na siyang pinakaayaw nito.

Inaasahan ni Vi na iaangat ng sekretarya ang ulo nito upang tignan siya, pero hindi nangyari ang kaniyang inaasahan. Sa halip ay nagwika ito habang diretso ang tingin sa dokumentong binabasa. “Do whatever you want to do with her, little brother.”

Nahigit niya ang hininga at tila bahagya pa siyang nabingi. Napalunok siya at kukurap-kurap na tumingin sa dating kasintahan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang makita ang ngising-ngising mukha nito.

Uh-oh.

Sa kabilang dako, hindi mapakali sa kinauupuan si Sam. Ramdam niyang may hindi tama, ramdam niyang may mangyayaring hindi maganda... Kay Vi. Lalo na’t kasama ng huli si Ash, ang isa sa mga matalik na kaibigan ng taong pinakakinasusuklaman niya sa buong mundo, si Coby.

Ibang-iba ang nararamdaman niya sa dalawang kaibigang manghang-mangha at tuwang-tuwa sa nakikita nilang ilusyon, ilusyon na para bang nasa loob sila ng isang bolang kristal. Nasa silid-aralan na sila ngayon ng asignaturang Divining.

Kunot-noong napalingon si Sky kay Sam, nalilikutan na kasi siya dito, kanina pa ito galaw nang galaw sa kinauupuan nito. “Sam, ano bang meron at ang likot-likot mo? May sira ba ‘yang upuan mo? O baka naman natatae ka na? O, siya, ilabas mo na ‘yan, baka dito ka pa magkalat, naku!” Tinapik niya ang likod nito, pinatatayo ito. “Dali na! Wala pa naman si Ma’am—Aray!” Bigla siyang binatukan nito.

“Hindi ako natatae, ano ka ba!” Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Narinig pa niya ang tawa ni Jo na katabi nito, bale pinagigitnaan niya at ng huli si Sam.

“O, edi hindi na!” Nakasimangot na sabi niya. “Eh, bakit ba naman kasi hindi ka mapakali diyan? Anong meron? May sira nga ‘yang upuan mo?”

“Wala!” Anito. “Si Violeta kasi...”

“Si Vi? ‘Di ba nga pinapupunta siya ni...” Naalala niya si Law. Mariin siyang napapikit nang muling maalala ang mga sinabi niya dito.

Nakakahiya talaga!

Tumikhim siya at nagpatuloy. “N-Ni Mr. President doon daw sa secretary? For her punishment.” Nakaramdam siya ng awa para sa kaibigan. “Kawawa naman si Vi—” Biglang sumabat si Sam kaya hindi niya na natuloy pa ang sasabihin.

“Kawawa talaga si Violeta!” Naluluha-luha pang ani Sam.

Napataas ang kilay niya. “Kanina lamang ay inis na inis ka sa kaniya tapos ngayon iiyak-iyak ka diyan.” Aniya, hindi namamalayan ang pagiging insensitive. “Saka hindi naman siguro sobrang lala ng magiging parusa kay Vi, parang nagmura lang, eh. Nadala lang siguro ng emosyon kaya gano’n.”

“Hindi mo kasi naiintindihan!” Napaawang ang mga labi niya nang makitang may tumulong luha mula sa mata nito. Mabilis nitong tinuyo ang pisgni gamit ang kamay. Napakurap-kurap siya, hindi malaman ang sasabihin.

Rinig niyang nagsalita na si Jo. “O, sige nga, Sam, ipaintindi mo kay Sky—sa amin.” Mahinahong anito. “Ano bang problema? Anong meron kay Vi? Bakit ka umiiyak?”

“Si Violeta, kasama niya ngayon si Ash! Baka kung ano nang ginagawang masama no’n kay Vi!” Ani Sam. “Also, I feel really guilty. Bakit ba kasi pinatulan ko pa ang pagiging parang bata niya?”

Napakunot-noo si Jo. “Ano bang meron doon sa Ash? Masamang tao ba siya? Bakit naman niya gagawan ng masama si Vi?”

“Oo, masamang tao siya!” Puno ng kombiksyon na ani Sam. “Kauri niya si Coby, eh! At saka kapatid niya pa si Secretary Ela na kaibigan n’ung nakakainis na laging naluhang babae!”

Biglang tumayo si Jo. Nagtatakang tinignan naman siya ng mga kaibigan. She made a face. “Let’s go save Vi! Tara na—”

Biglang pumasok si Teddy Wolfwood, ang guro sa asignaturang Divining. Agad na napakunot-noo siya nang makitang iilan lang ang mag-aaral na kasalukuyang nasa kaniyang silid-aralan.

“Where are the others?” Walang nakasagot sa tanong niya. Napailing siya. Tinignan niya ang nakatayo pa rin na si Jo. “Why are you standing, Miss?” Agad itong umupo. Muli siyang napailing.

Napabuntong-hininga siya. Tinignan niya ang relo at nakitang meron pa siyang kalahating oras para magtalakay. Tumikhim siya. “Let’s start. Divining is all about attempting to determine the future. For the newbies, I’ll be honest with you all. My subject is one of the hardest subjects to study and understand, but don’t worry, guwapo ang inyong guro, tiyak na gaganahan kayong matuto sa aking asignatura.”

Hindi pa rin mapakali si Sam. Sa katunayan ay wala siyang maunawaan sa mga pinagsasabi ng guro na nasa harapan. Talagang nag-aalala siya para sa kapakanan ng kaibigan.

Biglang may kumatok sa pinto ng silid. Nakuha no’n ang atensyon ng lahat, pati na ng sa kaniya. Bumukas iyon at napabuntong-hininga siya sa ginhawa at napangiti nang makita si Vi, pero agad na napawi ang ngiti niya nang makita ang taong nasa likod at nakaalalay dito na si Iro.

Hindi niya napigilan ang sarili... Nakaramdam siya ng selos sa kaibigan.

Akademya de MajikaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant