AdM74

591 21 0
                                    

Naalimpungatan si Vi dahil sa sunod-sunod na malalakas na katok sa pinto. Hindi niya pinansin 'yon n'ung una sa akalang may aasikaso sa kung sinumang nasa pintuan sa mga kaibigan niya. Pero halos isang minuto na ay walang nagbukas ng pinto at tuloy-tuloy pa rin ang katok.

"Pakitignan niyo naman kung sino 'yung nasa pintuan!" Kaniyang sigaw, pero dahil natatakpan ng yakap-yakap na unan ang mukha niya, siya lang ang nakarinig sa sigaw na 'yun.

No response from anyone. Nagsimulang uminit ang ulo niya. Antok na antok pa siya, madaling araw na nga siya nakatulog kanina dahil sa hindi niya malamang dahilan ay hindi siya mahila ng antok kagabi.

"Utang ng loob! Sky! Sam! Jo! Pakitignan naman kung sinumang buwisit na istorbo sa tulog ng isang inosenteng nilalang na nasa pintuan, oh!" Muli niyang sigaw. But then again, there was no response.

Nang hindi na nakatiis, pabalya niyang hinagis ang hawak-hawak na unan sa kung saan at sinugod ang kung sinumang nasa pintuan. Marahas niyang binuksan ang pinto at... "Ang aga niyo naman mambulabog! Kitang natutulog pa ang mga nilalang dito, eh! Respeto naman, oh!"

Hindi pa siya nagmumulat nang sinigaw ang lahat ng 'yon. Medyo hiningal siya matapos. Akmang isasara niya na ang pinto nang may pumigil. Napakunot-noo siya at doon na nagmulat ng mga mata. Bumungad sa kaniya si Iro at ang binata ay malayo ang tingin—nasa loob ng dormitoryo na tila may hinahanap. Lalo siyang napakunot-noo nang makita ang mga hawak-hawak nito: two long boxes, one pink and one violet on one hand and on the other, a bouquet of violet flowers.

Buwisit. Napakaaga naman manligaw ng isang 'to.

Pero sino bang liligawan (ng landas) ng palikerong 'to? Imposible namang si Sam, alam ng lahat na naloko na ang babaeng 'yon n'ung aso. Si Jo kaya?

O baka naman hindi talaga manliligaw ang isang 'to? Baka bibigyan lang ng bulaklak at  mga regalo ang pinsan niyang si Sky? Hay, napakasuwerte talaga ng babaeng 'yon. Sinong mag-aakalang parte pala siya ng Lunaless family, ang isa sa pinakamayaman, pinakanirerespeto at pinakamakapangyarihang pamilya sa mundong ito?

"Natulala ka na sa kaguwapuhan 'ko, Violet, ah." Biglang asar sa kaniya ng binata.  Tinaasan niya ito ng isang kilay. She also made a face.

"Close tayo?! Maka-Violet ka riyan, ah." Inirapan niya ito. "Saka excuse me? Kaguwapuhan? Nasaan?!" Kaniyang pambabara. Mabilis na nawala ang ngiting mapang-asar sa mga labi ng binata. Natawa siya.

Huh. Serves you right, conceited jerk.

"Is my cousin in there?" Iro asked Vi who was back to being serious. Nakabawi na ang binata mula sa pagkakatulala.

Nilakihan ni Vi ang pagkakabukas sa pinto. Noon lamang niya napagtanto na siya na lamang pala ang nasa dormitoryo, wala na ang mga kaibigan niya.

Malamang naggagala ang tatlo. Mga bruhang 'yon! Hindi man lang ako ginising para ayain sa kung saanman sila maggagala!

"Kita mong wala, 'di ba?" Mataray niyang sambit.

Nagulat siya nang biglang ibinigay ng binata sa kaniya ang mga hawak-hawak nito. "Please give that pink box to my cousin." Anito at tinalikuran na siya.

Pink box lang? Eh, kanino ko ibibigay 'tong violet box and bouquet?

Napailing siya.

Ang gulo talaga kausap ng mga lalaki.

"Pati 'tong violet box and bouquet?!" Pasigaw niya nang tanong dahil malayo-layo na sa kaniya ang binata. Isinasara niya rin ang pinto habang tinatanong 'yun.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now