AdM17

1.2K 57 0
                                    

Baka naman kapangalan lang?

Imposible. Sofia Laura is not a very common name, lalo naman ang apelyidong Softgust.

Pero si ate Fifi? Isang magical painter? Grabe lang. At mukhang kilala pa siya dito sa magic world. Meaning, matagal na siya dito.

I can't believe it. Una si uncle Flynn, ngayon naman si ate Fifi. Baka naman pati si kuya Chuck, magic user din?

Hay naku. Ang daming revelations.

Napabuntong-hininga si Sky. Hindi siya makapaniwala sa mga nalalaman niya. Pangalawang araw niya pa lang sa magic world, pero pakiramdam niya ay ilang taon na siyang nandoon. Napakarami nang nangyari.

"Thank you, Ms. Horsesorrow." Napatingin siya sa guro nang magsalita muli ito, nakangiting nakatingin ito kay Vi. Pagkatapos ay inilibot nito ang tingin sa buong klase.

"Now, class, I want you all to bring out your books, study all artworks from page one to page fifteen. Then, on a piece of paper, write what you feel about those paintings." Agad na sumunod ang lahat sa sinabi ng guro.

Half an hour had passed. Tumunog na ang bell, indicating the end of the fourth class. After the class bid their goodbyes to their teacher, pumunta na ang mga mag-aaral sa kanilang susunod na klase.

Their fifth subject is Infused Magic, under Helena Titanward.

As usual, magkakatabi naman ang magkakaibigan. Nasa may bandang harapan nakaupo sila Vi, Jo, Sky at Sam.

"Galing, ah." Siniko ni Sam si Sky. Nagtataka naman siyang tinignan ng huli. Pabirong napairap siya.

"Sabi ko ang galing mo! Imagine, first official day pa lang, pero meron ka na agad ten points!" Pinalakpakan niya ito. Mas lalo naman itong nagtaka.

"Points? Oo nga, pero para saan ba 'yon?"

She made a face.

Oo nga pala. Bago nga pala siya dito.

"'Yung points, pandagdag 'yun sa grades!"

"Grades? Wow. Meron pala no'n dito."

Pinitik niya ito sa noo. Napaaray ito.

Naku! Mukhang napalakas pitik ko, ah.

"Sorry! But to answer your question, malamang meron! Paaralan kaya 'to!" Lumapit siya para bulungan ito. "At merong tinatawag dito na ranking system."

"Kahit naman doon sa dati kong paaralan, meron."

"Ano ang iyong rank?"

"Rank one!" Proud na anito.

"Edi ikaw na!" Natawa siya. "Pero iba dito. Hindi lang basta-basta ang ranking. If you'll be able to be on the top ten rankers, there will be a privilege!"

Bahagya itong nagulat. "Talaga? Ano naman 'yun?"

Napakibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Hindi pa naman ako nakasama sa top ten."

"Kung gano'n, paano mo nalaman na may privilege?"

"Sinabi ni Secretary Ela."

"Sino 'yun?"

"Supreme student government secretary, Emily Lara Fullrun, Ela for short, anak ni Mrs. Fullrun, 'yung kahapon, 'yung nurse sa KdM, tapos kapatid naman niya si Ash."

"Sinong Ash?"

She made a face. "Seriously, Sky?"

"Sino ba kasi 'yun? Hindi ko naman 'yun kilala."

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now