AdM9

1.5K 55 4
                                    

Naguluhan si Sky sa sinabi ni Lolo Poppy. Tatanungin niya na sana ito kung anong ibig nitong sabihin sa kaniya pero bigla na lang umeksena ang tuwang-tuwang kaibigan.

"Sky, look!" Patili siya nitong tinawag. Napatalon siya sa sobrang gulat. Nilingon niya ito, kumikinang ang mga mata nito habang pinapakita sa kaniya ang dulo ng hawakan ng sarili nitong wand.

"Ang ganda! Napakaganda! 'Di ba? 'Di ba!" Tinitigan niya ng mabuti ang pinapakita ng kaibigan, isang alon na nasa loob ng isang bilog. Muli siyang nagulat nang bigla na lang nagtitili ang kaibigan.

Nabaliw na naman ang Samgyupsal. At isa lang naman ang nagiging dahilan ng pagiging baliw nito... si Rio. Napaisip siya. Wave... Water.... Rio... The name Rio means water.

She made a face. Hay naku, Samgyupsal!

Minabuti niyang lapitan na lamang ang naguguluhang si Lolo Poppy. Babayaran niya na ang biniling wand.

Pero bigla siyang may naalala. Natigilan siya.

"Choose the wand that got your attention first... That wand will be loyal to you." Naalala niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaibigan kani-kanina lamang. Napatingin siya sa nilapag niyang mga wands... The wands that she didn't choose.

She sighed. Hindi ba puwedeng bilhin ko na lang lahat?

Napailing siya. Huwag na lang. Baka mahal.

Napatitig siya sa light brown wand. According to Sam, dapat iyong unang nakakuha ng atensyon ko ang piliin ko, at iyon ay ang light brown wand. But...

Napatingin siya sa hawak-hawak na black wand. Bahagya itong natamaan ng sikat ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana kaya kuminang disenyo nitong kalahating puso. Napangiti siya.

It is so beautiful.

She sighed. Guess I need to do what my heart tells me to do... That is to choose the black wand.

Tinitigan niya ng husto ang hawak na wand. Black wand, just be loyal to me and I'll keep you forever.

Napaawang ang mga labi niya nang umilaw ang disenyong kalahating puso ng wand, ang kaninang kulay-kapeng disensyo ay naging kulay pula matapos nitong umilaw.

Wow... Ang galing.

"Lolo Poppy!" Pagkuha niya sa atensyon ng lolo. Nilingon naman siya nito.

"Anong nangyari sa batang Cleartalon?" Nagtatakang tanong nito sa kaniya. Natawa siya. "Naku po, Lolo Poppy. Hayaan niyo na po 'yang si Sam. Naalala niya lang po 'yung Rio, ang kaniyang love of my life."

"Rio? 'Yun bang miyembro ng konseho ng paaralan? 'Yung Lunaless?"

"'Yun nga po."

"Naku! Walang sineseryosong babae ang batang 'yon."

"Talaga po?" Gulat na gulat siya sa nalaman.

"Talaga! Lunaless ba naman." Napailing ito.

"'Yaan niyo po. Pagsabihan ko po si Sam."

"Dapat lang! 'Yun mga ganoong lalaki ang dapat niyang iwasan! Pati na din ikaw, hija!"

"Noted po."

Tinaas niya ang hawak na wand. "Magbabayad na po ako." Binigay niya na ang sariling I. D. kay Lolo Poppy. Kinuha naman ito ng huli at nagpunta na sa counter.

Napatingin siya sa kaibigan at napailing, nakangiting nakatulala na ito sa tapat ng bintana. "Idamay niyo na din po diyan 'yung kay Sam." Tumango naman ito. Nang itinapat nito ang I. D. niya sa pulang box, bigla ay nanlaki ang mga mata nito.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now