AdM10

1.4K 50 4
                                    

"Aren't you going to say anything, Miss?" The man asked in a very cold voice. Sky got chills just by hearing it. Wala sa sariling napaatras siya.

The man saw what she did and raised a brow. Nagtitigan sila... Matagal, halos isang minuto din ang tinagal ng kanilang titigan. Ang lalaki ang unang nag-iwas ng tingin, pero maya-maya'y muling binalik nito ang tingin kay Sky, pero ngayon ay may kasama na iyong talim.

"Next time, watch where you're going, Miss." Lumapit ito ng bahagya sa kaniya kaya muli siyang napaatras. Bumulong ito sa may tainga niya. "Also, learn how to say sorry. Don't get on my way ever again, you wouldn't want me angry."

Tinalikuran na siya nito at tuloy-tuloy na naglakad paalis. Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya na napigilan ang sarili. She exclaimed, "How dare you threaten me! Who do you think you are, Mister? The law of this school? Ha!"

Salubong ang mga kilay na nilingon siya nito. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa, tapos bigla na lang itong natawa, tawang tila hindi natutuwa. "You maybe new. You're brave for a newbie."

Unti-unting lumapit ito sa kaniya. He was staring at her with sharp eyes. Hindi siya nagpatalo. She stared back at him with the same sharpness. Tumigil ito nang isang dangkal na lamang ang layo nito sa kaniya. He towered over her, staring at her as if she was his prey.

Bahagyang kinabahan si Sky sa pagtitig sa kaniya ng lalaki, pero hindi niya ito pinahalata. They intensely stared back at each other. The staring lasted long.

"Who am I? Well, find it out yourself." He smirked. She gasped when he held her wrist tightly. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito, pero napakalakas nito.

Ilang segundo din ang tinagal ng paghahawak nito sa kaniyang pulso. Nang bitawan siya nito, kita niyang pulang-pula ang sariling pulso at ang mga naglabasang ugat niya ay nagkulay-lila at nagkaroon pa ito ng marka. Hinabol niya din ang kaniyang hininga na siyang pinagtaka niya. Why did I become breathless all of a sudden?

Naglaho na ang lalaki sa harapan niya. Nakayuko siya at habol-habol pa rin ang hininga. Napatingin siya sa harapan niya nang marinig niyang may nagbukas-sara, ang pintuan pala ng banyo na siyang unang pakay niya. Nalimutan ko, iihi nga pala ako. Pero dahil sa nakakainis na lalaking 'yun na animong papel sa sobrang kaputian, umurong ang ihi ko!

Kainis! 'Pag ako nagka-UTI, lagot sa akin ang lalaking papel na 'yon! Ipapa-guidance ko talaga siya!

At! Hindi ko na siya crush! Hmp!

Nagulat siya nang lapitan siya ng babaeng lumabas mula sa banyo. Maganda ang babae at kung titignan ang kabuuan nito, masasabing lila ang paborito nitong kulay. Magmula kasi sa buhok nito, makeup, dress, maging sapatos ay kulay violet.

"Are you okay, Miss?" Tinulungan siya nitong makatayo. Nag-alangan pa siya n'ung una na abutin ang kamay nito, pero sa huli ay tinanggap niya din ito.

Nginitian niya ang babaeng tumulong sa kaniya. "I-I'm okay. Thank you, Miss."

"Ano bang nangyari at nasa sahig ka?" Usisa nito. Kunot na kunot pa ang noo nito, animong takang-taka.

Bumalik ang inis niya. Bago pa man niya masabi dito ang nangyari, may tumawag na sa kaniya. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Sam. Patakbo itong lumapit sa kaniya.

"Oh? Bakit? Anong nangyari sa 'yo?"

Huminga muna ito ng maayos bago siya sinagot. "Ang tagal mong nawala. Akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo."

Her heart warmed. Ang sarap sa pakiramdam malaman na may kaibigang nag-aalala sa 'yo.

Nagulat siya nang magsalita ang babaeng lila. Nakatingin ito sa kaniyang kaibigan. "Cleartalon? Ikaw nga!"

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon