AdM16

1.3K 57 1
                                    

Nagsalubong ang mga kilay ni Zaha nang madako ang tingin niya kay Iro na noon ay nakasandal sa upuan na nasa harapan nito kung saan nakaupo si Sam. "Lunaless? Ano't sinisinghot-singhot mo yata 'yang si Cleartalon?"

Natawa ang mga mag-aaral. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin. Agad na napatigil ang mga ito sa pagtawa, pero may ilang tila nagpipigil.

Namula ng husto si Sam nang marinig ang sinabi ng guro.

Ako? Sinisinghot-singhot ni Iro? Naku! Huwag naman sana ako mabaho sa pang-amoy niya! Nalimutan ko pa naman magpabango kanina! Baka siya'y sa aki'y ma-turnoff!

Nayamot si Iro nang marinig ang sinabi ng guro.

This woman is getting on my nerves.

Hindi na 'ko makapagtimpi pa.

Isa na lang talaga at makakatikim sa akin 'tong Tallbeam na 'to. Hindi bagay sa kaniya ang apelyido niya, hindi naman siya matangkad at beam? Ha!

She doesn't deserve to be beamed at. Nakakasura na nga ang pagmumukha niya, napakasama pa ng ugali niya. Buti na lang talaga hindi siya ang piniling mapang-asawa ni Dad.

If ever she was the one who got chosen, matagal na siguro akong patay sapagkat pipiliin ko na lamang magpakamatay kaysa makasama siya sa iisang bahay.

Nilingon niya ito. Pinilit niya ang sarili na huwag irapan ito. Umiling siya. "I'm not sniffing Sam, Miss. Maybe you just interpreted my actions wrongly."

Napakadumi kasi ng utak mong pakialamera ka.

Tinaasan lang siya nito ng kilay. Maya-maya'y inirapan siya nito at nagpatuloy na sa pagtatalakay. Sa isip niya ay minumura niya ito.

Maduling ka sana, o mas maiging mabulag ka sana, diyan sa kakairap mo!

"Stop that." Napatingin siya kay Law nang magsalita ito. Diretso lang itong nakatingin sa harap. Tinaasan niya ito ng kilay. Tinignan na siya nito, saka napabuntong-hininga. "Stop those dark thoughts of yours. Your aura, it's affecting me badly."

Natigilan siya.

Stupid me! Dapat hindi ako nagpapadalos-dalos sa mga iniisip at nararamdaman ko, lalo na at katabi ko si Law.

He apologetically smiled at him. "Sorry, I'll be careful next time."

Tinanguan siya nito. "Good."

Law can feel the dark auras of the people surrounding him. He can feel Sky's who's in front of him, his best bro's who's beside him and the guy who's at his back, Jacob Robinson Humblestream, or Coby for short. Their dark auras are affecting him so bad.

He mentally cursed when he felt his magical power being awakened by itself.

I have to do something before I lose control.

Sinita niya si Iro. Buti na lang at kumalma na ito. Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam niya.

Napabuntong-hininga siya sa ginhawa nang marinig ang pagtunog ng bell, indicating the end of the third class and the start of the fourth one which is Artwork.

Finally.

Sky, Sam, Vi and Jo teleported to their fourth subject classroom, with Sam and Vi leading Sky and Jo.

Kung namangha si Sky sa silid-aralan ng mga naunang asignatura, mas namangha siya ngayon. Makulay ang mga dingding ng silid-aralan ng asignaturang Artwork, katulad ito ng buhok ni Sam, 'yun nga lang mas matingkad. Ang mga likhang sining na nakakapit sa dingding ay kaakit-akit tignan, ang iba nga ay tila gumagalaw pa.

Akademya de MajikaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang