AdM36

908 38 0
                                    

Araw ng Linggo, ikalima ng umaga.

Hindi pa sumisikat ang araw pero ang mga mag-aaral sa unang taon ng ikatlong lebel ay kasalukuyan nang nasa school’s open grounds.

Napakagaganda at napakaguguwapo sa suot nilang pormal na kasuotan. Ngayon gaganapin ang isa sa pinakainaabangan na okasyon ng lahat, ang tinatawag na The Partnership.

The Partnership is an occasion and is also part of the school’s tradition in which the first year students of the third level will be able to choose their partner, who they want to train with all year long and the one they will be with in case the school send them out on a mission.

But that’s not the big deal here. The school’s top five students, regardless of their level and year, need to join The Partnership, they will be choosing their partner among the first years and that is what everyone is waiting for, they wanted to be chosen by a student that is part of the top ten, by a powerful student.

So here they are, preparing themselves for the introductory. Preparing their grand entrance, speech and performance. Ang mga mag-aaral ay gagawin ang lahat para makuha ang kanilang inaasam, ang mapili ng isang makapangyarihang kamag-aral at makuha ang mga benipisyo mula dito.

Halos lahat ay hinahanda ang kanilang sarili, maliban kay Sky. Imbes na ihanda ang sarili, nandito siya sa gilid ng entablado, inaabisuhan ang kapwa niyang mga baguhan sa dapat nilang gawin mamaya. ‘Eto kasi ang iniatas na tungkulin sa kaniya ng presidente.

Naalala niya pa ang nangyari kahapon. Katulad nga ng binilin ng presidente, nagpaiwan siya sa silid-sanayan nang matapos na ang unang araw nila ng pagsasanay, pinauna niya na ang mga kaibigan sa dormitoryo upang makapagpahinga na ang mga ito.

Masinsinang kinausap siya ng presidente. Inatasan siya nito na pangunahan ang kapwa niyang mga baguhan sa paaralan na sila Vi at Zeke. Sinabi nito sa kaniya kung anu-ano ang mga dapat gawin, mga dapat sabihin, pati na rin kung para saan ang darating na okasyon at ang mga hindi angkop na gawin at sabihin kapag nasa entablado na. Nagtanong din siya ng mga bagay-bagay ukol sa okasyon na agad naman nitong sinasagot. Halos isang oras din ang tinagal ng kanilang miting.

Nang matapos ay naglakad na siya paalis. Gusto niya nang matulog, napagod siya ng husto sa pagsasanay. Sa katunayan nga ay meron pa siyang sugat sa kamay, aksidente niya kasing nasugatan ang sarili gamit ang kaniyang katana. Pero napatigil siya ng magsalita si Law. “Where do you think you’re going, woman?”

Saka niya lang naalala na hindi niya nga pala alam ang daan pauwi sapagkat lagi siyang kasama ni Sam sa pagpunta sa iba’t ibang lugar. Her friend always teleported along with her. She winced. Mukhang kakailanganin niya na naman ang tulong ng binata.

Nilingon niya ito. “Ahm...” Wala pa nga siyang sinasabi ay nilahad na agad nito ang kamay sa kaniya. Napakurap-kurap siya, bahagyang nagulat. Lumipas ang ilang sandali, ito na mismo ang humawak sa kamay niya. Nainip na siguro. Tuloy ay naramdaman niya ang napakalamig nitong palad na animong nagyeyelo. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya, then he teleported along with her.

Narating nila ang isang mahabang pasilyo. Napakurap-kurap siya, hindi kasi pamilyar sa kaniya ang pasilyo. Napalingon siya kay Law nang magsalita ito. “This is the third level first years’ dormitory floor. Are you and Ms. Horsesorrow roommates?” Tumango siya sa tanong nito. Tinuro nito ang unang pinto sa kanang bahagi ng kanang pasilyo. “That’s it. Dorm seven.”

Naglakad na siya patungo sa sinabi nitong pinto. Binuksan niya  iyon pero bago siya pumasok ay tinignan niya muna ito. Dire-diretsong naglakad ito patungo sa pinakahuli at nasa bandang gitnang pinto sa kanang pasilyo. Nang malapit na ito sa silid ay kusang bumukas ang pinto nito at nang makapasok na ito ng tuluyan doon ay kusang sumara ang pinto.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now