AdM48

845 43 4
                                    

Naglakad na si Sky papasok sa bayan. Nakasunod siya kay Law, pero ang mga mata niya ay pagala-gala. May iilang nilalang na nakakasalubong niya ng tingin, nginingitian siya ng mga ito at nginingitian niya din ang mga ito pabalik.

Grabe. Ang babait ng mga nilalang dito, hindi kagaya sa mundo na kinalakihan ko, sa mundo ng mga tao. Iilang tao lang ang ngingitian ka pabalik kapag nginitian mo sila, dahil karamihan ay aakalaing baliw ka at maririnig mo na lang na sasabihin nila ang mga katagang ‘feeling close.’

Tumigil si Law kaya napatigil din siya. Agad niyang nalanghap ang mabangong amoy ng pagkain, natakam tuloy siya. Ngayon ay nasa harap sila ng isang restawran. Omancensalada—iyan ang nakalagay sa karatula ng restawran. Nilingon siya ni Law. “Do you want to eat?”

Bago pa man siya makatango ay tumunog ng malakas ang tiyan niya at tiyak na narinig ‘yun ni Law. Nakita niyang napailing ang huli bago naunang pumasok sa restawran. Namumula sa hiya na sumunod siya dito.

Nawala sa isip niya ang nakakahiyang pangyayari kani-kanina lamang nang makapasok siya sa restawran. Sa labas ay parang maliit ito, pero sa loob ay napakalaki pala at maraming nilalang ang kasalukuyang nakain dito. Mala-bahay kubo ang disenyo nito at ang mga lamesa’t upuan ay yari sa kawayan. Napadaan sila malapit sa mesa ng isang grupo ng sa tingin niya ay mga kaedad lang din nila at agad siyang namangha nang makita ang kutsara’t tinidor, pati na rin ang baso ay yari din sa kawayan, samantalang bao naman ang nagsisilbing plato.

Dahil nga sa marami ang kasalukuyang nakain sa restawran, sa dulo na lamang ang bakante kaya doon na sila umupo, sa mesa na pang-dalawahan na malapit sa bintana kaya kitang-kita ang magandang tawanin ng buhay na buhay na bayan. Hindi niya mapigilang mapangiti. Nawala ang ngiti niya nang tumikhim si Law. Tinignan niya ito, nakataas ang isang kamay nito na may hawak ng menu, binibigay sa kaniya. Nakangiting kinuha niya iyon at pinasalamatan ang binata.

Binuklat niya ang menu at agad siyang naglaway nang makita ang mga putahe na nakapaloob doon. Hindi siya agad nakapili ng oorderin na pagkain dahil lahat ay mukhang masarap, pero nang makitang mukhang naiinip na ang kaharap ay umorder na siya. “One large bowl of Rainbow Fruit Salad, three slices of Strawberry Chocolate Cake and one bottle of Orange Juice. Oh, and one glass of water too.”

Naninigkit ang mga matang tinitigan siya ni Law. “Will you be able to finish all of that?”

Taas-noong sinagot niya ito. “Of course! Ako pa! Kayang-kaya ko, ‘no!”

Napailing ito. “Make sure there will be no leftovers.” Seryoso ang mga mata nito. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya. “Or else you’ll be the one to pay for everything.”

Napangisi siya. “There will be no leftovers.” She assured him. Muling naningkit ang mga mata nito nang makita ang pagngisi niya, kaya nginitian niya ito ng matamis at tatlong beses tinaas-baba ang kaliwang kilay.

Napailing ang binata bago nito sinabi ang sariling order. “One large bowl of Green Vegetable Salad, a dozen of Whole Wheat Carrot Muffins, one pitcher of Tomato Juice and a pitcher of water.” Napanganga siya dahil sa mga inorder nito. Pinindot na nito ang boton na nasa gitna ng mesa at agad na lumitaw sa harapan nila ang kani-kanilang inorder, ang mga inumin ay nagyeyelo pa.

Grabe ‘tong si Mr. President! Ang lahat ng inorder ay merong kinalaman sa gulay. Vegan kaya siya? O baka naman ay health conservative? Maybe. At saka kanina kung maka-“make sure there will be no leftovers” siya, akala mo kung sinong matakaw na kakayanin ubusin mga inorder niya. Napakarami kaya no’n!

Napansin nito na hindi pa rin niya ginagalaw ang mga pagkain na nasa harapan niya kaya tinaasan siya nito ng kilay. “What are you looking at?” Masungit na tanong nito. Napabalik tuloy siya sa kasalukuyan. Napailing ang binata, tapos pinaringgan siya nito. “‘There will be no leftovers,’ a fibber once said.”

Akademya de Majikaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن