AdM51

812 46 6
                                    

“This lady, Sky, is my girlfriend.”

“This lady, Sky, is my girlfriend.”

“This lady, Sky, is my girlfriend.”

Tatlong beses na paulit-ulit na narinig ni Sky ang sinabi na iyon ni Law, kahit na isang beses lamang ito sinabi ng binata.

Natulala siya, hindi makapaniwala. Bumilis din ang pagtibok ng kaniyang puso. Wala siya sa sarili, at hindi pa siya mababalik sa kasalukuyan kung hindi lang nagsalita ang binata.

“Stop imagining things.” Anito na may tono ng pagsasaway. “I just told that girl that you are my girlfriend to shut her up and in a way, reject her.” Dagdag pa nito.

Noon lang niya napagtanto kung ano ang ibig nitong sabihin sa unang sinabi nito. “I am not imagining things!” Aniya, tumaas ng bahagya ang boses.

“Yeah, sure.” Tila walang pakialam na anito. Tinalikuran na siya nito. “Let’s go.”

Nanguna na ang binata sa paglalakad, tahimik siyang sumunod dito.

Akala niya ay babalik na sila kung saan sila nanggaling, pero tila may iba pa silang pupuntahan. Ibang daan kasi ang dinaraanan nila ngayon. Mahigit kalahating oras na silang naglalakad, kaya naman bahagyang hiningal na siya sa pagod. Napansin iyon ni Law, kaya naman tumigil ang binata sa paglalakad. Tumigil rin siya.

Nilabas nito ang sariling wand, then he chanted a spell. Agad na lumitaw sa harap niya ang isang bote ng tubig. Nakangiting nagpasalamat siya sa binata saka ininuman ‘yon. Sa kaniyang sobrang pagkauhaw, naubos niya ang tubig. Namula siya sa hiya nang mapansing nakatitig lamang sa kaniya ang binata habang inuubos niya ang tubig nito.

Nagulat siya nang bigla ay kinuha nito ang bote mula sa kamay niya. He then chanted another spell and the bottle was once again full.

Nanlaki ang mga mata niya nang ininuman ng binata ang bote.

Did he just kissed me indirectly?!

Wait. I’m the one who drank on his bottle!

His bottle! Meaning, I’m the first one who kissed me indirectly!

Argh. I hate myself.

Katulad niya ay naubos din ng binata ang tubig. Nang matapos ito sa pag-inom ay agad na naglaho ang bote. Ilang segundong nagkatitigan sila, siya ang unang nag-iwas ng tingin. Naglakad ito papalapit sa kaniya at laking gulat niya nang tumalikod ito at bumaba sa lebel niya, tila pinapasakay siya sa likod nito.

“I know you’re tired. Come on, hop on.” Anito noong hindi siya kumilos upang sumakay sa likod nito. Sumasakit na din ang paa niya kakalakad, kaya sa huli ay napagpasyahan niyang sumakay na sa likod nito. She wrapped her arms around his neck, while her legs are wrapped around his waist. He held the back of her knees to keep her still while giving her a piggyback ride.

Kalahating oras ang lumipas, nag-aalala na si Sky dahil baka ay nabibigatan na sa kaniya ang binata, mas dumami na din ang bato sa daan, kaya akmang sasabihin niya dito na ibaba na siya nang may marinig siyang umaagos na tubig. Ang mga labi niya ay bahagyang napaawang sa sobra niyang pagkamangha nang makita ang isang stream.

Ibinaba siya ng binata at sa tuwa ay dali-dali niyang nilapitan ang stream. Law told her in a disciplining way to be careful for the rocks near the stream are slippery. She gave him a thumbs up to show her approval. Dahan-dahan at may pag-iingat na na naglakad siya patungo sa stream. Her eyes twinkled when she saw its blue waters.

Tuwang-tuwa na nag-iskuwat siya at inilubog ang mga kamay sa tubig. Agad niyang naramdaman ang malakas na presyon ng tubig. Kitang-kita ang mga kamay niyang nakalubog sapagkat napakalinaw ng tubig, napakalinis, napakaganda. Sumalok siya ng tubig gamit ang mga kamay at akmang iinumin ‘yon nang may pumigil sa kaniya.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon