AdM18

1.2K 53 1
                                    

Sky was terrified. She's aware that the message she just read was actually a threat.

Nanlamig ang mga kamay niya, nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok at nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Who? Who sent me this? What do they need from me? What's with the word 'beware', is the one who sent me this just around?

"Sky, ano 'yan?" Nagulat siya nang biglang nagtanong ang katabi niyang si Sam. Nakatingin ito sa papel, tila binabasa ang nakasulat doon. Agad niyang nilapirot ang papel at tinago sa bulsa ng kaniyang palda. Hinarap niya ang kaibigan.

"W-Wala, nakita ko lang sa tabi-tabi." Tinaasan siya nito ng kilay, hindi naniniwala sa kaniyang palusot.

"Bakit ka namumutla? Anong meron diyan?" Pilit nitong kinuha ang papel mula sa bulsa niya.

Iniwas niya ang sarili dito. "Wala, wala nga lang kasi 'to. Napulot ko lang, wala namang nakasulat. Nakakainis nga, kung saan-saan na lang kasi nagtatapon ng basura ang mga nilalang. Hayaan mo, itatapon ko 'to sa basurahan mamaya."

Tinaasan muli siya nito ng kilay. Nginitian niya ito ng malaki, tinutumyak ito. Tinitigan siya nito, tinitignan kung nagsasabi siya ng totoo.

Sa huli, sumuko na ito, umiling saka nagpatuloy na lamang sa pagbabasa. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa. Ayaw niyang mag-alala ang kaibigan. Mas masama, madamay pa ito.

I need to know who sent me the threat by myself. I must stand up on my own, face whoever I need to face. I don't want to always rely on Sam.

Sinubukan niyang ilihis ang atensyon sa pagbabasa, pero hindi siya makapagpokus. Binabagabag pa rin siya ng nabasang banta. Hindi niya na namalayan ang oras, nagulat siya nang bigla na lamang pisilin ni Vi ang kaniyang mga pisngi.

Napaaray siya. Natawa naman ang kaibigan. "Anong meron at tulala ka?"

Hindi niya pinansin ang tanong nito. Nagtatakang tinignan niya si Sam na noon ay nag-aayos ng gamit. "Bakit nag-aayos ka na agad?"

Kunot-noong nilingon siya nito. "Anong agad? Lutang ka, Sky?" Tinuro nito ang mga bakanteng upuan sa harap. Nagulat siya nang makita ang mga ito. Pinisil ni Sam ang braso niya. "Lutang ka nga. Kanina pa tumunog ang bell. Let's go."

Nagpahila na lamang siya dito. Their next class is Earth Magic, under Halima Prideblade. Nang makarating sila sa silid-aralan, apat na hiwa-hiwalay na mga upuan na lamang ang bakante. Napilitan silang apat magkakaibigan maghiwa-hiwalay.

Naunang umupo sila Vi, Jo at Sam sa may bandang gitna, hiwa-hiwalay ang mga upuan nila pero magkakalapit ng bahagya. Naglakad na si Sky sa kaisa-isang bakanteng upuan sa may harapan na nasa bandang gilid. Malapit na siya sa upuan nang may mapansin siya.

What the—! Si Law na naman makakatabi ko?!

Napasimangot siya. Nahagip ng mga mata niya sila Vi at Sam, tawang-tawa ang mga ito. Sinamaan niya sila ng tingin.

Napatingin siya sa may pinto nang bumukas 'yon. Isang babae ang nagbukas no'n, babaeng guro. Dali-dali siyang naglakad patungo sa kaniyang upuan katabi ni Law at umupo doon.

Ayaw man niyang katabi ang binata, wala siyang pagpipilian. Ayaw naman niyang mapagalitan ng guro, mukha pa namang strikto at mataray ito.

"'Ayan na naman ang halimaw." Napakunot-noo siya nang biglang may nagsalita sa likuran niya. Lumingon siya at nakita ang isang lalaki, masama ang tingin nito sa guro na nasa harapan.

Grabe naman makahalimaw ang lalaking 'to. Mabait naman siguro 'yung guro sa harapan, mataray nga lang tignan.

Akademya de MajikaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant