AdM11

1.4K 47 3
                                    

"Ahhhhh!" Gulat na gulat na napabangon at napasigaw pa si Sky nang marinig niya ang napakalakas na tunog ng isang alarm clock.

She looked around. Nasa dormitoryo pa rin siya. Nakagat niya ang labi nang mapansing naalimpungatan ang kaibigang si Sam dahil sa ingay niya.
Kinusot nito ang mga mata saka humikab. Natatawang napailing ito nang dumako ang tingin nito sa kaniya. "I told you last night not to shout, didn't I?"

Napasimangot si Sky. "I'm sorry."

"It's okay. It's your first time, anyway." Bumangon na ang kaibigan. Pumunta ito sa may bintana at hinawi ang kurtina. Kita niyang gabing-gabi pa sa labas, kitang-kita pa nga ang maliwanag na nakangiting buwan at mga nagkikislapang bituin. Namangha siya. Ngayon lang siya nakakita ng gano'ng karaming bituin, punong-puno ang langit ng mga ito.

Teka... Bakit wala pang araw? Madaling araw pa lang ba? Bigla ay naalala niya ang oras ng kaniyang pasok. Napangiwi siya. Five in the morning hanggang ten in the evening? Grabeng paaralan ito, walang patawad!

Tapos iisa lang ang break! Nanlumo siya.

"Sky?" Napatingin siya sa kaibigan.

"Bakit?" Takang tanong niya.

Napailing ito. "Kanina pa kita tinatawag. Natulala ka na diyan. Napakalalim naman yata ng iyong iniisip."

Umiling siya saka bumangon na. "Wala 'to."

Inayos niya na ang kaniyang higaan. Maayos na sinalansan niya ang mga unan at inayos ang kumot. Napangiti siya nang matapos. Nahagip ng mga mata niya ang orasan: 3:45.

"Sky, mauna ka na." Tinuro ng kaibigang bisi sa pagkalkal ng mga gamit sa aparador ang banyo. Papunta na sana siya sa banyo nang may maalala.

Lumapit siya sa kaibigan. "Ano ang aking susuotin?"

Tila nagulat naman ito, pero maya-maya'y natawa ito. "Oo nga pala. Sorry."

Pumunta ito sa may pintuan. Laking gulat niya nang makitang may apat na mga kahon doon. Kailan pa ang mga 'yon nandoon? Bakit ngayon ko lang napansin?

Ang pangatlong kahon ang kinuha ng kaibigan. Binigay nito ito sa kaniya. Tinanggap niya naman iyon. Hindi kabigatan ang kahon. Inalog-alog niya iyon at kataka-takang walang tumunog.

Tinulak na siya ng kaibigan papunta sa banyo. Pinapasok siya nito doon at bago isara ang pinto ay may sinabi ito. "Uniform mo ang laman n'yang kahon. Bilisan mo, ha? Tatlo pa kaming maliligo."

Tumango siya. Sinara na ng kaibigan ang pinto. Nagulat siya nang buksan nito muli ang pinto. Inabot nito ang kaniyang undergarments. Ngumiti siya at nagpasalamat. Siya na din mismo ang nagsara ng pinto at nag-lock.

She did her usual morning bathroom routine. It took her not long enough to finish. Nang matapos, sinuot niya na ang kaniyang undergarments. Tapos ay binuksan niya na ang kahon.

White V-neck blouse, white mid-thigh plead skirt and a white long blazer. She made a face. Bakit puro puti? Ganda sana, eh, kaso puro naman puti. Madumihin masyado!

Pero nang tinitigan niyang mabuti ang blazer, namangha siya. Sa may kanang bahagi kasi sa may bandang dibdib, nakalagay ang sa tingin niyang logo ng paaralan. It was a shield with two roaring lions leaning over it and looking at each other, over the shield was a crown, inside the shield was the sun and beneath the shield was a ribbon where the lions were standing and written there in Celtic was the name of the school... 'Akademya de Majika.' Overall, the logo's golden.

Sinuot niya na ang uniform. Kamangha-manghang saktong-sakto ito sa kaniya. Tinignan niya ang loob ng kahon—baka kasi may laman pa iyon—at meron nga! A pair of white foot socks and white flat shoes were in there.

Akademya de MajikaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang