AdM53

762 46 3
                                    

Natulala si Sky, hindi malaman ng dalaga kung anong sasabihin o gagawin.

Samantalang si Law ay napakunot-noo, gusto niyang tanungin ang matanda ukol sa mga sinabi at kasalukuyang kinikilos nito pero pinili niya na lamang itikom ang bibig bilang respeto at hinayaan niyang magpaliwanag ito.

"Hija," Nabalik sa kasalukuyan si Sky nang pisilin ng matanda ang mga kamay niya. Ang mga mata nito ay lumuluha, ngunit nandoon ang tuwa. "Kaytagal na panahon ka naming hinanap at ngayon..." Hinalikan nito ang likod ng mga palad niya. Napakurap-kurap siya. "M-Maligayang pagbabalik, mahal naming prinsesa."

"Hin... H-Hindi ko po maintindihan." Aniya. "Ki... Kilala niyo po ako?"

Napangiti ang matanda. "Oo naman."

Napalunok siya. "Pa... Papaano po?

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng matanda. Binitawan nito ang mga kamay niya at inikot ang tingin sa paligid. Pagkatapos ay may binulong itong mga katagang hindi niya lubos na naintindihan at wala pang isang segundo ay nagsara ang mga bintana at ang pinto ng kapehan at nagkaroon sa paligid nila ng isang visible shield barrier.

Binalik ng matanda ang tingin sa kaniya. Ngumiti ito. "Mabuti nang nag-iingat." Pagkatapos ay bigla itong nagseryoso. Sa hindi malaman na dahilan ay bumilis ang tibok ng puso niya.

Huminga nang malalim ang matanda bago ito muling nagsalita. "Mahigit labing-walong taon na ang lumipas nang magkaroon ng isang propesiya. Ang sabi sa propesiya ay muling magsisiklab ang isang kaguluhan, isang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bayan, isang giyera sa pagitan ng dalawang pinakamalakas at pinakamakapangyarihan na sandatahan." Panimula nito.

"Siyamnapung porsiyento ng populasyon ng ating mundo ang malalagas." Nahigit ni Sky ang hininga nang sabihin ng matanda ang mga katagang iyon. "Sa dalawang panig ay may isang mananalo, may isang matatalo, at magtatapos ang giyera at ang buhay ng napakaraming nilalang sa sigaw ng isang babae, sigaw nito ang katagang no."

Napalunok siya, pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi binibitawan ng titig ng matanda ang mga mata niya. "At ikaw... Ikaw ang babaeng 'yon."

Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang dram ng nagyeyelong tubig. Nanindig ang mga balahibo niya at nanunuyo ang kaniyang lalamunan.

Tuloy ay hindi niya magawang magsalita. Maraming katanungan ang nabubuo sa kaniyang isipan, pero tila ba ay naubusan siya ng boses at hindi na niya gugustuhin pang marinig at malaman pa ang mga kasagutan sa kaniyang mga katanungan.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kakayaning malaman.

Ayokong malaman.

Nagsalita muli ang matanda. "Isang babae na nagmula sa angkan ng mga dugong bughaw ngunit mga isinumpang prinsipe... Walang duda, ikaw ang babaeng sinasaad sa propesiya."

Sa wakas ay nahanap niya na ang kaniyang boses. "P-Papaano po ninyo nasisiguro na ako nga iyon?"

"Sapagkat ikaw ay nagmula sa nasabing angkan na iyon, ikaw ay nagmula sa angkan ng mga Lunaless."

Nagimbal siya sa narinig. "Lunaless?"

Tumango-tango ang matanda. "Oo, Lunaless, ang isa sa mga pinakamayaman at pinakamakapangyarihang angkan dito sa ating mundo." Napangiti ito. "Ikaw ay anak ni Nellie na siyang anak ni Lorenza, ang namayapang kapatid ni Lorenzo, ni Felix Lorenzo Lunaless."

"Felix Lorenzo Lunaless-" Nanlaki ang mga mata niya. "Ang headmaster?!"

"Siya nga. Ang kasalukuyang punong-guro ng Akademya de Majika ay ang iyong Lolo Lorenzo." Nakangiting kumpirma ng matanda.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now