AdM77

501 21 0
                                    

"Enough. We're done for today." Law said after almost an hour of them training. It is now twenty-three o'clock. One more hour and it'll be midnight—and no one must be outside by that hour, or else... punishment.

Walang ni isang butil ng pawis ang binata. Samantalang si Sky, naliligo na sa sariling pawis at hapong-hapo.

Sinamaan ng tingin ng dalaga si Law. Naiinis siya sa huli, naiirita, nagagalit—sa totoo lamang, hindi niya sigurado kung bakit.

Siguro dahil sa napakagaling nito... at walang-wala siya kumpara sa mga kakayahan nito...

O baka naman dahil inistorbo nito ang pagkain niya kanina...

O kaya naman dahil sa ngisi nito kanina na tila nang-aasar sa kaniya...

Maybe all of the above? She's not sure.

"Here," Binato ni Law kay Sky ang sariling panyo.

Muntik na hindi masalo 'yon ng dalaga kaya sinamaan siya nito ng tingin.

Hindi umimik ang binata, pero sa loob-loob niya, nagtataka siya.

What's wrong with her?

Si Sky naman, nagtaka rin.

What's wrong with me?

Ang gulo ng dalaga.

Biglang may pumasok sa isipan ni Law. He now knows what to do. "Come, let's eat. My treat." He said and instantly, Sky's lips curved into a smile.

Lihim na napailing ang binata. Nauna na rin siya sa kantina.

That was easy.

Halos sabay lang din ang paglitaw ng dalawa sa kantina. Mabilis na umupo si Sky sa unang upuan na nadapuan ng tingin ng dalaga.

Law sat on the chair beside her. As he did that, Sky voiced out her orders. After, she looked at Law and said, "Ikaw naman."

"Same as hers." Law voiced out.

"Our orders, please!" Sky voiced out cheerfully, her hand on top of the flower in the middle of the table. Instantly, appeared on the table were their orders.

Agad na kumain si Sky. Sumunod si Law. Tahimik pero mabilis ang dalawa sa pagkain.

None of the two noticed the passing of time.

Law only noticed when Iro spoke to him through mind-link. "Bro, nasaan ka na ba? Hindi pa rin kaya tapos ni 'insan? Ano ba namang klaseng pagsasanay ang meron kayo? Hindi na 'yan pagsasanay, pagpapatay na 'yan, eh!"

Bago pa man makasagot si Law, nagpatuloy sa pagsasalita si Iro. "Kunsumeng-kunsume na 'ko rito sa kapatid mo! Wala nang ginawa kundi tumakas mula sa pagbabantay ko!"

Same, Lunaless, same. Your cousin stressed me out the whole day. She, too, ran away... from training.

Napatingin ang binata sa orasan ng katina. He blinked in disbelief when he saw the time: 23:57:58.

He rose up from his seat. "Just a minute, Lunaless." He replied to Iro, then turned to Sky who had her eyes on him already. "Only two minutes 'til twelve. I'll take you back to your dorm now—"

"No!" Sky exclaimed and Law's brows furrowed. Nginitian ng dalaga sa huli at tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo. "Don't worry, I can manage. Go back to your dorm now, Lonan. Baka ikaw pa maparusahan." After saying that, she vanished, teleporting to Dorm 3-7.

Now, Sky's on her bed. Reminiscing everything that had happen that day... It made her even more tired. She was about to sleep but then was disrupted with Jo's loud voice. "Huy, Langit! Kanina ka pa namin tinatanong, paulit-ulit! Ano nga nangyari sa pagkatagal-tagal na pagsasanay mo sa gabay ni Mister President? Lahat kami rito curious, oh! Lalo na sa paeksena niyo kanina! Animong nasa kdrama, eh!"

Napakurap-kurap si Sky. Hindi siya agad nakasagot kaya naman muling nagsalita si Jo. "Ano, Langit, pinagod ka ng husto ni Mr. President at hindi ka na nakapagsalita riyan—aray! Ano ba! Sino 'yon?!"

— a Riddlestory —

Iba ang naging dating ng tanong na iyon ni Jo kay Sky kay Vi kaya naman binatukan ng huli ang nauna, na talagang nasaktan at sa kasalukuyan ay matatalim na ang mga tingin.

Gumanti si Jo kay Vi. Gumanti rin ang huli sa nauna. Gantihan ang dalawa, hanggang sa nauwi na sa halos magsapakan na ang mga ito at may kasama pang sigawan. Si Sky na pinanonood ang dalawa ay na-stress. Si Sam naman na tulog sapagkat pagod na pagod ay naalimpungatan—mabilis na uminit ang ulo ng dalaga sapagkat naistorbo ang tulog. "Hoy kayong dalawa! Kita niyong may natutulog dito, nagsisigawan pa rin kayo riyan! Kung ayaw niyo pang matulog, magpatulog kayo! Mga buwisit!"

Nagtalukbong na si Sam ng kumot at sila Jo at Vi ay napatigil na. But the latter made a face and imitated Sam's shouting. Bumungisngis si Jo habang si Sky ay napailing, pero nangingiti—talagang nakatatawa kasi ang itsura ni Vi.

Biglang may naalala si Jo. Chismis.

"'Uy, totoo ba na nawawala raw 'yung kaklase nating isa ring pogi? Sino nga 'yon? Co... Co... Hindi ko maalala 'yung mismong pangalan, basta nagsisimula 'yun sa Co, eh... Co... Ano ba? Naalala niyo 'yung The Partnership? 'Yung lalaking nagbigay ng rosas doon sa babaeng sinyor natin?"

"Coby?" Vi chirped in.

"Oo, 'yun! Coby—'yun nga!" Napaduro pa si Jo kay Vi. "Nawawala raw, hindi makita. Totoo ba?"

"Malamang hindi!" Napataas ang boses na sabi ni Vi. "Ba't naman mawawala 'yun, eh, ang laki-laki na no'n! Hindi na 'yun bata! Nawawala," Vi said sarcastically, arms crossed.

"Pero 'yun ang bali-balita. Narinig daw ng isang sinyor natin ang pag-uusap ng lolo ni Langit at ng isang tagabantay. Ang sabi pa nga, baka raw napunta 'yung si Coby sa kagubatan mag-isa!" Jo insisted.

"Chismosa mo talaga!" Vi exclaimed.

"Hoy, narinig ko nga lang 'yon! Hindi ako chismosa, 'uy! Ang lakas lang talaga ng boses n'ung sinyor natin habang pinalalaganap iyong nabalitaan niya! Alangan naman sabihin ko sa mga tainga ko na huwag kayong makinig at bingi-bingihan muna kayo. Mag-isip ka nga, Violeta!" Pinanlakihan ng mga mata ni Jo si Vi na hinampas ang mukha ng nauna.

"Aray! Sakit nu'n, ah!" Jo exclaimed and made her revenge. 'Ayun, sakitan na naman ang dalawa at sigawan. Pero hindi kagaya kanina, wala nang sumitang Sam sa dalawa.

Sam was in deep thought. Narinig niya ang chismis ni Jo kanina. She then can't help but remember the last time she saw that guy that she so hated, what he did that enraged her.

And wonder...

If the rumor that Jo gathered was real, where could that cobra be?

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now