AdM37

861 37 0
                                    

Ako ba talaga ‘to?

Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labi sa sobrang pagkagulat na tinitigan ni Sky ang sariling repleksyon. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Paano ba naman kasi, ibang-ibang Sky ang nakikita niya ngayon.

Ang dating itim na diretsong buhok niya ay bahagyang kumulot at naging kulay blonde. She also has makeup, na hindi niya alam kung saan galing. Namumula ang mga pisngi at mga labi niya na lalong nagpaganda sa kaniya. May mga bulaklak din na nakadisenyo sa kaniyang buhok.

Napatalon siya sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto ng dormitoryo. Binuksan niya iyon at tumambad sa kaniya ang kunot-noong presidente na kahali-halina sa suot nitong all white suit.

“M-Mr. President.” She acknowledged him. Bahagya pa siyang yumuko bilang paggalang.

“Why are you still in here?” Tinignan nito ang suot na relo. “It’s six-thirty. The occasion’s about to start in half an hour. Have you finished your assigned task?”

“Yes, Mr. President.” Aniya. Napatango-tango naman ito saka nilahad ang kamay sa kaniya. Bahagyang nagulat siya, tuloy ay diretsong napatingin siya dito. “Hold my hand.” Utos nito na agad niyang sinunod. “Let’s go.” He teleported along with her.

Narating nila agad ang school’s open grounds. She bowed and excused herself to the president and hurriedly went to where her friends are. Nakangiting binati niya ang mga ito. “Hi, girls!”

Lumingon ang mga kaibigan sa kaniya. Napakunot-noo ang mga ito pero nang makilala siya ay nanlaki ang mga mata, tila gulat na gulat. Natawa siya sapagkat naalala niya ang reaksyon kanina, gan’yan na gan’yan sa mga kaibigan.

Unang lumapit sa kaniya si Vi na kaakit-akit sa suot na violet bodycon dress, mayroon pang pa-cleavage. Sleeveless din ito gaya ng sa kaniya. Sinipat-sipat nito ang mukha niya, tila pinag-aaralan. Nang matapos ay lumingon ito sa dalawa pa nilang kaibigan. “Si Sky nga ‘to.”

“Hala, Sky! Ang ganda mo!” Patiling ani Sam na napakaganda sa suot na kulay pula na long gown, half-shoulder ito at gaya sa kaniya ay backless, only, mas malalim ito. Pinatahimik nilang tatlo ito, mahinang hinampas pa ni Vi ito kaya ‘ayun, muling nag-away ang dalawa.

“Bongga, may palikod!” Tinapik ni Jo na nakalulugod tignan sa suot nitong kulay-asul na tube gown, with high slit pa ang likod niya. Natatawang napailing siya. At habang tinitignan ang mga kaibigan ay napagtanto niya na tama lang pala ang suot niya, na ayos pa ito. Sa katunayan, sa kanilang magkakaibigan, o mas tamang sabihin na sa lahat ng babaeng nandoon, siya ang may pinakamatinong suot.

Nang makita niya ang suot ng MMM ay napangiwi siya, nagulat din siya ng bahagya. Halos wala nang matatago pa si Maddie sa suot nitong see-through dress, while Molly, halos lumuwa na ang dibdib sa suot at siya na ang nahihirapang huminga para kay Mimi, napakasikip kasi ng damit nito, lalo na sa may bandang dibdib.

“Si Sam din naman.” Natatawang aniya kay Jo. “Ikaw nga, naks, may pa-legs!” They both laughed. “Lalo na si Vi!” Sabay nilang tinignan si Vi. Tumingin pa sila sa isa’t isa bago sumigaw. “May padibdib!”

Natawa silang dalawa pagkatapos. Agad silang lumayo kay Vi nang lapitan sila nito, naninigkit ang mga mata. Bigla itong tumakbo kaya tumakbo din sila, nagkahiwalay sila ni Jo.

Tawa nang tawa si Sky habang tumatakbo. Because she was distracted, she didn’t noticed the president who was a few meters away from her. Nang lumingon siya habang natakbo para tignan kung maaabutan na ba siya ni Vi, hindi sinasadya na nabangga niya ang presidente.

Nilingon niya kung sino ang nabangga. Agad na nanlaki ang mga mata at namutla siya nang makita ang seryosong-seryoso na mukha ng presidente. Napalunok siya saka napayuko sa sobrang takot at pagkapahiya. “S-Sorry, M-Mr. P-President.”

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now