AdM45

846 42 2
                                    

“What?” Mahina at hindi makapaniwalang tanong ni Sky kay Law. Tinitigan niya ang huli, umaasa siyang nagbibiro lamang ito.

Pero sino nga ba niloloko niya? Kailanman ay hindi nagbiro ang presidente at mukhang wala nga itong katatawanan sa isipan at katawan, ni hindi niya pa nakikitang magkaroon ng emosyon ang mukha nito.

Naghalu-halo ang mga emosyon niya, gulat, takot, pangamba, niyerbos, pag-aalala para sa ina, lahat-lahat na. Naramdaman niya ang lahat ng negatibong emosyon sa oras na iyon. Tuloy ay nagsimulang magtubig ang mga mata niya.

Napatingin siya kay Law nang magsalita ito. “You were asleep for three days for we made you drink Potion D&R without you knowing.” Napakunot-noo siya. Pinaliwanag naman agad nito ang tungkol sa nasabing potion. “Potion Detect&Reject, or just Potion D&R, is a potion that will make us, me, the headmaster and Lunaless, detect what kind of illusion you were under of and the illusionist who drowned you into that illusion. The potion will also reject the same illusionist’s illusion if ever he or she casts an illusion to you once again, but it would only be once. The potion wouldn’t be able to reject another illusion for the second time.” And just like that, nawala agad ang mga negatibong emosyon na nararamdaman niya sapagkat nalihis ang atensyon niya sa pinapaliwanag ni Law. Namangha siya.

Napatingin silang dalawa sa pinto nang bumukas iyon, iniluwa no’n ang nag-iisang nars ng klinika, si Mrs. Fullrun, na siya ding ina nila Ela at Ash.

Napatingin si Sky sa dalawang magkapatid na Fullrun, takang-taka siya, iniisip niya kung anong nangyari at balot na balot ang mga ito ng benda, pati na rin si Vi at ang iba pang mga mag-aaral na naroroon.

Napatingin siya sa nars nang makalapit ito sa kaniya. Nakangiti na binati niya ito at binati naman siya nito pabalik, pero parang may kakaiba dito, tinitigan niya ito ng husto at nakita ang mga mata nito na mayroong lungkot.

Na kay Law ang atensyon nito, pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa Potion D&R. Mukhang malalim ang pag-uusap ng dalawa. Binaling niya ang atensyon sa kaibigang si Vi, naalala niya ang pagwawala nito sa dormitoryo at muli siyang naawa dito. Tinitigan niya ito, animong anghel itong natutulog.

Napangiti siya at pumikit, saka siya lihim na humiling para sa kaibigan. Hiniling niya na sana ay dumating na ang tamang lalaki para sa kaibigan, ‘yung lalaking kusang mamahalin at hindi hahayaang masaktan at ipaglalaban ang kaibigan. Bigla siyang may naisip. Napangisi siya. Tinitigan niya ang pinto.

Ang lalaking sunod na papasok sa pintong iyan ay ang siyang lalaking hiniling ko para kay Vi, ang lalaking karapat-dapat sa kaniya.

Lumawak ang ngiti niya nang makitang gumalaw ang hawakan ng pinto, hudyat na may humawak nito at mayroong papasok sa klinika.

Nahigit niya ang hininga n’ung ang pagbukas ng pinto ay nag-animong slow motion. When the door completely opened and it revealed the one who opened it, her eyes widened.

What the—

“Iro?!” She was very much shocked.

Lagot ako nito kay Sam!

I am doomed!

Napapikit at napasabunot siya sa sarili. “Bakit ko ba naman kasi naisip ‘yon?!”

“You thought of what?” Napaigtad siya sa lakas ng boses ng nasa tabi niya. Iminulat niya ang mga mata at bumungad sa kaniya si Law, salubong ang mga kilay nito.

Napalunok siya. Hindi siya agad nakasagot. Tila napansin nito ang bahagyang pagkatakot niya. Bumuga muna ito ng hangin bago muling nawalan ng emosyon ang mukha nito. Tuloy ay naamoy niya ang mabangong hininga nito.

Amoy mint!

Ang fresh!

Biglang may nagsalita sa gilid niya. “Napakaguwapo ko ba para magulat ka ng gano’n?” Lumingon siya at nakita si Iro, ngiting-ngiti ito. Dinaan pa nito ang kamay sa buhok saka pinapungay ang mga mata at binigyan siya ng killer smile.

Napakurap-kurap siya, hindi malaman kung ano ang isasagot dito. Biglang tinaas nito ang mga kamay, animong sumusuko. Taka niya itong tinignan pero wala sa kaniya ang atensyon nito, na kay Law. Napakunot-noo siya nang makita ang panunukso sa mga mata nito.

“Stop that.” Law said in annoyance to Iro through mind-link. Lagi kasing ipinangalalandakan ng huli ang kaguwapuhan at kung sinu-sinong babae na ang nilandi nito, palikero kasi. At naiirita na siya.

Iro suppressed his laughter. “Okay, fine, lover boy.” Aniya kay Law, through mind-link, tinutukso ito. Sinamaan siya nito ng tingin, tuloy ay hindi niya na napigilan ang sarili, natawa siya ng napakalakas. Hinahampas-hampas niya pa ang kama ni Sky.

Bahagyang nagulat si Sky nang tumawa si Iro. Taka niya itong tinignan, iniisip kung natuluyan na ba ito. Makalipas ang isang minuto ay tawa pa rin ito nang tawa, animong nasiraan na ng bait. Napailing siya. Napatingin siya kay Law nang tumalikod ito, akmang aalis. Tinawag niya ito. “Lonan!”

Natigilan ito, pati siya ay natigilan rin, pati na rin ang kanina pang tawa nang tawa na si Iro, nanlaki pa ang mga mata ng huli. Dapat ay sa palayaw ng presidente na Law niya tatawagin ito, pero basta na lang lumabas sa bibig niya ang mismong pangalan nito, para bang natural na natural lang sa kaniya na tawagin itong Lonan.

Lumingon si Law, muli, salubong ang mga kilay nito. Muli ay napalunok siya. Binuka nito ang mga labi at akma itong magsasalita, pero naunahan na ito ni Iro. Hinawakan siya ng huli sa mga balikat at niyugyog ng malakas saka nanlalaki ang mga matang tinanong siya. “How did you know his real name? Don’t tell me—”

Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin dahil inalis na ni Law ang kamay nito na nasa mga balikat niya at mukhang natigilan ito sa ginawa ng huli. Pinasalamatan niya ang presidente saka hinawakan ang nanakit na mga balikat. Grabe kasi si Iro kung makayugyog, parang balak nitong tanggalin ang mga balikat niya.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Tinignan niya si Law, titig na titig ito sa kaniya, para bang mayroong hinihintay. Tinignan naman niya si Iro, nagtatanong ang mga mata nito. Bumuntong-hininga siya bago magsalita. “N-Narinig ko kasi kay Secretary Ela—”

Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang magsalita si Law. “She’s no longer the secretary.”

Napakurap-kurap siya. Saka niya lang naalala ang pagwawala ni Ela sa pasilyo ng dormitoryo ng first years.

“Ay, oo nga pala.” Napangiwi siya. “S-So, ‘ayun nga, narinig ko kay Ela—senior Ela—” Biglang tumawa si Iro, pero napatigil din agad ito nang mapansin ang seryosong tingin dito ni Law. Tumikhim ito at binaling sa ibang direksyon ang tingin.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Tinawag ka niyang L-Lonan. Nagulat nga ako kasi si Mom—” Napatigil siya, inisip niya kung tama bang sabihin niya ang tungkol sa sinabi ng kaniyang ina sa illusion, especially kay Law. Pero biglang mayroong nagsalita sa isip niya.

It’s Law, he’s talking to her through mind-link. “Your mom told you to trust me, am I right?”

Nanlaki ang mga mata niya.

How did he know?!

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Sam noong unang opisiyal na araw ng pasukan, katatapos lang no’n ng klase sa asignaturang Mentalist Magic.

“Ay, saglit. Si Law pala, kaya niya. Siya lang ang nag-iisang may kayang magbasa ng isipan ng iba dito sa klase natin, pati na din yata sa buong paaralan. Siya lang.”

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now