AdM14

1.3K 51 2
                                    

Dire-diretsong naglakad patungo sa sariling lamesa sa harapan si Flynn Stagoak, Protective Magic subject teacher. He sighed before he face his new students.

"Good morning, class."

Bumati pabalik ang mga estudyante. Napakunot-noo siya nang may mapansing pamilyar sa likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ito.

Skylar?! What is she doing here? Don't tell me she's also a magic user?

Nagulat siya nang bigla siya nitong kawayan. Tinanguan niya na lamang ito.

Ibinalik niya ang pansin sa mga mag-aaral. Binilang niya ang mga ito at napakunot-noo nang malamang labinlima lang ang mga ito.

Sabi ni Dia, labimpito ang first years. Where are the other two?

Napatingin siya sa may pinto nang may kumatok doon. Nasagot na ang tanong niya.

Sinamaan niya ng tingin ang dalawang kapapasok lamang na lalaki. "Mr. Lunaless, Mr. Skullwalker, why are two late?"

"Kinausap lang kami ni Headmaster, Sir." Iro explained.

Napatango-tango ang guro. "Very well. Sit down."

Umupo si Iro sa bakanteng upuan sa harapan, katabi si Maddie. Kilig na kilig naman ang huli. Samantalang nakaramdam ng selos si Sam sa kaniyang nakita. Tinignan niya ng matalim ang likod ni Maddie.

Napangisi si Law nang makitang ang katabing upuan ni Sky na lamang ang bakante. Naglakad siya patungo doon at prenteng umupo.

Sky frowned.

Bakit sa lahat ng maaaring maging bakanteng upuan, 'eto pang nasa tabi ko? Katabi ko na naman ang mayabang na lalaking papel na 'to. Kainis.

Nahahati sa dalawang hilera ang mga upuan. Siyam ang nasa kaliwa habang walo ang nasa kanan. May tatlong upuan sa bawat hanay, maliban sa dalawang upuan na nasa pinakaharap sa bahaging kanan, kung saan nakaupo sila Iro at Maddie. Selos na selos si Sam sa dalawa.

Sa pinakadulong hanay sa bahaging kaliwa, nakaupo sila Law, Sky at Sam. Tumikhim si Vi na nasa harapan ni Sky, nagpaparinig. Sinipa ni Sky ang upuan ni Vi, lihim na natawa naman ang huli.

"Class." Pagkuha ng atensyon sa klase ni Flynn. "Kindly bring out your wands."

Nilabas na ng mga mag-aaral ang kan'ya-kan'ya nilang wands.

Nilabas ni Law ang sariling wand. Pinaglaruan niya ito, inikot-ikot sa kanang kamay. Nahagip ng mga mata niya ang hawak ng katabi na wand.

Napakunot-noo siya saka napakurap-kurap. His wand and Sky's wand were exactly the same!

Napalingon si Sky kay Law nang maramdamang nakakatitig ito sa kaniya, o mas tamang sabihin sa kaniyang wand. Tinaasan niya ito ng kilay.

Anong tinitigin-tingin nito? Anong meron sa aking wand?

Napasinghap siya nang mahagip ng mga mata niya ang hawak nitong wand. She looked back and forth at her wand and Law's.

Paanong magkapareho kami ng wand?!

"They're twins." Biglang nagsalita si Law. Nagtataka siyang tinignan ni Sky. Napabuntong-hininga siya.

Why is she so slow?

Tinuro niya ang mga wands. "Those two are twins."

Biglang naalala ni Sky ang sinabi sa kaniya ni Lolo Poppy tungkol sa sariling wand.

"That wand has its own twin. It has been sold thirteen years ago to a little boy, which I know is a great powerful man today."

Tinitigan niya ng husto si Law.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon