AdM52

851 56 10
                                    

“Tuloy kayo sa aking kapehan.” Nakangiting sabi ni Mang Pepe kila Law at Sky na kasalukuyan ay napasok sa kapehan.

Namangha si Sky pagkapasok. Ang unang niyang napansin ay ang mula sahig hanggang kisame na istante, nakapaloob dito ang iba’t ibang klase ng taro na mayroong napakagagandang disenyo. Maayos ang mga itong nakatanghal sa istante.

Napansin ni Mang Pepe ang kaniyang pagtitig sa istante. “Iyan ay ang aking pinagmamalaking koleksyon.” Ngiting-ngiting sabi nito. “Nagsimula akong mangolekta ng mga taro mula pa n’ung bata pa ‘ko, siguro mga sampu o labing-isang taong gulang ako nu’n.” Kuwento pa nito saka bahagyang natawa. “Hindi ko na masyadong maalala sapagkat alam niyo na, kapag tumatanda, humihina ang memorya.” Napailing ito saka muling natawa.

“Ilang taro na po ang nakolekta niyo?” Ang kaniyang tanong sa matanda.

“Sa pagkakatanda ko, nasa isang libo’t labimpito.” Napaawang ang mga labi niya sa sobrang pagkamangha sa sagot nito.

“Oh, Lonan?” Napatingin siya sa tinitignan ng matanda. ‘Ayun, si Law, nakaupo na sa isang mataas na upuan sa may makitid pero mahabang lamesa na nasa harap ng counter.

Mukhang naiinip na ang kanina pang nandoon na naghihintay na binata kaya tatawa-tawang pumunta si Mang Pepe sa may coffee brewing station.

Si Sky naman ay umupo sa upuang katabi ng upuan ni Law. Ang dalawa ay tahimik lamang na nakamasid habang naghahanda si Mang Pepe.

Inabot ng matanda kay Law ang menu at inabot naman agad ng huli ang menu kay Sky. Nagtatakang tinignan ng dalaga ang binata. “Hindi ka ba oorder?” She asked Law. Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinignan nito ang matanda na kasalukuyang abala.

“The usual, Sir.” Anito na tinanguan ng matanda. Napatango-tango siya at saka tinuon na ang atensyon sa menu. Natuwa nga siya sa disenyo ng menu sapagkat nakaukit ito sa kahoy at kamangha-manghang natitiklop ang kahoy na para bang isa lamang itong papel. Nangingiting napailing siya.

Iba talaga nagagawa ng mahika.

“What’s on your mind?” Umiling siya sa tanong na iyon ni Law, pero pinipigilan niyang matawa.

Parang Facebook lang, ah.

Teka. May Facebook kaya sa mundong ito?

Mukhang wala, wala pa kasi akong nakikitang nilalang dito na may cellphone, eh. Kaya paniguradong walang Facebook.

Sabagay, para saan pa ang cellphone? Eh, puwede ka namang makipag-usap kaninuman privately through mind-link.

And Facebook? Hindi na iyon kailangan pa sa mundong ito. You can do everything in here through the use of magic.

Write a status, make new friends, share whatever you want to share, communicate, take pictures—

Wait. Bakit parang wala pa ‘kong nakikitang kamera sa mundo na ito? At mga litrato?

Nabalik siya sa kasalukuyan nang mayroong pumitik malapit sa mukha niya. Napakurap-kurap siya. Sa lalim ng kaniyang pag-iisip ay hindi niya namalayang ang atensyon ng dalawang ginoo ay nasa kaniya na.

“Ayos ka lang ba, hija?” May pag-aalala sa boses ng matanda.

Matagal bago siya nakasagot. “A-Ayos lang po ako.”

“Sigurado ka?” Mukhang hindi ito kumbinsido.

Kaya nginitian niya ito. “Opo!”

Napatingin siya kay Law, titig na titig ang binata sa kaniya, tila inaalam nito kung siya ba ay nagsasabi ng totoo. Nginitian niya ito.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now