AdM62

644 37 3
                                    

Lumitaw sila Law at Sky sa dormitoryo ng huli.

Napabuntong-hininga sa ginhawa ang dalaga.

Sa wakas makakapagpahinga na rin!

Sobra siyang napagod, kahit na halos isang oras lang ang tinagal nang pagsasanay nila ni Lonan.

Sa katunayan, hindi lang ang katawan ang pagod sa kaniya, kundi maging ang isipan at damdamin.

Si Lonan ba naman kasi, walang patawad.

Bibitaw na sana siya sa pagkakahawak ni Lonan, pero hindi siya hinayaang makabitaw ng binata.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Pagod na pagod na 'ko. Hayaan mo na 'kong makapagpahinga, Lonan, please?"

Hindi ito nagsalita, sa halip ay hinila siya palapit dito. Dinikit nito ang sariling noo sa noo niya. Nanlaki ang mga mata niya at bumilis ang tibok ng puso sa kaba... at iba pa. Tinikom niya ang bibig, adbans kasi siya mag-isip.

Nakapikit ang mga mata ng binata. Napalunok siya at halos maduling na sa lapit ng kanilang mga mukha.

"I'm sorry..." He whispered, softly.

Nag-iinit na ang kaniyang mga pisngi at nagsimula na siyang mailang, kaya naman ay lumayo na siya sa binata, na noon ay nagmulat na ng mga mata.

Nginitian niya 'to, pero nauwi sa ngiwi dahil sa nararamdaman niyang ilang. "O-Okay lang 'yun, ano ka ba! Alam ko na kung bakit mo nagawa 'yun—upang imulat ako sa reyalidad, na hindi habang buhay ay may magtatanggol sa 'kin, kaya kailangan matuto akong ipagtanggol ang aking sarili... I'm guessing my mom made you that, yeah?" Tumawa siya.

Naalala niya kasi ang napaginipan noon. Sinabi sa kaniya ng ina na pagkatiwalaan si Lonan, which she's doing now and she'll be doing—she treats him now as an ally... and...

A friend?

That dream of hers—she believes that that's her mom's way of communicating with her, through her dreams. Wala na kasi ang kaniyang smartphone, eh. Hindi niya na alam kung nasaan.

Hindi sinagot ng binata ang tanong niya, sa halip ay sumeryoso ito. Bigla tuloy siyang kinabahan.

Iminuwestra nito ang pinto sa harapan nilang dalawa. "Go inside now. Tightly shut the windows and lock the door. Never let anyone in, unless it's your roommate, okay?"

Nakaramdam siya ng taranta. Nararamdaman niyang may hindi magandang nangyayari. Pero sinunod niya ang sinabi ni Lonan. Binuksan niya na ang pinto ng dormitoryo at pumasok doon. Saktong isasara niya na ang pinto ay naglaho na si Lonan.

Napalunok siya nang mariin, mas lalong tumindi ang nararamdaman niyang taranta at kaba. Nasisiguro na niya ngayon na may nangyayaring hindi maganda.

Nalimutan niya na ang pagod. Sa kasalukuyan ay palakad-lakad siya paroo't parito. Malalim ang kaniyang iniisip, kaya hindi niya napansin ang kaibigang si Jo.

"Huy!" Napatalon siya sa sobrang gulat.

"Anong meron at tila hindi ka mapakali riyan?" Natatawa-tawang tanong nito.

"Para kasing may hindi magandang nangyayari." Kaniyang sagot, kabado.

Napakunot-noo ito. "Anong hindi maganda, hindi maganda... Baka naman guni-guni mo lang 'yon! Tignan mo, ang ganda ng araw sa labas! 'Yan ba ang may hindi magandang nangyayari?" Tinuro nito ang nakabukas na bintana. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na sinara 'yon.

Habang tinatakpan niya ang bintana gamit ang mga kurtina, kunot-noong wala sa sariling napatanong siya. "Sino bang nagbukas nito?"

"Ako!" Ani Jo na nakahalukipkip na at lalo pang napakunot-noo. "Ano't bakit... Bakit mo ba sinasara 'yan, ha? Ano bang nangyayari sa 'yo, Langit, ha? You're so weird today—I remember." Napailing ang dalaga. "Nababaliw ka dahil nga ika'y in love!"

Akademya de MajikaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang