AdM47

826 41 0
                                    

Tinitigan ng husto ni Sky ang sarili. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang mali sa kaniya.

Bakit iba na itong suot kong damit?!

Ang suot niyang gown—tatlong araw ang nakakalipas—ay nag-iba! Naging isa itong dress, puti pa rin ang kulay, pero umiksi at nag-iba ang disenyo.

“What’s bothering you?” Napatingin siya kay Law. Kunot-noo ito habang ang mga kamay ay nakatago sa mga bulsa ng suot nitong pantalon.

“‘Etong suot ko—” Hindi niya na natuloy pa ang sasabihin dahil nagsalita na ito.

“That dress is obviously made by a fairy and it has magic in it. The dress will transform itself to be suited in any occasion or location.” Anito na nagpaawang ng mga labi niya. Namangha siya, napailing naman ito saka siya tinalikuran nito. “Let’s go.”

Tahimik na sinundan niya ito. Dumiretso ito sa kaliwang bahagi ng bangko, napanganga siya nang makita ang napakahabang pasilyo na napupuno ng matataas at malalaking animong mga laker na mula kisame hanggang sahig. Bawat isa ay mayroong nilalang na nakadamit pang-giyera, bakal na armor, na diretso ang tayo at tingin. Tila mga nagbabantay ito.

Naglakad sila nang naglakad. Napakahaba ng pasilyo, animong wala itong katapusan. Parang n’ung nandoon siya sa Weapon Room, ‘yun nga lang ay puro mga sandata ang nandoon, hindi kagaya dito na puro laker. Bahagyang hinihingal na siya nang marating nila ang dulo, mayroong nag-iisang higanteng pinto doon na may tatlong bantay.

Nanatili siyang tahimik. Pinanood niya ang paglapit ni Law sa bantay na nasa gitna ng pinto, kinausap nito ang bantay, hindi niya na pinakinggan pa ang pag-uusap ng mga ito at pinili niya na lamang magmasid-masid. Naalala niya ang itsura ng bangko mula sa labas, maliit at pangit. Pero mamangha ang lahat kung makikita ang loob nito, napakalaki at talagang napakaganda.

Napaayos siya ng tindig nang tignan siya ng bantay na kausap ni Law, tuloy ay napatingin din sa kaniya ang dalawang bantay pa na nandoon. Kita niyang tumango na ang bantay na nasa gitna at gumilid para makadaan sila. Sinenyasan siya ni Law na lumapit at lumapit naman siya dito. Unti-unting bumukas ang pinto. Nang tuluyang bumukas ito ay bumungad sa kanila ang isang paikot na hagdan na pababa.

Napalunok si Sky, bahagyang kinabahan. Napatingin siya kay Law, napatingin din ito sa kaniya, bahagyang lumapit ito saka siya binulungan. “Stay close.” Tumango siya. Nauna na itong bumaba sa hagdan, agad siyang sumunod dito. Napahawak siya sa dibdib niya sa gulat nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Dumilim tuloy ang paligid at agad siyang humawak sa mga balikat ni Law, nilingon siya nito saka ito napailing. May kinuha ito sa bulsa nito, ang sarili nitong wand. He casted a spell and then a light appeared at the edge of his wand. Ito ang nagsilbing tangtaw nila.

Naalala ni Sky ang sariling wand. Iniwan niya ‘yon sa ilalim ng unan niya sa dormitoryo noong bago pa man magsimula ang The Partnership. Napanguso siya. Funny, but she misses her wand.

Naalala niya ang mga sinabi ng kaniyang Uncle Flynn.

“One of the most important things in your life is your wand. You must bring it wherever you go. You mustn’t forget it.”

“As what I’ve said a while ago, your wand is one of the most important things in your life. Also, your wand is a part of who you are.”

So that’s the reason why I misses my wand. It’s a part of who I am.

Hay naku! Bakit ba kasi iniwan-iwan ko pa ang aking wand?!

Nagpatuloy silang dalawa sa pagbaba ng hagdan.

Nang marating nila ang pinakababa, bumungad sa kanila ang isang pinto. Meron itong kursibang ‘L’ sa gitna.

Law traced the letter then he let Sky do the same thing he did. Nang matapos ang huli ay dahan-dahang bumukas ang pinto. There, they saw the Lunaless family fortune.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now