AdM19

1.2K 46 0
                                    

Sky was very nervous. Hindi niya masagot ang tanong ni Law sa sobrang kaba at bahagyang takot.

Unti-unti siyang nilapitan ni Law. Napalunok siya, hindi malaman ang gagawin.

Huminto ito nang halos isang pulgada na lang ang layo nito sa kaniya. Dahil sa sobrang katangkaran nito, umabot lang siya hanggang sa matipunong dibdib nito, na ngayon ay nasa harapan niya.

Hinawakan nito ang baba niya at iniangat nito ang mukha niya, napatingala tuloy siya at doon ay nagsalubong ang mga tingin nila.

"Stonelight..." He called her by her last name, in a cold low voice. She almost shivered. "I'm asking you, who gave you this?"

"Hin... Hindi ko alam." She managed to say. Pagkatapos ay napatungo siya. Hindi niya na kakayanin pang salubungin ang nakakatakot sa kaseryosohan na tingin ni Law.

Binitawan na nito ang baba niya at lumayo sa kaniya. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa. Napahawak pa siya sa kaniyang baba at napagtantong nanginginig 'yon, dahil siguro sa sobrang kaba. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili.

Nagulat siya nang bigla na lang hawakan ni Law ang kamay niya. Hindi na siya nakapalag nang bigla na lang itong maglaho, kasama siya. Law teleported with her in an office, the school headmaster's office to be exact.

"A-Ano ba!" Binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito. Parang bula na nawala ang pagkatakot niya dito, napalitan agad ito ng inis. Inis dahil bigla-bigla na lang siya nitong dinala sa kung saan.

"Saan mo ba 'ko dinala, ha?" Inis niyang tanong sa binata. Nilibot niya ang tingin sa buong paligid at napagtantong nasa isang opisina sila. "Bakit ba tayo nandito? May klase pa! Mahuhuli na tayo!"

"Don't worry. I already told Mr. Truthbasher that we will be late in his class." Simpleng sabi ng binata. "Also, to answer your question, we're in the headmaster's office. He'll be talking to you."

"What?!" She shrieked. Nanlalaki ang mga matang muling nilibot niya ang tingin sa buong paligid. Napadako ang tingin niya sa lamesa, doon ay nakapatong ang isang nameplate.

Felix Lorenzo A. Lunaless, AdM Headmaster

She panicked. Nilapitan niya si Law na noon ay nakasandal sa pader. Kumapit siya sa balikat nito. "Balik na tayo, please?"

Tinanggal nito ang kamay niyang nakakapit sa balikat nito. "He'll just ask you about the threat you've received. Stop panicking."

Napatalon siya sa gulat nang biglang may lumitaw sa harap niya. Napatago siya sa likod ni Law sapagkat inakala niya na ang punong-guro ang lumitaw, iyon pala ay si Iro. Nagtataka ang mga tingin nito kay Law. "Bro, why are you here?"

Hinawakan ni Law ang kamay niya at sapilitan siyang hinila papunta kay Iro. Tila nagulat naman ang huli nang makita siya. "Why is she with you?" Bigla ay nanlaki ang mga mata nito. "Bro! Is she—?" Napasinghap ito. "I can't believe it! What's with the new girl, huh?" Pabirong nagtaas-baba ang isang kilay nito.

Nagtataka naman niya itong tinignan.

Ano raw? Anong pinagsasabi nito ni Iro?

"Idiot." Agad siyang napatingin kay Law nang magsalita ito. Inakala niyang siya ang pinagsasabihan nito, 'yun pala ay si Iro na noon ay salubong na ang mga kilay.

"What's your problem?" Maanghang tanong nito kay Law at nilapitan pa ito. Wala namang karea-reaksyon ang huli. Napalayo siya mula sa dalawang lalaki.

Uh-oh. I smell trouble.

Bigla ay may nilabas si Law mula sa bulsa ng suot nitong slacks, ang papel na naglalaman ng banta para sa kaniya. Hindi na ito lapirot kagaya kanina, bagkus ay maayos nang nakatupi, 'yun nga lang ay halata pa rin ang mga gusot-gusot. Binato ito ni Law kay Iro, na siyang nasalo naman ng huli.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon