AdM21

1.2K 47 0
                                    

"Bakit kailangang tayo-tayo lang ang nakakaalam?" Sky dared to ask.

"Your case is a sensitive one." Simpleng sabi ni Law. "We need to take precautionary measures."

Bahagya naguluhan si Sky. Tatanungin niya pa sana ulit si Law pero tinaas ng huli ang isang kamay nito sa harap niya, tila pinatitigil siya sa muling pagsasalita. "No more questions. It's for your safety."

Biglang hinawakan nito ang kamay niya. Gulat siyang napatingin dito pero biglang naramdaman niya ang paglaho ng kaniyang katawan. Law is teleporting along with her back to the classroom. He immediately let go of her hand when they arrived.

Nandoon na ang kanilang guro sa asignaturang Alchemy and Transfiguration na si Fox Cloudbrand nang makarating sila.

Naninigkit ang mga matang tinignan sila nito. "Mr. Skullwalker, Ms. Stonelight..." Nilapitan sila nito at tinaasan ng isang kilay. "Why are you two late?"

Si Law ang sumagot. "We talked about something important, Mr. Cloudbrand."

"And what is this important thing?" Usisa pa ni Fox sa dalawa.

Napalunok si Sky nang mapatingin sa kaniya ang guro. Tinignan niya si Law at buti na lamang ay nakaisip ito ng palusot. "About the first years' partnership. I need this lady—" Tinuro siya nito. "To lead the other newbies. The headmaster approved of her."

Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga nakaupong mag-aaral. The partnership is a big deal for the first years. The Partnership is one of the most awaited occasions in the school.

Fox made them all shut up with a glare. Binalik ni Fox ang tingin niya kina Law at Sky. "I'll let you two pass this time, but make sure this won't happen again." Tumango si Sky, mukhang wala namang pakialam si Law. "Now, sit down."

Agad na umupo si Sky sa kaniyang inuupuan niya kanina. Umupo naman si Law sa bakanteng upuan na nasa harap niya. Kiniliti siya ni Sam, inaasar siya. Napaigtad siya at sinamaan ito ng tingin. Mahina itong natawa.

Tumikhim si Fox para makuha ang atensyon ng mga mag-aaral, na napagtagumpayan niya naman. "My subject, Alchemy and Transfiguration, is about affecting someone or something's physical form." Panimula nito. "Get your books. Turn to page one."

Agad na sinunod ng mga mag-aaral ang kaniyang utos, kinuha nila ang kan'ya-kan'ya nilang mga libro. Pumitik siya at agad na lumitaw sa kaniyang lamesa ang isang tasa.

Tumikhim ulit siya bago magsalita. "This is a teacup." Halata naman na aniya. "Ms. Clearsoar." Tawag niya kay Molly. Tumayo naman ang huli. "Think of a small animal."

Napaisip si Molly. "Ahm... A rabbit?"

Umiling si Fox. "A smaller one, please."

"Ah... Ahm... A hamster?" Napangiti siya nang tumango ang guro. Umupo agad siya nang paupupuin siya nito.

"Okay, a hamster." Dinampi ni Fox ang dulo ng hawakan ng tasa. Umilaw ang tasa, pagkatapos ang dating tasa ay kahanga-hangang naging hamster.

Humanga ang iilang mag-aaral sa kanilang nakita, samantala ang iba naman ay mukhang walang pakialam. Tinapik ni Fox ang ulo ng hamster. "This is what you all will be doing in the next few months."

Tinignan niya ang suot na relo. "Read and understand page one up to whatever page you want." Inayos na niya ang mga gamit niya. "You're free to do anything you want to do after my class. After all, it's your break." Sinuot niya na ang kaniyang bag. "But, for now, read. I'll be going now, you all can take care of yourselves."

Fox teleported to Kantina de Majika. Agad siyang napangiti nang maamoy ang mabango at paniguradong masarap na mga pagkain. Finally, after days of starvation, he'll be eating food, real food.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now