AdM5

2.1K 52 2
                                    

"Woah. Wow." Sky said in awe. Kasalukuyan siyang nasa dormitoryo ng kaibigan. She looked around. Everything looks amazing, fascinating and enchanting. Hindi ko akalaing may ganito pala talagang lugar. Grabe. Napakaganda.

Kung siguro may ganito sa mortal world, dinagsa na 'to ng masa. Grabe lang talaga. I feel like I'm floating right now and everything around me is just an illusion-a beautiful illusion. Nakita niya ang isang litrato. Napangiti siya.

Sa litrato, may isang batang babae na hawak-hawak sa kamay ng isang magandang babae. Magkamukha ang dalawa, mapapangiti ka dahil tila carbon copy, parehong-pareho ang pagkakangiti.

Hinaplos niya ang dulo ng lalagyan ng litrato. Maybe this is Sam with her mom. They are both beauties. Suddenly, she remembered her own mom and her smile instantly vanished. I missed her so much. Gusto ko na siyang makita. Ano kayang ginagawa niya sa mga oras na ito?

She sighed. Kung anuman ang ginagawa niya, sana ay maayos niya itong nagagawa. Also, I hope she's fine and happy and safe. I hope she's not worrying about me, because there's nothing to worry about. I'm perfectly fine. She silently prayed. Lord, please always be there for my mom. Also, for me and my friend Sam and for everyone.

Napangiti siya. She's not feeling down anymore. Iba talaga ang nagagawa ng prayers. Nagulat siya nang biglang may narinig siyang tumili. It was her friend, Sam. Dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan nito. Nang makita niya ito ay agad siyang napakunot-noo.

"Sam? You okay?" Unti-unti siyang lumapit sa kaibigan na kasalukuyan ay nakangiting nakatulala habang nakatingin sa may bintana. Ano na kaya nangyari sa babaeng 'to? Natuluyan na ba?

Hala. Huwag naman sana. Iwinagayway niya ang kamay sa tapat nito, pero ni hindi ito nagulat o kumurap man lang. Napailing siya. Natuluyan na nga yata. Hay naku, Samgyupsal!

Babalik na sana siya sa kung saan siya nanggaling nang bigla na lang magsalita si Sam. "Sky, I'm living the dream." Madamdaming wika nito. Naguluhan siya. Ano daw?

Tumitig ito sa kaniya ng matagal. Tumitig lang din siya pabalik. Ano ba talaga nangyayari dito kay Sam? Maya-maya'y bigla na lang itong tumili ng malakas at gumulong-gulong sa sahig habang binabanggit ang mga katagang 'my love.'

She made a face. Alam ko na. Mukhang 'yung Iro ang dahilan kaya bigla na lang nagbaliw-baliwan 'tong si Sam. Napailing siya. "Lakas ng tama, ah?"

Agad namang natigilan ang kaibigan nang marinig ang sinabi niya. Alanganin itong ngumiti. Umayos na ito at tumayo saka pinagpagan ang sarili.

Kunwari pang umubo si Sam. "Okay, fine. I'll be serious. I'm sorry, dear. Hindi lang talaga ako makapaniwala." The man of her dreams turned her dreams to reality. Kinikilig siya. Sino ba naman ang hindi kikiligin, 'di ba? Rio Rockwell, I'm deeply in love with you!

Napailing si Sky nang makitang natulala na naman ang kaibigan. Wala nang pag-asa 'tong makaahon. Hulog na hulog na.

Ilang minuto itong tulala kaya medyo nairita na siya. Okay. Overacting na. Tama na. Malakas niya itong niyugyog kaya nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat na napatingin ito sa kaniya. Tinaasan niya lang ito ng kilay.

Napabuntong-hininga ang kaibigan. "Sige na. Seryosohan na." Tinaas nito ang dalawang kamay, animong sumusuko. "So let's start. What do you want to know?" Lihim siyang napangiti dahil sa sinabi at kinilos nito. Halos wala pang isang oras kami na nagkakasama, basang-basa niya na agad ako. She's such a good observant.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now