AdM23

1.1K 48 0
                                    

Kasalukuyang nakasilong sa lilim ng isang puno si Sam. She's upset.

Yes, I like Iro, o mas tamang sabihing gustong-gusto ko siya, siya kasi ang aking dream guy, pero kailanman ay hindi ko siya hinabol.

Hanggang tingin mula sa malayo lang ako. Lately nga lang niya ako napansin.

"Ms. Cleartalon?" Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig niyang may tumawag sa kaniya.

"M-Ms. Prideblade." She acknowledged her teacher in the subject Earth Magic. Nginitian niya ito. "Do you need anything, Miss?"

Tinaasan siya nito ng isang kilay at tinitigan siyang mabuti. Patuloy niya pa din itong nginitian. Maya-maya'y sumuko na ito sa pag-oobserba sa kaniya at nagtanong. "Do you know where Ms. Stonelight is?"

Si Sky? Anong meron?

"Ahm... Baka nasa kantina, Ma'am. Doon ko kasi siya huling nakita." Aniya.

"Galing na ako doon. Wala naman siya." Napakunot-noo siya sa sinabi ng guro.

"Ah, Ma'am, baka kasama nila Jo at Vi." Bigla ay muli niyang naalala ang naging sagutan nila kanina ni Vi. Napasimangot siya.

"Sila Horsesorrow at Seablade?" Tumango siya nang tanungin ito ng guro. Napailing ang huli. "Hindi ko nakita si Seablade sa kantina, si Horsesorrow lang ang nakita't nakausap ko, ang sabi niya'y umalis daw si Stonelight matapos mananghalian." Anito.

Saan naman kaya pumunta si Sky?

"Anyway, pakisabihan na lang si Stonelight na matagumpay nilang nagawa ni Mr. Skullwalker ang sweet dream potion."

Bigla ay nagsalubong ang mga kilay ng guro. "Hay naku. Si Skullwalker nga pala, pati ang batang 'yon, hindi ko mahanap-hanap." Napailing ito. "Mga kabataan talaga ngayon, biglang-bigla nawawala, animong bula. Kung saan-saan pa nagsusuot."

Binalik ng guro ang tingin nito sa kaniya. "'Yung sa inyo, ayos sana, nagkulang lang sa nightmist seeds. Galingan niyo na lamang sa susunod." Tinapik siya nito sa balikat. "Una na 'ko. 'Yung pinapasabi ko kay Stonelight, ha? Huwag kalilimutan."

Wala sa sariling napatango siya. Nakaalis na ang guro at siya'y tulala. Ramdam niyang may hindi tama. Napaangat ang tingin niya sa langit at laking gulat niya na ang kaninang kulay-asul na kalangitan ay naging makulimlim at natakpan ng kulay-abo na mga ulap.

Tila may ipinahihiwatig ang langit.

Bigla ay naalala niya ang kaibigang si Sky. Nakaramdam agad siya ng kaba. Dali-dali siyang tumakbo pabalik sa kantina.

Sky was very surprised. Hindi niya inakalang si Law pa pala ang magliligtas sa kaniya mula sa kapahamakan.

I don't hate him now.

Instead, I owe him.

Ano ba 'yan.

Nagkaroon pa 'ko ng utang na loob sa kaniya nang wala sa oras.

Kasalanan 'tong lahat ni Mr. Kidnapper!

Nilapitan siya ni Law at tinulungang makatayo. Napangiwi siya nang muling maramdaman ang hapdi ng natamong sugat mula sa pagkakadapa.

Law took his wand from his pocket. He spoken out a healing spell to heal Sky's wounded knee. Then he knelt down and untied the rope encircling her feet.

Binaling niya na ang atensyon sa lalaking kasalukuyang nakadapa sa kalupaan, hindi na ito nagsisisigaw katulad kanina, bagkus ay tulalang nakatingin ito sa naglahong kamay at braso.

He wouldn't end up like that if he didn't trespass in my territory in the first place and kidnapped and laid his dirty hands on my student.

"What's your name and what do you need in my territory?" He asked the trespasser.

Tumawa ito ng napakalakas, nagmukha na tuloy itong baliw. "You have the same question as the guy who saved damsel yesterday, 'yun nga lang may kaunting pagkakaiba." Natawa ulit ito. "Guess you two are friends. Sabagay, mukha naman kayong magkauri."

"Damsel?" He frowned.

Is he referring to Stonelight?

"Oh?" Natawa na naman ang trespasser. "You don't like me calling your territory damsel?"

He frowned once again.

He's sick.

Hindi niya na lamang pinansin ang sinabi nito. "So you're that guy from yesterday." Tinitigan niya ito diretso sa mga mata. "For sure the headmaster had talk to you already, and him being the kindest creature ever, he didn't punish you and he just let you go. If I were him, I wouldn't do that."

Nilapitan niya ito. Napaatras ito, kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito. He smirked. "I would kill you on the spot." Tinaas niya ang kaniyang kamay. Napapikit ito at nagsisisigaw. Napangiwi siya, sumakit kasi ang tainga niya. "Shut up."

Napatigil ito sa pagsigaw. Unti-unti itong nagmulat ng mga mata. Sinalubong niya ang tingin nito. "What do you need?"

Napabuntong-hininga ito. "Fine. I'll tell you." Sumusukong anito. "I only need one thing..." Tinuro nito si Sky. "That is her necklace." Tumayo na ito. "I need her necklace."

Stonelight's necklace?

Kunot-noong napatingin siya kay Sky at sa kuwintas nito. Agad niya ding binalik ang tingin sa trespasser. "Why do you need it?"

Kumibit-balikat ito. "Nothing. I just want it to be mine."

Naningkit ang mga mata niya. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.

Muli itong napabuntong-hininga. "Fine. I'll tell you." Lumapit ito sa kaniya. Pabulong nitong sinabi ang tunay na dahilan. "Her mom, Sheena Nellie Stonelight, is the real owner of that necklace." Panimula nito. "That necklace is a very powerful one. In her case..." Muli nitong tinuro si Sky. "It protects her and her magical power."

Napatingin siya sa inosenteng mukha ni Sky. Naalala niya ang I. D. nito, pangalan lang nito ang nakasulat doon.

Now I know why.

She must be very powerful.

To protect her, her mom gave her the necklace.

Naramdaman niyang may papalapit. Lumingon siya at nakita si Iro, kasunod nito ang headmaster.

Agad na lumapit sa kaniya si Iro. "Bro!" Tinignan nito ang trespasser. Napakunot-noo ito. "You again?!" Nilingon nito ang papalapit na headmaster. "Lolo, you did it again?!"

Hindi pinansin ni Felix ang apo. Agad siyang lumapit sa trespasser. Napatingin siya sa hindi buong braso nito at napailing. Tinaas niya ang kaniyang kamay at tinutok ito sa kung saan dapat ang braso ng trespasser. He spoken out a healing spell.

Buti na lang talaga at hindi ko pa nababasbasan sa ikahuling pagkakataon si Law.

Bahagya siyang nagulat nang biglang sumigaw ang apo. "Lolo! Why did you do that?"

"Do what?" Nagtatakang tanong niya.

"That!" Tinuro nito ang napagaling niya na braso ng trespasser. "Dapat hindi mo na lang siya pinagaling! He deserve what Law did to him! He's a trespasser and a hurter! He deserved to be punished!"

Binatukan niya ang apo. Napaaray ito. "Yes, he deserves to be punished, but he doesn't deserve to lose an arm! Nobody deserves to lose any part of their body, nobody deserves to be incomplete physically!" Aniya. "He must be punished in the right way."

"But still—" Sinubukan pang kumontra ng apo pero binatukan niya ito para manahimik.

Napailing si Law. Nilingon niya si Sky. Hindi niya maiwasang mapatingin sa kuwintas nito.

"Let's go." Hinila niya na ito pabalik sa paaralan.

"O-Okay."

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now