AdM34

872 38 1
                                    

Nagulat si Sky sa biglang pagbulalas ni Maddie. Hindi agad niya nasagot ang tanong nito kaya nilapitan siya nito. Agad naman siyang napaatras.

“I’m asking you... Where did you get that suit?!” Tila gigil na gigil ito.

“My mom gave it to me.” Kalmado niyang sagot sa tanong nito.

“Where did your mother got your suit then? Where did she bought it?” Napakunot-noo siya sa tanong nito, pero sa huli ay kumibit-balikat siya. Hindi niya alam ang sagot sa tanong nito.

“What’s your name again?” Bahagyang napataas ang kilay niya sa tanong nito, pero sinagot niya pa din ito.

“Sky Stonelight. Why?” Takang-taka siya sa mga tinatanong at kinikilos nito.

Laking gulat niya nang maglahad ito ng kamay sa harap niya, saka siya matamis na nginitian. “Hi, I’m Maddie Freebreeze. I hope we can not just be roommates or classmates, but friends too.”

Sa sobrang gulat niya ay natulala siya. Tulala niyang tinignan ang kamay na nakalahad ng kaharap. Nainip na ito matapos ang ilang sandali kaya ito na mismo ang humawak sa kamay niya.

“Sorry if our first meeting is not really that good, I’m sorry for being mean.” Yumuko ito, animong sising-sisi. Pero maya-maya’y tinaas nito ang ulo at muling ngumiti. “But we can always begin again, right? Let us be friends!”

“Join my team, befriend my other friends Molly and Mimi, you won’t regret joining us, I promise you.” Pagyaya pa nito, hawak pa rin nito ang kamay niya. Napakurap-kurap lamang siya, para sa kaniya ay napakabilis ng mga pangyayari. Napakurap-kurap na lamang siya.

Nang maproseso na ng utak niya ang nangyayari, bumitaw siya sa pagkakahawak ni Maddie, mukhang nagulat naman ito. Bumuntong-hininga siya bago magsalita. “I’m sorry, but I—”

“Sky!” Napalingon silang dalawa sa sumigaw ng pangalan niya, si Sam, kasunod nito si Vi at Jo. Hindi nila agad napansin si Maddie na nasa harap niya.

Nakalapit na ang tatlo, napansin na ng mga ito si Maddie. Agad itong sinamaan ng tingin ni Sam, samantalang hinila naman palayo ni Vi si Sky dito.

“What are you doing here, Matilda?” Tinaasan ito ni Sam ng kilay.

Gumanti naman ito, tinaas din nito ang kilay. Tumingin muna ito kay Sky bago magsalita. “Nothing, just passed by.” Saka ito walang lingunan na naglakad palayo.

Dinaluhan agad nila Sam at Vi ni Jo.

“Are you okay?” Sam asked Sky.

“Anong ginawa sa ‘yo ng bruhang ‘yon? Sinaktan ka ba niya?” Vi asked Sky.

Tumingin si Sky kay Sam saka siya tumango. “I’m okay, don’t worry.”

Tumingin naman siya kay Vi saka siya umiling. “Hindi naman niya ako sinaktan. Tinanong niya lang ako kung saan ko daw nakuha itong suot ko.” Hindi niya na sinabi pa sa mga kaibigan ang pag-aalok nito sa kaniya na sumali sa kanila.

Doon lamang napansin ni Vi ang suot niya. Si Jo ay kanina pa ito napansin, gandang-ganda ito sa damit, samantalang si Vi ay napakunot-noo.

Agad na napansin ni Sky ang pagkunot-noo ni Vi. Natawa siya at napailing. “Sabi ko naman sa ‘yo, wala akong normal na damit.”

Natawa’t napailing din ito. “Mukha nga.”

“Paniguradong mahal ang damit na ‘yan.” Ani Vi habang titig na titig sa damit. “Mukhang orihinal at pinasadya pa.”

“Oo nga.” Pagsang-ayon ni Sam kay Vi. Bigla siyang natawa na ikinabigla ng mga kaibigan. “Alam ko na kung bakit tinanong ng bruha kung saan mo ‘yan nakuha.” Natawa ulit siya. “Kasi bibilhin niya ‘yang kagaya sa ‘yo, o kaya ay magpapasadya siya. Nainggit siguro sa damit mo.”

“Parang pareho kayo ng damit.” Ani Jo kay Sky. “Pero ‘yung sa ‘yo ‘yung mas maganda.”

“Oo at naiingit ‘yun panigurado.” Ani Vi saka siya natawa. “Ha. Gusto niya kasi lagi siyang naiiba, gusto niya lagi siya ang bida.”

“Bida-bida naman.” Ani Sam saka umirap. Nagkatinginan sila ni Vi saka sila nagtawanan. Nagtaka naman sila Sky at Jo sa kanilang pagtawa.

Dumating na ang magiging tagapagsanay ng mga mag-aaral, si Jonas Truthbasher na siyang guro din nila sa asignaturang War Magic. Nagsiayos ang lahat.

“Good morning, trainees.” Bati ng tagapagsanay. Ang mga mag-aaral ay bumati pabalik dito.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Today you all will learn what is your weapon accessory.” Iba-iba ang naging reaksyon ng mga mag-aaral sa sinabi ng guro, may nagulat, nasayahan pero karamihan ay kinabahan. Nagpatuloy sa pagsasalita ang guro. “Now I want you all to line up by your surname. We will go to the Weapon Room.”

Agad na sumunod ang mga mag-aaral sa sinabi ng guro. Pumila sila batay sa kanilang apelyido. Muling nagsalita ang guro. “Look at your back.”

Lumingon ang mga mag-aaral sa kanilang likuran. Doon nakita nila ang isang higanteng pinto. Naglakad na ang guro papunta doon at sumunod naman dito ang mga mag-aaral. Binuksan ng guro ang pinto at bumungad sa lahat ang iba’t-ibang klase ng sandata, iba’t iba ang haba, laki at itsura. Namangha ang lahat.

Pinapasok ng guro ang mga mag-aaral. Nang makapasok ang lahat ay muli itong nagsalita. “You will find the right weapon accessory for you. You will not choose your weapon, the weapon will be the one to choose you.”

“The right weapon will light up once you touch it.” Tinignan ng guro ang relo. “I will give you all an hour to find your weapon accessory. Timer starts now.”

Nagkan’ya-kan’ya na ang mga mag-aaral. Si Sky ang naiwan sa dating kinalalagyan, hindi niya alam kung saan magsisimula, gusto niya sana makasama sa paghahanap ang mga kaibigan, pero nagkan’ya-kan’ya na ang mga ito. Napabuntong-hininga siya.

Sinimulan niya na ang paghahanap. Tumingin-tingin siya sa paligid, punong-puno ng mga sandata. Namamangha siya sa dami at ganda ng mga ito. Hinawakan niya ang isang latigo, napasimangot siya nang hindi lumiwanag ito.

Sunod niyang hinawakan ang isang pana pero hindi din ito lumiwanag. Marami pa siyang hinawakan na mga sandata, pero wala sa mga ito ang lumiwanag. Halos kalahating oras na niya hinahanap ang sandatang akma para sa kaniya, pero wala pa rin, hindi niya pa rin ito mahanap. Napabuntong-hininga siya.

Kalahating oras ulit ang nagdaan, wala pa rin siyang mahanap. Lahat na ng nakikita niyang mga sandata ay hinahawakan niya pero wala ni isa sa mga ito ang lumiwanag. Susuko na sana siya sa paghahanap pero biglang may nahagip ang mga mata niya, isang mahabang hawakan ng sa tingin niya ay espada, pero kataka-takang wala ang mismong talim nito, na nakasabit sa dingding. Dahan-dahang naglakad siya papalapit dito.

Natitigan niya ito ng masinsinan nang nasa harap niya na ito. May nakaukit dito, in Celtic, Ruler. She slowly put her hand up, opened the frame where the handle is in, then touched it, she needed to use her two hands for it is really long. Her eyes widened in astonishment when it lit up. She removed the handle from the frame and it continued to lit up.

Nawala lang ang liwanag nito matapos ang isang minuto. She caressed the handle gently. Her forehead furrowed when she realized something.

Bakit hawakan lang ito? Nasaan ang talim nito?

Nanlaki ang mga mata niya nang biglang lumabas ang talim nito. Napakahaba nito at napakatalim. Nakita niya pa ang sariling repleksyon sa talim nito.

Namamanghang tinitigan niya ang kabuuan noon. At habang tinititigan ay inalala niya kung saan niya unang nakita ang kapareho nito.

Nanlaki muli ang mga mata niya nang maalala na niya kung saan niya nakita ang kapareho nito, sa isang palabas sa telebisyon na naging paborito niya noong bata pa siya.

At ito ay isang...

“Katana.” Namamangha, humahanga niyang wika.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now