AdM54

786 42 6
                                    

"I-It's great to meet you too." May pagkailang sa boses na turan ni Sky kay Iro. Ang dalaga ay bahagyang nailang sa ginawa ng pinsan. Napansin iyon ni Law kaya ang binata ay agad na to the rescue.

Tumikhim siya at lumapit sa dalawa. Napatingin ang mga ito sa kaniya, pati na din ang headmaster. Napataas pa ang isang kilay ng huli.

"I think Stonelight badly needs to rest." Ani Law at hinila na palayo si Sky kay Iro. Napasimangot ang huli, gusto niya pa kasing makasama pa ang pinsan pero pinili niya na lamang na manahimik at hindi na umalma pa.

Tinignan ng binata ang headmaster, tumango naman ang ito, pinahihintulutan siyang dalhin na si Sky sa dormitoryo nito upang makapagpahinga na.

Law teleported accompanying Sky to the latter's dormitory. Nang makarating sila doon ay tahimik lamang silang dalawa.

Tumikhim si Law. "Go to sleep now, Stonelight. It had been a long day."

"O-Okay." Ani Sky. Akmang hahakbang na siya nang may mapansin siya. "Ahm... 'Yung... 'Yung kamay ko, Mr. President."

Hawak-hawak pa rin kasi ng binata ang isang kamay niya.

"Oh." Mabilis na binitawan ng binata ang kamay niya.

"U-Una na 'ko." Aniya na tinanguan ng binata. Humakbang siya at pinihit na ang hawakan ng pinto ng dormitoryo. Pumasok na siya sa loob at akmang isasara na ang pinto nang may bigla siyang maalala.

Sumilip siya sa labas at nakitang naglalakad na ang binata papunta sa sarili nitong dormitoryo. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito.

Agad naman niya itong nakuha. Nilingon siya nito. "Ahm..." Hindi niya alam kung bakit, pero para bang hindi niya kayang salubungin ang titig nito, kaya pinili niya na lamang yumuko. "Thank you for today, Lonan. I had so much fun."

"No, thank you." Napaangat ang tingin niya dito nang sabihin nito ang mga katagang iyon. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang binata na mayroong maliit na ngiti sa mga labi. Tulala at bahagyang awang ang mga labi sa gulat at pagkamangha na napatitig siya dito.

"Thank you for being my company today. I had fun, so much fun." Ani pa nito na naroroon pa rin sa mga labi ang ngiti. Siya ay hindi makatugon dito sapagkat ang kaniyang utak ay hindi na makapagpunsyon nang maayos. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya ngayon ang pambihirang ngiti ng isang Lonan Skullwalker.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng binata at napakunot-noo ito, napansin na siguro nito ang kaniyang pananahimik at ang kakaibang reaksyon niya dito. Nang mawala ang ngiti nito ay doon lamang siya tila nagising at nabalik sa kasalukuyan.

"Is something wrong?" Kunot-noong tanong nito.

"H-Ha?" Nasisiguro niyang nagmumukha na siyang ewan sa mga oras na iyon.

Nagkatitigan sila. Nawala na ang pagkakakunot-noo ng binata habang siya ay hindi na malaman ang magiging reaksyon, naging katawa-tawa tuloy ang kaniyang itsura.

Biglang napailing ang binata at maya-maya ay tinalikuran na siya nito, pero bago pa man ito humakbang pasulong ay mabilis na nilingon siya nito. "Good night, sleep tight, Stonelight."

Pagkatapos no'n ay tinalikuran na muli siya nito at tuloy-tuloy na ito naglakad patungo sa dormitoryo nito. Nakatingin lamang ang dalaga sa papalayong likod ng binata. Binuksan na nito ang pinto at pumasok na ito sa  sariling dormitoryo. Nang isara na nito ang pinto at tuluyan nang nawala sa paningin niya ay napakurap-kurap siya.

What just happened?

Did I just actually saw the rare smile of the Law Skullwalker?

Akademya de MajikaOnde histórias criam vida. Descubra agora