PROLOGUE

13K 413 26
                                    

Notes: I started writing this ABP story when I was 16 years old kaya may mae-encounter kang grammatical errors, typhogrophical errors and punctuation mark errors. Tumatanggap ako ng isang maayos na pagtatama mula sa 'yo, pero kung isa kang perfectionist? Manahimik ka. Happy reading!

**

"Lolo kailangan ko po ba talagang lumuwas upang mag-aral doon sa Maynila?" tanong ko kay Lolo Solemon.

"Para sa akin lang hija gawin mo ang gusto ko," sagot ni lolo kaya napabugtong hininga ako.

"Pero lolo ikaw na lang ang maiiwan na mag-isa dito," ani ko pa.

Wala kasi akong magulang na kinalakihan. Tanging si Lolo Solemon ko na lang ang nakasama ko hanggang sa umedad akong 18 years old. Hindi din itinago ni lolo na iniwan ako sa labas ng pintuan ng bahay nila. Pero kahit ganun ang nangyari hindi ako pinabayaan ni lolo. Bagkus kinupkop niya ako at tinuring na isa niyang apo.

"Wag mo akong intindihin, Vivienne. Sapagkat marami naman akong kasama rito sa ating probinsya."

Tama siya. Ultimo kapitbahay namin ay hindi kami tinuring na iba... tinuring nila kaming parang isang pamilya. Lahat kami na nandito sa lugar ng Sagada ay parang isang pamilya ang turingan.

"Lolo bukas na ang alis ko. Sigurado po ba kayo?" tanong ko habang nag-iimpake nang aking dadalhin.

Basket lang na lagayan ng damit ang dala ko at isang pitaka. Wala akong dalang maleta siguro naman ay maiintindihan iyon ng mga taga Maynila na isa akong probinsiyana?

"Sana pag-balik mo isa ka ng ganap na doctor. Pero hindi ata babagay sa ugali mo isa kang takaw gulo. Basagulerang babae."

"Lolo naman," nakangusong sabi ko.

Nambubugbog lang ako pero hindi ako basagulerang babae. Tinanong ako ni lolo kung saan ko iyon natutunan ang lumaban ng mano mano at sumisipa ng paikot. Dahil noong araw na iyon ay may pumasok na dalawang mag-nanakaw upang nakawin ang antique vase at antique mirror ni lolo.

"Tama naman ako 'di ba, apo?" natatawa niyang tanong.

Tumayo ako at nag-martsa papalapit sa kanya. Nang makalapit ako ay kumapit ako sa braso niya.

"Lolo mag-iingat ka rito, ah?" para akong naluluha dahil mag-isa na lang siya ang maiiwan dito.

"Mag-iingat ako kung mag-iingat ka rin doon sa Maynila. Huwag kang mambubugbog ng tao kapag walang dahilan. Maliwanag?" tanong pa niya.

"Opo," at niyakap ko siya ng mahigpit. "Lolo pag may tumarantado sayo dito tawagan mo ko ah? Reresbak ako agad."

Tumawa siya at kumawala sa pag-kakayakap. "Puro ka kalokohan."

Ngumuso ako. "Lolo hindi po ako nag-bibiro."

"O siya, siya. Matulog ka na dahil alas tres ng madaling araw ay kailangan mo ng mag-bihis at umalis," sabi pa ni lolo at hinalikan ang noo ko. "Matulog ka na apo."

"Sige po," pilit na ngiting sabi ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang mag-asikaso. Ngayong araw na ang alis ko patungo sa manila. At wala ako sinuman kilala doon. Hindi ko din alam ang pasikot sikot.

"Hija, nakaasikaso ka na?" rinig kong sabi ni lolo.

"Opo lolo maya maya lang po ay lalarga na ako," sabi ko pa.

Rinig ko ang pag-martsa niya papagawi sa akin kaya nilingon ko siya. Pero batid kong may hawak siya na hindi ko mawari. Pero napagtantuan ko na lang na isa iyong kwintas ng maiangat niya.

"Suotin mo ito hija. Para lagi mong maisip na lagi mo akong nasa tabi."

Napangiti ako at tumalikod para maisuot niya ang isang kwintas na may hugis puso. Hinawakan ko iyon at may nakaukit na pangalan ko.

"Vivienne Zin," mahinang bigkas ko sa pangalan ko.

Hindi ko alam na may ganito pa lang regalo si Lolo Solemon sa akin. Sa dumaan na taon na nandito ako ngayon lamang niya ako binigyan ng bagay na ganito kaganda.

"Mag-iingat ka," nakangiting sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Mag-iingat din po kayo."

"Sige na umalis ka na. Baka gabihin ka patungo sa Maynila," sabi pa niya.

Bumugtong hininga ako at kinuha ang mga gamit ko. Ngumiti muna ako sa kanya nang ilang beses bago ako nag-martsang lumabas ng bahay. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Dahil kailangan kong sanayin na ako lang mag-isa ang sa Maynila... kailangan sanayin ko ang sarili ko na wala si Lolo Solemon sa tabi ko.

Nakarating na ako sa bus station at hinihintay ang bus na kailangan bumiyahe sa Maynila. Sa pag-hihintay ko may bumunggo sa akin para mahulog ang mga dala kong gamit.

"Ano ba 'yan?!" singhal ko.

"I'm sorry, Miss," sabi niya at tinulungan akong mag-pulot ng gamit. "Nice panty."

Nagulat ako nang iangat niya ang panloob ko kaya agad ko iyon inagaw sa kanya.

"Antipatiko kang gago ka!" sigaw ko sa kanya at mabilis kong inilagay ang damit ko na wala sa ayos.

"Hahaha! Your panty is nice. Flower? Walang T-back?"

Punyemas kang lalake ka! Pag-tapos niyang sabihin iyon tumawa muna siya nang pahalakhak. Dumating na ang bus kaya agad akong nag-martsa papasok doon.

"Buwiset kang lalake ka! Isa kang sperm na baog," inis na anas ko.

Nag-hanap ako ng bakanteng upuan. Nang may nahanap akong dalawang bakante at isa doon ay katabi ng bintana. Dali dali akong nag-martsa pero iyon na naman ang may bumunggo sa akin! At hayop! Inunahan pa akong makaupo sa upuan na ang katabi ay bintana.

"Hoy!" ani ko sa lalake na bumunggo sa akin kanina. "Ako ang nauna d'yan."

Tumingin siya sa akin. "Sorry, Miss."

"Ako nga kasi sabi d'yan!" sigaw ko pa kaya nag-tingininan sa amin ang mga pasahero.

"Minimize your voice. Damn! You humiliated me."

"Talagang mapapahiya ka sa akin 'pag hindi ka umalis d'yan," at hinila ko pa ang kamay niya pero ngumisi lang siya.

"Just tell me if you want to touch me. Hindi iyong hinihila mo ako para lang mahawakan mo ako."

Ang lakas din nang tama netong gago na ito. Ang hangin. Duh! Hindi ko naman siya hinahawakan at nararamdaman ang balat niya dahil naka black jacket siya with sandong puti na open. Naka-open kasi ang jacket niya kaya kita ang sando niya na bumabakat ang abs.

"Now you looking at my body. Miss, stop that," natatawa niyang sabi.

"Sperm ka! Lumayas ka na lang diyan pwede?" sabi ko pa at muling hinila ang kamay niya.

Pero hindi ko inaasahan na baliktarin niya ang kamay niya para siya naman ang makahawak sa kamay ko at mabilis akong hinila kaya napasubsob ako sa katawan niya.

"Aw," sabi ko pa nang masubsob ako sa dibdib niya.

"Move your face in my chest Miss. Baka isipin ko na—aw!" sigaw niya nang kurutin ko siya sa tagiliran.

"Isa ka pa lang aso na baog? Natahol ka eh," sabi ko pa. "Umalis ka na kasi."

"Fine, fine. Damn! That's hurt," rinig kong bulong pa niya.

Nag-palit na kami ng pwesto. Sandali pa kaming nag-katinginan... mginisihan niya ako at ako naman ay inirapan siya.

"Probinsyanang brutal."

"Sperm na baog."

To be continued. . .

Ang Basagulerang ProbinsyanaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang