CHAPTER 18

5.2K 247 48
                                    

VIVIENNE'S POV

Pagtapos kong sabihin ang mga kataga na iyon ay iniwan ko na si Lyndel sa C.R. Late na ako masyado dahil sa walang kwentang drama niya. Hindi ko naman din masisisi si Esther at ang sarili ko dahil nasa iisang poder lang kami dalawa kaya lagi kaming magkasama.

"Vien."

May tumawag mula sa likod ko at paglingon ko ay si Esther ang namatahan ko.

"Esther," mahinang bigkas ko.

Batid ko sa mukha pa lang ay parang may inis na sa mukha niya, at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng kaba sa dibdib ko. Lumapit siya sa akin nang tuluyan hanggang sa mapatingala na ako.

"B-Bakit?" nauutal na tanong ko.

"Bakit sayo ko lang naramdaman ang sobrang sakit?"

Medyo naguluhan pa ako sa sinabi niya kaya kumunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Hindi ko malaman kung bakit parang ang lakas nang kutob ko na may narinig siya.

"Esther, hindi ko maintindihan ang punto mo," sagot ko.

"You're always hurting me."

Sa mata pa lang niya ay kita ko na ang lungkot at sakit. Bakit ganito? Nasaktan ko ba siya? Ayos lang naman kaming dalawa kanina lang bakit ganito siya ngayon sa harap ko?

"Wala akong matandaan—"

"I heard everything."

Pagpuputol niya na ikinagulat ko.

"Esther," mahinang bigkas ko.

"I don't like you but I feel something strange. Hindi kita gusto pero nasaktan ako sa binitawan mo na hindi mo ako gusto," sagot niya.

Narinig niya? Nakasarado naman ang pintuan.

"Ang tanga ko ba kasi nasasaktan ako sa mga sinabi mo?" tanong niya sa akin.

"Esther, hindi kita sinasaktan. S-Sinabi ko lang ang totoo na hindi talaga—"

"Cut it out. Masakit na nga ang narinig ko kanina ipaparinig mo na naman?"

Wala akong ideya kung bakit umaakto siya ng ganito sa harap ko. Wala akong ideya kung bakit. Siya na rin nagsabi na hindi niya ako gusto pero nasasaktan ko raw siya. Hindi ko alam kung bakit? May gusto kaya siya? Pero ang sabi niya ay wala raw siyang gusto.

"Dahil iyon ang totoo, Esther. Masaktan ka sa katotohanan na wala akong nararamdaman para sayo. Hindi ko na kasalanan kung nasaktan ka dahil sa binitawan kong salita sa taong gusto—"

"I don't like her anymore. Wag mo ipaggiitan sa akin na hanggang ngayon gusto ko pa rin siya dahil hindi na!" pasinghal niyang sabi.

"Ano bang punto mo?" Inis na tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito siya sa harap ko. Kung bakit umaakto siya na nasasaktan.

"Stop hurting me!"

"Hindi kita sinasaktan!" sigaw ko rin.

Pero hinila niya ang kamay ko at pinasok ako sa banyo ang kingina. Buti na lang walang tao sa loob. Sinarado niya iyon at humarap sa akin na salubong ang kilay. Bakit ba ang hilig nilang ipasok ang mga tao sa banyo?

"You always find ways to hurt me." Iling na sabi niya.

"Hindi kita sinasaktan emotionally, okay? Sinasaktan lang kita physically," sagot ko.

"It hurts, Vien. Bakit sa 'yo ko pa naramdaman ang masaktan ng sobra. Limang salita pero ang sakit! Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman dahil hindi naman dapat!

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now