CHAPTER 27

4.1K 180 11
                                    

VIVIENNE'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na umakto si Esther sa harap ko na parang hindi niya ako kilala. Tinotoo niya ang kanyang binitawan na salita sakin.

Leave and never come back. Kung magkita 'man tayo sa campus umakto tayo na parang hindi kilala ang isa't isa.

Parang ibinulong sa ulit sa akin ni Esther ang kataga na iyan. Si Nayih naman walang tigil sa kakasermon sa akin na wag ko na daw lalapitan si Esther.

Nandito ako ngayon sa comfort room nang swimming pool. May shower kasi dito at sa kabilang side naman nang limang pinto ay banyo at tapat lang ito nang shower.

"I really really hate him, baby! I really do! Fuck him! He doesn't care for you, Vien. You hear me? He doesn't C to the A to the R to the E!"

"Nayih, hayaan mo na. Hindi naman siya ang gumawa sa akin neto," sagot ko pa.

Kinatok niya ang pintuan ng shower na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Duh! He didn't even throw eggs at you, but I still can't get over my anger because he didn't help you!"

Napapikit ako sa lakas nang sigaw ni Nayih. Galit na galit talaga siya sa inakto ni Esther.

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko.

"Avoid him!" katok niya mula sa labas.

Bumugtong hininga ako. "Hindi ko naman siya nilalapitan."

"Babo sonyeo."

Napatigil ako sa pag kuskos nang katawan ko dahil sa narinig ko kay Nayih. Ganyan din ang tinatawag ni Esther sa akin sa tuwing may gagawin ako o may sasabihin na hindi pasok sa narinig o nakita niya. Hindi ko man lubusan maintindihan ang salitang narinig ko pero kay Esther ko unang narinig yan.

"Act in front of him as if you didn't know him too just like he did. Act like a strangers," dagdag ni Nayih.

"Sigurado ka?"

"Yes. You few steps away from him. But act like a strangers. It's so easy to act like a strangers, baby. Kung kaya ka niyang tiisin at umakto sa harap mo na parang hindi ka niya kilala dapat ganon ka rin. Pataasan ng pride. Ang pride parang elevator lang yan. Kailangan ipunta sa taas kung kinakailangan. Kung kailangan naman ibaba then push the down button. Pfft. But obey my command. Umakto ka sa harap niya na parang hindi rin siya kilala," mahinang katok ni Nayih.

Siguro nga iyon lang din ang gagawin ko. Tutal pinapakita at pinaparamdam niya na sa akin na parang hindi niya ako kilala.

"Sige gagawin ko," sagot ko sa sinabi ni Nayih.

"That's my baby."

Tinapos ko ang paglinis nang katawan ko. Buti na lang may dala akong faded pants jean at black T-shirt na may nakasulat sa harap na Love and Chaos.

Walang tigil sa kapapaalala ni Nayih sa gagawin ko. Kaya sumasagot lang ako ng oo at tumatango. Gagawin ko ang sinabi ni Nayih baka sakalin niya ako. Hindi naman tinanggap ni Esther ang pasensya ko kaya sige. Aakto rin ako na parang hindi rin siya kilala.

"My princess/Lil'sis/Vien/veng!" sabay tawag nang mga sperm na baog.

"B-Bakit?" tanong ko.

"We heard what happened. Are you okay?" tanong ni kuya.

"O-Oo, ayos na ako," bahagyang tango ko.

Napatingin ako sa rebulto na nasa likod ni Yuhence na naka-side view ang ulo.

"Veng, ayos ka na?" tanong din ni Kaizen at ngiti lang ang naisagot ko.

"Of course! She's okay. Kaya hindi na niya need ng tulong!" malakas na sabi ni Nayih.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now