CHAPTER 31

4.6K 175 18
                                    

VIVIENNE'S POV

Lunes na at masyadong toxic ang araw na ito. Hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil sa laman ng utak ko. Hindi mawala wala sa isip ko ang dalawang taong umamin sa akin ng nararamdaman nila.

Kinakausap ako ni Nayih pero tanging pag-tingin at pag-tango lang ang naisasagot ko. Wala ako sa sarili at hindi ko alam ang gagawin ko. Paanong nangyari na dalawang mag-kaibigan nagkagusto sa akin?

Masasaktan ang isa. Magiging masaya ang isa.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa naisip ko. Paano ko magagawang saktan ang damdamin ng isa kung wala naman itong ginagawa na ikakasakit ko.

"Baby, are you stupid? Why are you  sabunot your hair?" palo ni Nayih sa kamay ko.

Inayos ko ang sarili ko at muling umupo nang ayos.

"Wala," pagsagot ko.

Nandito kami ni Nayih sa park kung saan ay malapit sa amin ay fountain. Ang batong lamesa ay malapit sa malalagong puno para hindi mabiladan ng araw. Hindi naman masyadongg mainit kaya meron naman din estudyante na nakaupo sa damuhan.

Kaya kami narito ni Nayih ay para makalanghap ng sariwang hangin. At syempre para mag-aral sa darating na test.

It's okay if you don't like me. Mababago naman ang nararamdaman mo.

Parang binulong ulit sa akin ni Yuhence ang kataga na iyan. Ayokong may masaktan ng dahil sa akin. Baka ng dahil sa akin magkasiraan ang dalawa.

Natapos ang ball party noong araw ng sabado. Hinatid ako ni Kuya Vanz sa condo. Hindi ko naman din nakausap si Esther dahil maaga siyang umuwi para makadalo sa dinner dahil umuwi raw ang kanyang mommy.

Si Yuhence naman masyado nang malaki ang kanyang pagngiti. Siguro masaya siya dahil naamin niya na ang kanyang nararamdaman para sa akin.

Pero tama ba na saktan ko siya kung wala naman siyang ginagawa para saktan ako? Masyadong mahirap ang sitwasyon na ito. Dalawang lalake na may gusto sa akin at mag-kaibigan pa.

Kaya paano ko masasabi na hindi ko maaaring saktan ang isa kung sa sitwasyon palang na maiisip ko ay parang masasaktan ko na ang isa.

"Kung wala na lang kaya ako piliin para fair?" rinig kong sabi ni Nayih para mapatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kanyang cellphone.

Kahit hindi para sa akin ang salita na iyon pero parang may punto. Kung wala kaya akong piliin sa kanilang dalawa?

"Pero sadyang lamang ang pagkagusto ko sa isa kaya siya na lang ang pipiliin ko," nakanguso niyang sabi.

Shit! Iyon din ang nararamdaman ko pero sadyang hindi pa malala. Kung ano ang nararamdaman ni Esther na sinabi niyang hindi pa siya sigurado kung gusto niya ba ako ganun din ako.

"Pero ayoko naman saktan ang isa huhuhu!"

K-Kingina!

Naibagsak ko ang palad ko sa libro para magulat si Nayih.

"Gosh, baby! You suprise me!" hawak ni Nayih sa kanyang dibdib.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now