CHAPTER 08

5.4K 242 18
                                    

VIVIENNE'S POV

Kinabukasan nagising ako sa malakas na katok na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Medyo parang zombie pa akong mag-lakad at kinukusot ang mata.

"Bakit ba? Ang aga-aga eh." sabi ko kay Esther ng pag-buksan ko siya ng pinto.

"Dress up."

Nanlaki ang mata ko, "Ayokong sumama sa campus mo."

Nakasuot kasi siya ng black faded pants, with black olo na nakatupi ang mangas hanggang siko. May diamond earing din siyang suot at magulo ang buhok. Bumagay sa kanya lalo. Ang kinis ng mukha at mapupula din ang labi. 

"Why are you looking at me from head to toe?" tanong niya sa akin at hinipo ang noo ko. "Wala ka ng sakit." 

"Ah. Oo," napahawak din ako sa noo ko. "Papasok ka ba?"

"No. Anong gagawin ko roon? Tumanganga at tumitig sa white board? Tss. Aalis tayo sasamahan mo ako." 

"Tapos—"

"I won't leave you," pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Tss. Hindi raw," bulong ko.

Hindi raw tapos ano? Pag na-hypnotized ulit siya ni Lyndel para na naman akong ibang tao sa paningin niya? Kakalimutan na naman niya ako? Syempre malamang ano ba ko? Bagtit ka Vien.

"Dress up. May pupuntahan tayo."

"Ayokong sumama," nang isasarado ko na ang pinto padarag niya iyong tinulak.

Mabilis din niyang hinawakan ang kamay ko at binuhat na parang sako! 

"W-Woi! Esther ibaba mo ako!" pagpapalo ko sa likod niya. 

Binaba niya ako sa bath tub medyo yung posisyon ko noon nakapatong ang dalawang binti at nakabukaka! Kaya mabilis kong tiniklop iyon.

"Maligo ka na."

"Ayaw—waaaaah! Ang lamig!" sigaw ko ng buksan niya ang shower. "Sperm kang baog ka! Bakit hindi mo nilagay sa maligamgam ang buton!" 

"Tss. You're so maingay," ngisi niyang sabi. 

Anong you're so maingay?! Sperm ka!

At muli akong binuhusan ng tubig! "SPERM NA BAOG KA!!!"

Pero pinagtawanan lang niya ako at ako naman sinisipa siya ng hindi ko naaabot. Nang makatayo ako mabilis siyang kumaripas ng takbo papalabas sa banyo.

"Sperm ka! Makakaganti rin ako sayong baog ka!" sigaw ko.

"I'll wait for you vengeance!" sigaw niya at muling humalakhak. 

"Sperm ka!" 

Buwiset ka! Sperm ka! Ang hilig mo talagang sirain ang araw ko! Juicemother you!

"Aano ba kasi tayo?" tanong ko ng binabaybay namin ni Esther ang daan.

"Shut up," simple niyang sagot. 

Nag-kibit balikat lang ako at tumitig sa labas ng bintana. Saan kaya kami pupunta at kailangan pa talaga akong kasama? Tss. Daming alam.

"We're here," tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang mall. Dumeretso muna kami sa parking lot.

"Aano tayo dito Esther?" tanong ko.

"Bibili ng damit," sabi pa niya at hinila ang kamay ko. 

Pumasok kami sa isang boutique na puro magagandang damit at sandals.

"Good morning Mr. Vargaz is nice to see you again. You came back," bati ng sales lady. Oh mali. Manager kasi nakita kong nakakabit sa uniform niya. Maganda ang pagkakangiti niya pero inirapan ako! Pasapak nga!

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now