CHAPTER 28

4.3K 172 9
                                    

VIVIENNE'S POV

Dumating ang sumuod na sabado ay ball party na namin. Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Esther. Sa tuwing lilingunin niya ako pag katabi ko siya sa cafeteria ay umaakto ako na parang busy sa pagkain.

Sa tuwing makakasalubong ko siya ay deretso lang ang tingin ko. Minsan noong araw na makasalubong ko siya malalagpasan ko na sana si Esther pero hinawakan niya ang braso ko.

Tinignan ko lang ang kamay niyang nasa braso ko kaya tinanggal niya iyon. Nang maialis niya ang kamay niya ay umalis na ako agad. Si Sperm Na Baog din ay magd-dalawang linggo ko nang nakaka-text.

Sa tuwing tatawag siya ay nagk-kwento lang ako ng iba pag wala akong problema. Pero ngayon hindi siya 'man lang nag text. Pero ayos lang kasi busy ako ngayon sa ball party.

"Baby! Mag-asikaso ka na," sabi ni Nayih.

Pumunta kasi siya sa condo ni Kuya Vanz para raw maayusan ako. Si Kuya Vanz naman ay hinihintay ang gown na ipinagawa niya sa akin.

Hindi raw mahal ang presyo pero nang maitanong ko anas niya ay nasa hundred thousand daw. Jusmiyong kataas-taasang langit.

"Ang aga pa naman, Nayih," sabi ko.

"Duh! It's almost 1 pm in the afternoon! Matatagalan kitang aayusan," sabi ni Nayih habang kinukulot ang kanyang buhok.

"Kaya mong itali ang buhok mo?" tanong ko.

Tinignan ko ang pagkulot ni Nayih sa kanyang buhok. At sa sunod na nangyari kumuha siya nang makapal na hibla sa pahabang gilid nang buhok at inipitan nang clip na pearl ang design.

"I don't want anyone to touch my hair," maarte niyang sagot habang inaayos ang buhok. "Done. Hindi ko na kailangan pagandahin nang maayos ang buhok ko."

Sabi ni Nayin at nag-spray sa buhok.

"Come here na. Nakaligo ka naman na e'," sabi ni Nayih para umupo na ako sa harap nang salamin.

Inuna niyang galawin ang buhok ko bago ang mukha ko. Kinulot niya ang buhok ko mula sa baba at nilagyan niya nang spray hair ang buhok ko.

"Hindi bagay sa magiging gown mo ang nakatali," sabi ni Nayih.

"Nakita mo na?"

"Yes. Pinakita ni Vanz ang picture. Maya-maya siguro narito na siya," anas ni Nayih.

Nang matapos siya sa buhok ko ay nilagyan niya ito nang mahabang clip na kulay white at ang design ay white na rose na may pearl. Nagtanong pa ako kung bakit ganon ang kulay pero sagot niya binabagay lang daw niya sa gown ko.

"Next stuff. Your goddess face," kinikilig na sabi ni Nayih.

"W-Wag mong kakapalan," nauutal na sabi ko.

"Sure, baby," anas ni Nayih.

Sinimula na niyang lagyan nang foundation ang mukha ko. Inunan niya ang mata ko na masyadong light lang ang nilagay niya. Nang matapos ay naglagay siya nang highlight sa pisngi at ilong ko.

"Perfect 'yong blush on mo. Parang hindi blush on, parang namumula ka talaga hahaha!" natatawang anas ni Nayih. "Yong lips mo natural na red. May nakahalik na ba riyan?"

Nagulat ako sa deretsong tanong ni Nayih sa akin. At biglang pumasok sa isip ko si Esther. Dahil siya ang first kiss ko. Tss. Bakit ko ba siya iniisip?

"Ay! Oo nga pala! Si Esther ang nakahalik sa 'yo! Kyaaah! Ay? Eww. Bakit ako kinikilig sa King of Heartless na 'yon? Tss," inis na ani ni Nayih. "Lip gloss na lang ang ilalagay ko para mag glow ang red. Tapos dito mo ilalagay ang foundation, blush on mo and lip gloss."

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now