CHAPTER 64: The End Part 2

2.7K 107 9
                                    

VANZ'S POV

Matamlay akong lumabas ng kwarto ni Vien dahil sa napag-usapan namin dalawa ng kapatid ko. Hindi ko din matanggap ang narinig ko sa mula sa kanya at sa mga nalaman ko. Buong akala ko ay kinidnap ngunit hindi, palabas lang pala ang lahat!

Nasabi ko din sa kanya na wala na si Lolo Solemon kaya napakuyom ng kamao si Vien at napapikit pero may luhang tumulo sa gilid ng mga mata niya. Naalala ko ang mukha ng kapatid ko na nagmamakaawa na gustong mapuntahan si Lolo Solemon. Kahit may nararamdaman siyang sakit at galit alam kong nasasaktan din siya dahil patay na ang lolo namin.

"Ano ba ang kailangan mong sabihin sa akin kuya? At tsaka asan ba si Lolo Solemon? May kailangan lang ako malaman sa kanya," ani ng kapatid ko.

Tinitigan ko siya pero pinagkunutan niya lang ako ng noo. Bumuga ako ng hangin bago nagsalita. "P-Patay na si Lolo Solemon."

"Ano?"

"Patay na si Lolo Solemon."

"Eh?"

"Patay na si Lolo Solemon!" malakas pa na sabi ko.

"Awts gege," sagot niya sabay pikit.

What the hell? What is awts gege? Bakit ganon ang sagot niya?! Pero hindi ko na magawang tanungin ang kapatid ko dahil tinitigan ko ang mukha niyang may tumulo na luha sa kanyang gilid ng kanyang mata.

"Vien?" tawag ko at tumingin siya sa akin nang deretso.

"H-Hindi na ako magagalit sa kanya Kuya Vanz basta ibalik mo lang sa akin si Lolo Solemon," sagot ng kapatid ko na tuloy-tuloy ang agos ang luha sa mga mata niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa luhaang mata ni Vien. Hindi ko talaga siya kayang nakikitang umiyak nang ganito. Hindi ko kayang makita ang kapatid ko na nasasaktan dahil sa wala na si Lolo Solemon.

"I-Ibalik n'yo lang sa akin. M-Mangangako ako na h-hindi m-magagalit sa kanya basta ibalik n'yo lang siya," garalgal na sabi ng kapatid ko.

Tumayo ako at yumuko sa kapatid ko at niyakap siya kahit nakahiga siya. Doon na din siya napahugulhol ng iyak dahil sa pagkakayakap ko sa kanya. May tumulo din na luha sa mga mata ko.

"Shhh. Tanggapin na lang natin ito Vien. I know it hurts. Pero—"

"Hindi makatarungan ang pagkamatay ng lolo ko Kuya Vanz!"

"Yeah... i know," ani ko at umupo ulit pero inusog ko ang upuan para mahawakan ko ang kamay ni Vien.

"Pinatay nila ang lolo ko! Pinatay nila ang lolo natin. H-Hindi ko matanggap," iling na sabi niya.

Hindi ko alam kung paano ko patatahanin ang kapatid ko sa kakaiyak dahil baka makasama sa kanya. Mas lubos talaga siyang nasasaktan dahil kay lolo. Masakit din naman talaga at alam kong hindi makatarungan ang pagkamatay niya.

"G-Gusto kong malaman ang totoong nangyari noong panahon na dinukot ako. G-Gusto ko siya ang magsasabi sa akin ng totoo, pero hindi na mangyayari. Hindi ko na maririnig ang paliwanag ni Lolo Solemon."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Vien. "W-What do you mean?"

"Sabi sa akin ng daddy ni Leander na hindi talaga ako dinukot. Dahil si Lolo Solemon daw ang tumangay sa akin upang dalhin sa Sagada. A-At sila ang sinisisi ni Lolo Solemon at pinalabas na sila ang nandukot pero hindi. Alam daw iyon ng magulang natin na hindi talaga ako dinukot."

Ang Basagulerang ProbinsyanaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora