CHAPTER 02

7K 279 37
                                    

VIVIENNE'S POV

Grabe ang laki ng mansion niya? Sa kanya ito? Seryoso? Sana all. Parang palasyo amp.

"Close your mouth baka pasukan ng langaw," suway ni baog sa akin.

Tss. Baka pasukan ng langaw? Pasukan kita ng suntok sa panga. Baog ito.

"Good afternoon, Young Master," sabay-sabay nilang bati.

Ang mga maid kasi ay nakahilera sa gilid ng pinto at sabay-sabay bumati kay Young Ma-sperm. Ang yaman talaga. Kaso nga lang basagulero. Wow? Coming from me. Hindi ako basagulera, slight lang.

"Young Master, nandito po si Sir Kaizen at Apollo."

Sino yon? 

"What are they doing here?" seryosong tanong ni baog.

Alam ninyo kung bakit baog? Hindi ko alam ang pangalan niya. Pfft.

"May kailangan daw po silang sabihin sa inyo," sabi pa ng matandang babae.

Sinenyasan niya ako na sumunod kaya nag-martsa rin ako para sundan siya. Hindi pa kami nakakapasok sa sala rinig na namin ang ingay ng dalawang tao.

"Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ni baog.

"Esther," nakangiting sabi ng lalaking nakaitim na polo.

Esther? Esther ang name niya? Ang pangit ng pangalan parang tae.

"Oh. You have a girl with you?" turo sa akin ng isa pang lalakeng naka white polo.

Napayuko ako. Nakakahiya hanggang ngayon kasi suot ko pa rin ang jacket ni Esther baog raw. Baka isipin nila na—hehehe alam n'yo na iyon.

"Girl? Basagulera? Matatawag mo pa ba siyang babae? Tss."

Anak ng?! Parang ikaw hindi, ah?! Gago 'to.

"Hahahahahahaha! Hi Ms. Chaos. What's your name?" tanong ng lalaking nakaitim na polo na lumapit sa akin.

"V-Vivienne," utal na sabi ko at nagulat siya pero agad rin ngumiti.

"My name is Kaizen," abot niya sa kamay niya at inabot ko din iyon, "And his name is Apollo." Turo niya sa lalaking kasama niya. 

Lumapit siya sa akin at nakipagkamay, "Nice meeting you, Vivienne." 

"V-Vien na lang," nauutal na sabi ko.

"Okay. V-Vien." Panggagaya naman ni Kaizen na ikinatigil ko na tinawanan rin ni Apollo, "Kidding. Okay... Vien? Vien."

Ngumiti lang ako sa kanila pero agad rin akong nagitla nang mag-salita si Apollo ng ibang lenggwahe. Hindi ko gets.

"Son nom est familier."

Ano daw?!

"Vraiment? Je ne sais pas," seryosong sabi ni Esther. 

"Je parlerai à Vanz," dagdag pa ni Apollo.

Ano bang pinaguusapan nila?!

"Ang unfair, 'no? Hindi natin alam ang lenggwahe na sinasabi nila," parinig ni Kaizen sa dalawa.

"A-Ah hahahah," tawa lang ang naisagot ko.

"Ano bang ginagawa ninyo dito?" tanong ulit ni Esther.

"Well, 'yong bracelet? Hinahanap na ni Vanz nasaan na raw?"

Sino si Vanz? Sa kanya 'yong bracelet?! Hala! Baka pagbayarin niya ako wala pa akong pera!

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now