CHAPTER 59

2.4K 96 3
                                    

VIVIENNE'S POV


"T-Thank you Yuhence sa paghatid," pagpapasalamat ko at ngumiti lang siya.

Malalim na ang gabi at ngayon ko lang napagpasyahan na magpahatid kay Yuhence. Gumaan din ang loob ko dahil nanatili siya sa tabi ko. Thank you, Yuhence.

"They're here," sagot niya.

"Ha? Si—" naputol ang sasabihin ko na makita ko si Esther at ang iba. "E-Esther."

Parang nanumbalik ang galit at sakit ko dahil nakikita ko na naman sa paningin ko ang kababuyan na ginawa nila. Lumapit lahat sila pagawi sa amin.

"A-Anong ginagawa ninyo dito?" walang emosyon na tanong ko.

"We need to talk, Vien," si Esther ang sumagot.

"Mag-uusap na nga lang kailangan mo pa talaga nang tagasuporta?" sarkastikong tugon ko.

"Lil'sis this is a very, very, important," sagot naman ni Apollo.

Tinignan ko lang sila pero agad akong napaatras nang akma akong hahawakan ni Esther. Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa tingin sa kanya.

"Ayokong makipag-usap," inis na sagot ko.

"Pero veng importante ang pag-uusapan natin," sagot ni Kaizen at kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata.

"Kung gusto ninyo akong makausap pwede bang wag mo na siyang isama," patukoy ko kay Esther.

"But why, Queen?" naguguluhan na tanong ni Maxwell.

"Kailangan kasama siya," si Ivan.

"Kung ganon ayokong makipag—" pinutol ni Esther ang sasabihin ko.

"F-Fine, fine. If you don't want me to stay here I-ll leave," sagot niya pero tinignan ko si Yuhence.

"Sumama ka sa loob," sabi ko.

"Okay if that's what you want."

"Lil'sis pwede bang wag mo na natin isali sa sitwasyon ang kung ano man meron sa inyo ni Esther?" tanong sa akin ni Apollo.

Sadyang ayoko lang siyang makasama dahil sa panggagago na ginaws niya sa akin. Hindi ko siya kailangan ngayon at ayoko pa siyang makausap at makita. Hindi pa matanggap ng isip ko at ginawa niyang panloloko sa akin.

"He's right Vien," sang-ayon ni Calix na sinundan ni Lucifer.

"Hindi naman ito tungkol sa inyong dalawa ni Esther, ibang bagay ang pag-uusapan natin."

Tinignan ko sila na walang emosyon na makikita sa aking mga mata. "Ayoko siyang makasama."

"Vien," pagtawag sa akin ni Esther pero hindi ko siya tinignan. "Wag muna natin isipin ang kung ano man ang nangyari sa akin."

Natawa ako. "Wag munang isipin? Sinong tanga ang hindi muna pwedeng isipin ang ginawa mong panloloko? Kahit saan anggulo ako tumingin eksena nang panloloko mo sa akin ang nakikita ko. Hindi ko iniisip, dahil hanggang ngayon sariwa pa sa paningin ko."

Sino niloko niya?! Sinong tao ang gagawa na hindi isipin ang nararamdaman nito? Sperm na isip. Marupok lang siguro ang gagawa non.

"Vien please?"

"Hindi ka ba makaintindi?!"

"Una muna tayo sa loob," rinig kong sabi ni Maxwell. "They need privacy."

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now