CHAPTER 09

5.3K 236 30
                                    

VIVIENNE'S POV

"V-Vien," bigkas ni Esther pero di ko siya tinugon.

Hinawakan ni Yuhence ang kamay ko, "Are you okay?"

"Ayos lang ako," sabi ko pa nang tignan ko si Yuhence.

"You're bleeding, Vien. Dadalhin kita sa hospital." 

"Ayos lang ako," sagot ko pa at kinuha ang mga pinamili namin na nabitawan ko.

"V-Vien," ramdam ko na lang na hinawakan ni Esther ang kamay ko pero binawi ko yon.

"Tara na." 

"Sa akin siya sasama," pag presinta ni Yuhence.

"Ako ang kasa—" pinutol ni Yuhence ang isasagot ni Esther.

"Check your girl, Esther. Nasaktan ba siya?" parang hindi patanong ang binigkas ni Yuhence. "Don't worry gagamutin ko lang siya at ihahatid ko na sa inyo. Let's go." 

Kinuha ni Yuhence ang mga dala kong carton bag at plastic. Napansin kong kumuyom ang kamay ni Esther pero ako sinimulan ko nang mag martsa para sundan si Yuhence.

"You know her?" rinig ko pang tanong ni Lyndel.

"Yeah." 

Hindi ko na narinig ang iba nilang pinagusapan dahil pinasakay na ako ni Yuhence. Pero hindi pa niya pinaandar ang kanyang sasakyan bagkus kumuha siya ng tissue mula sa likod at pinunasan ang dugo.

"Nakita mo ba ang gumawa sayo neto?" 

"H-Hindi, masyadong mabilis ang pangyayari," sabi ko at tinignan ang ginagawa niya.

"Dadalhin kita sa hospital. It's deep and bleeding," sagot niya at tumango ako.

Tumingin pa ako kay Esther na kasalukuyan na nakatingin sa gawi namin. Nakakuyom din ang kamay niya pero si Lyndel nagsasalita at hindi niya pinapansin.

"Nurse, pakigamot siya," utos ni Yuhence ng makarating kami sa hospital.

Dali dali akong inasikaso ng nurse at dinala sa emergency room. Tinurukan muna niya ako ng anesthesia bago tahiin ang sugat ko. Masyado ngang malalim.

"Ekis?" bigkas ng nurse. "Halatang sinadya ang pagkakahiwa." 

Iyon nga rin ang iniisip ko. Sinadya ng pagkakahiwa sa akin. Buwiset! Ano na lang ang sasabihin ko kay Lolo Solemon kung sakaling maging peklat yan?

"Ah nurse may pangpatanggal ba kayo ng peklat?" 

"Yes, meron. Ililitas ko na lang sa reseta," nakangiti niyang tugon.

Natapos na ang pagtatahi sa akin at nilagyan na ng gasa. Inabot din ng nurse kay Yuhence ang kailangan kong gamot. Nang matapos kami sa hospital ay binaybay na namin ang daan pauwi.

"Does it hurt?" tanong ni Yuhence.

Nakatingin lang ako sa kalsada pero sinagot ko pa rin siya. "Hindi na masyado." 

"Be careful next time, okay?" 

"T-Thank you, Yuhence," sabi ko at rinig ko ang pag tawa niya nang mahina.

"Welcome. Just call me if you need me," tumango ako at ngumiti.

Nakarating na kami sa mansion ni Esther. Tinulungan din ako ni Yuhence na ipasok sa loob ang mga pinamili namin ni Esther. Pero agad din siyang umalis at pinaalalahan ako. Ako naman? Nakatayo pa rin sa harap ng pintuan pero nasa loob na ako.

"Oh hija? Anong ginagawa mo riyan at nakatayo ka lang?" sabi ni Manang Cecil at lumapit sa akin. "Bakit may gasa ang braso mo? Napano ka?"

"Nandyan na po ba si Esther?" hindi ko sinagot ang tanong ni Manang Cecil.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now