CHAPTER 38

3.4K 138 19
                                    

VIVIENNE'S POV

"Hmm, may rason pa ba para ipaglaban ko siya habang ipinaglalaban niya ang taong mahal niya?"

Para akong nabingi sa tanong ni Yuhence kay kuya Vanz. Lubos ko siguro siyang nasaktan kaya ganon na lang siya kung makasagot. Hindi ko ito kakayanin. Sana hindi magbago ang pagkakakilala namin sa isa't-isa.

"Parang ML lang yan. Isa kang tank habang pinoprotektahan mo ang marksman mo habang siya naman pinoprotektahan ang kanyang assasin. Hahaha," natatawang sabi ni Maxwell.

"Manahimik ka nga, Maxwell," suway ni Nayih.

Napababa ako ng tingin pero agad din nag-angat at nahagip ko si Esther na deretsong nakatingin sa akin. Seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.

"Ang lalim naman nang hugot mo," sabi ni Apollo.

"Just kidding," nakangising sagot ni Yuhence na ikinabigla ko. "Ask me truth or dare first before i answer your question or I will do your dare."

Napakurap ako nang ilang beses dahil sa sinabi ni Yuhence. Binalikan ko ang tanong ni kuya Vanz at wala pa nga siyang tinatanong na truth or dare.

"Hahahahaha!" malakas na tawa nang lahat.

"Medyo bobo ka sa part na atat kang malaman ang gagawin ni Yuhence," Clive.

"Kailan ka pa naging chismoso, Vanz?" Calix.

"Ngayon lang," si Hanz ang sumagot.

Umiling si kuya Vanz bago uminom ng alak sabay tingin kay Yuhence. "Truth or dare?"

Tinignan ko si Yuhence.

"Dare," walang emosyon na sagot ni Yuhence.

"Halikan mo sa pisngi yung babaeng gusto mo."

"K-Kuya Vanz," nauutal na tawag ko.

"Dare lang yan, my princess."

Pero hindi pa din maganda na hahalikan ni Yuhence ang babaeng gusto niya kung alam nilang ako iyon. Baka magalit si Esther o kaya magselos.

Tinignan ko si Esther at nasa akin ang kanyang paningin. Wala din iyong emosyon.

"Final dare?" tanong pa ni Yuhence.

"Final!" sigaw nang iba.

Mas lalo akong kinabahan na magkaroon ng reaksyon ang kanyang mukha sa isang ngisi lang. Parang desidido siya na halikan niya ako. Nag-angat ako ng tingin nung tumayo na si Yuhence at naglakad papagawi sa akin.

"Hahalikan ka niya, baby," bulong ni Nayih.

Sperm! Yuhence, wag. Wag mong gagawin.

Nasa akin ang mata ni Yuhence at bahagya na siyang lumuhod sa harap ko na ikinakaba ko. Nagkatitigan kami para maghiyawan ang iba.

"Kiss in the bed, kiss in the bed, kiss in the bed!" pagkanta ni Maxwell.

Pakshet. Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang pagkakatigan namin sa isa't-isa.

"Move," bigkas niya.

"H-Ha?" hindi ko alam ang punto niya.

Tumingin muna siya sa akin sandali bago tignan si Nayih. "Can i kiss you on your cheek?"

"O to the M to the G? So shock. W-Wait, I'm not the girl you like," hindi makapaniwalang tugon ni Nayih.

Hindi ko malaman ang sasabihin ko. Si Nayih ang gusto niya?

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now