CHAPTER 35

3.3K 152 9
                                    

VIVIENNE'S POV

"Ang tagal!" sabi ko kay Esther.

Nandito na kami sa dating bahay namin nila Lolo Solemon. Babalik na lang kami mga hapon doon sa plantation dala na ang mga gamit namin.

"Maghintay ka nga, promdi girl of chaos," anas niya habang hinihiwa ang avocado.

"Takam na takam na ako ang king ina," inis na sagot ko.

"Tiisin mo. Baka ako ang kainin mo."

"Asa."

Kainin? Hindi naman ako zombie para kainin ang puso't kalamnan niya. Pfft.

"Ano ba kailangan diyan sa avocado?"

"Malabnaw na gatas," sabi pa niya.

"Tapos?"

"If you want ice cream, let's make avocado ice cream."

Ngumiti ako habang tinitignan siya maghiwa. "Pareho na lang natin gawin."

"Sige."

Tinignan ko  si Esther na durugin nang bahagya ang avocado. Tumunog ang kanyang cellphone kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa. Bahagyang kumunot ang noo niya pero agad rin ngumiti.

Sino naman ang nag-text sa kanya? Si Lyndel?

Para akong nawala sa mood dahil sa ganda nang kanyang pagkakangiti.

"Sa sala lang ako," kunwaring pamamaalam ko.

"Yeah. Sure," hindi pa rin maalis ang kanyang mata sa cellphone at wala rin tigil ang kanyang kamay sa kakadutdot. Pati na rin ang ngiti sa kanyang labi ay hindi na rin maalis.

Tumungo na ako sa sala at pabagsak na umupo sa sofa.

"Tss. Bakit ako nauurat?" inis na bulong ko. "Kung si Lyndel ang ka-text niya... e-edi sige. Mag-text sila."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nilalaro ko lang ang daliri ko habang nakatingin sa kisame. Nakatulala lang ako habang hinihintay si Esther na baog na matapos sa kanyang ginagawa.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyon sinagot na hindi man lang nagawang tignan kung sino ang caller.

"Hello?"

[Gotcha, bitch!]

Tinignan ko ang screen ng cellphone ko at unknown number ang nakalagay. Pero batid ko sa kanyang boses ay si linta ang tumawag sa akin. Kaya agad kong binalik sa tenga ko ang cellphone ko.

"Oh?"

[I'm warning you!]

Nailayo ko ang cellphone ko dahil sa malakas niyang pagkakasigaw. "Ano na naman iyon?"

[Kahit ikaw na ang gusto ni Esther... kayang-kaya ko siyang bawiin sa'yo! Mang-aagaw ka.]

"Tapos?"

[At hindi pa ako tapos! Kung iniisip mo na hahayaan ko lang si Esther na mapunta sa'yo nagkakamali ka! Dahil hinding-hindi ako papayag na ikaw na ang mahal niya! Dahil babawiin ko siya!]

Napangisi ako. "Kay Esther mo sabihin 'yan huwag sa akin. Kung gusto mo siyang bawiin, simulan mo na."

[Talagang sisimulan ko na! Malandi kang haliparot kang ilusyunada ka!]

"Hmm, ayan na ba lahat ng pag-uugaling meron ka? Describe mo pa sarili mo baka may kulang pa."

[How dare you?!]

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon