CHAPTER 14

5.2K 224 17
                                    

VIVIENNE'S POV

"Vien," tawag ni Kuya Vanz.

Pinahid ko muna ang luha ko bago ako tumingin sa kanya at ngumiti. Gusto kong maipakita sa kanya na ayos lang ako ngunit bigo ako dahil sa pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Mauuna na kami kuya," pilit na ngiting sabi ko.

"Why so fast? B-But I want you to stay."

Gusto ko naman din manatili ng matagal sa tabi mo Kuya Vanz kaso hindi pwede. Hindi ko kayang tiisin at marinig ang binibitawan na salita ng aking ina. Pero naiintindihan ko siya pero sadyang masakit pa din para sa akin ang mga salita niya.

"K-Kailangan ko din kasing pumasok sa trabaho ko Kuya Vanz. Dinaanan lang talaga kita dito para kamustahin ka," pagsisinungaling ko.

Sumama ang tingin ni Kuya Vanz sa mommy niya. "Keep my words in your mind, mom."

Itutuloy niya pa rin yung binitawan niya?

"Una na kami Kuya Vanz. Pagaling ka ah?"

"I will. Esther, take care of her. Arraso?" pagpapaalala pa ni kuya Vanz.

"Yeah I will," Esther.

"More careful, my princess," nakangiting sabi ni Kuya Vanz at pinisil ang pisngi ko.

"Sige kuya," tumayo ako hinarap ko si Mrs. Viena na bahagyang kumunot ang noo at binaling ang mata sa kwintas ko. "Una na po kami."

Bahagya siyang nagulat pero agad din nag-iwas ng tingin. Tumingin ako kay Esther at hinihintay akong lumapit.

"We gotta go na din, Tita Viena," sabi ni Apollo.

"T-Take care," sagot niya.

Hinawakan na ni Esther ang bewang ko ng makalapit ako sa kanya. Tinanguan muna niya si Kuya Vanz bago kami tuluyan lumabas ng kwarto.

"Lil'sis, are you okay?"

"Oo nga Veng ayos ka lang?" tanong nila Kaizen at Apollo.

"O-Oo naman," pilit na ngiting sabi ko.

"You sure?" tanong din ni Esther pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Chill tayo," sabi ni Apollo.

Medyo gusto ko din mag-inom pero hindi ata ako sanay sa mga alak dito sa manila, pero nag-iinom naman ako kasama si Sean. Hindi niya ako natalo sa inuman dahil siya ang unang nalasing at natulog maliban sa akin na ako pa ang nag-hatid sa bahay nila.

Kung hindi ninyo tatanungin tinuruan ako ni Sean kung paano mag-paandar ng sasakyan. Dahil ako minsan ang naghahatid ng mga pinapadalang bulaklak sa flower shop.

Pareho kami nagtatrabaho doon ni Lolo Solemon pero sabi ni Sean na kung gusto lang daw namin mag-trabaho ay pumunta lang daw kami. Masyadong mabait si Sean kahit isa syang anak mayaman hindi niya kami tinuring na iba.

"At this morning. Are you crazy?" tanong ni Esther.

"What? Dude, walang batas na sa gabi lang ang pwedeng mag-chill. Bagkus anytime pwede kang mag-inom," nakangising sabi ni Apollo.

"Oo nga Esther," pagpresinta ko din.

"Do you want to drink?" tanong niya at tumango ako.

"Nice one!" anas ni Kaizen.

"Okay, where?"

"Kita tayo sa Club District," sabi ni Apollo at sumakay na sa kotse. At ganun din si Kaizen na kumaway muna bago din sumakay ng kotse.

"Tss. Don't drink too much," anas ni Esther habang tinatahak ang daan sa sinasabing bar. "Oh yeah I forgot. Let's eat first."

Tinawagan muna ni Esther si Apollo na kakain muna daw kami bago uminom. Kumain lang kami sa fast food chain.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now