CHAPTER 47

2.7K 113 23
                                    

VIVIENNE'S POV

Napagpasyahan ko na bumalik na kami ni Apollo sa aming room. Pero hindi namin inaasahan na nagtutumpukan ang lahat nang mga classmate namin.

"Veng," nakangiting tawag sa akin ni Kaizen.

Humiwalay sa akin si Apollo at kinausap niya si Calix at Arron. Sunod na pumasok si Yuhence na may dalang papel. Wala na iba na treatment niya sa akin. Sperm na treatment.

"Anong meron?" tanong ko nang makatabi ako kay Kaizen.

"Monthly reporting."

Ano daw? May ganon pala dito sa school namin.

"Pero kakaumpisa pa lang ng klase natin," naguguluhang anas ko.

"Yeah. I know. Ang monthly reporting ay yong magr-report ang president if kumpleto ba tayong lahat. Bale lahat tayo ay magkakasama sa subject, maliban lang sa course natin dahil magkakahiwalay tayong lahat pag oras na sa course natin," sagot ni Kaizen. "Kailangan din natin bumaba sa quadrangle para sa announcement ni dean."

Pero nung nakaraang taong wala namang ganitong nangyari. Malamang, late ka na pumasok non. Tss.

"Tara na!" sigaw ni Yuhence sabay tingin sa akin. "You're not coming with us."

Anak ng? Alam kong nasaktan ka sa nalaman mo pero hindi naman kailangan pati issue ng school na ito ay kailangan umiwas ako.

"Bakit hindi ako sasama? Classmate nyo ako," tanong ko sa kanya at tinignan ko si Esther na nakatingin din sa akin.

"Bakit hindi sasama si veng?" tanong ni Kaizen.

"Yuhence, hindi naman makatarungan yan," sagot ni Apollo.

"She's not coming with us," sagot pa ni Yuhence at kinuha ang walis. "Clean the mess."

Sperm! Wala pa naman sinasabi kung sino ang nakatoka sa paglilinis. Yuhence wag ka naman ganto sa akin. Alam kong nasaktan kita wag naman ganto.

"Ano bang problema nyo?" tanong ko pero walang sumagot. Nagbulungan lang ang mga babaeng kaklase namin.

"Ah, Yuhence we need to go. It's time," maarteng sagot ng babae namin kaklase.

"Okay."

"Linis ka na lang veng para hindi ka mapagod," sagot ni Kaizen.

"Mapapagod din siya bobo," inis na sagot ni Calix.

"Duh! Ano bang meron sa babae na yan?"

"Oo nga. Kailangan na natin umalis."

Atungal ng mga kaklase naming babae.

"Sa totoo lang hindi kita tanggap bilang kaklase ko," dagdag ni Yuhence.

"Hey. If you don't want her to come, don't talk at her like that," inis na sagot ni Esther.

Tinignan ni Yuhence si Esther. "I don't care."

Tinignan ko ang mga kilala kong kaibigan na may apologetic look maliban sa mga maaarteng babae. Si Kaizen naman ay nag-salubong ang kilay dahil sa sinabi ni Yuhence.

Hindi niya ako tanggap bilang kaklase? Bakit parang iba ang dating sa akin? Anak ng.

"Lil'sis. Wag kang maglinis, arraso? Sandali lang kami," anas ni Apollo sa akin at tumango ako.

Napaupo na lang ako sa upuan ng tuluyan na silang lumabas sa room. Napatingib ako sa paligid at may nakita akong gitara. Kinuha ko iyon at muling naupo.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now