CHAPTER 55

2.3K 111 9
                                    


YUHENCE'S POV

Dumaan ang dalawang linggo ngunit hindi pa din nagigising si Vien. Nandito kami ni Nayih, Maxwell. Tatlo lang kami ang nandito habang ang iba ay patuloy pa din naghahanap ng ebidensya dahil sa nangyari kay Vien. Si Vanz kasama ni Esther dahil kinakausap na nila ang lalaking nahuli nila. Ang magulang naman ni Vien at si Lolo Solemon ay may pinuntahan munang meeting. May dumating daw na investor sa company nila kaya kailangan nilang puntahan.

"Anong petsa na hindi pa din nagigising si Vien," emosyonal na sabi ni Nayih.

Nakaupo siya sa sofa katabi ni Maxwell habang nakatanaw kay Vien na natutulog. Ako naman nakaupo dito sa gilid niya habang nakatingin din sa maamo niyang mukha. May oxygen pa din siyang suot, tinignan ko ang kanyang paghinga doon.

Wake up, Vien. Wake up.

Hinawakan ko ang kamay ni Vien at nilagay iyon sa pisngi ko. Kahit sakit ang dinulot niya sa akin hindi ko siya magawang sisihin. Dahil hindi ko naman hawak ang kanyang puso para utusan na ako na lang ang piliin niya. Pero tutuparin ko ang sinabi ko, na sa oras na saktan ni Esther si Vien emotionaly. Babawiin ko siya sa kanya, at hindi na ako papayag na magparaya pa.

"Hush babe. Magigising din si Queen," si Maxwell.

"2 weeks na Maxwell. At hindi ako makampanti na dalawang linggo na siyang natutulog. Panay sabi ng doctor na okay na yung vital sign ni Vien, pero tignan mo," turo ni Nayih kay Vien. "Ayan ba yung okay na ang vital sign? Hanggang ngayon hindi pa din nagigising?"

"Maghintay lang tayo," sabi ko habang nakatingin kay Vien.

"Tama si Yuhence, Nayih. Maghintay lang tayo na magising si Vien."

"Kasi naman eh!"

Hindi ko inaalis ang paningin ko kay Vien. Parang ayoko nang alisin ang paningin ko sa kanya dahil hindi nakakasawang titigan ang maamo niyang mukha. May kapapalan ang pilik mata, matangos ang ilong, medyo namumula konti ang kanyang pisngi at maganda. Napabababa ang tingin ko sa mapupula niyang labi, at napangisi ako sa naalala ko. Nahalikan ko na pala si Vien noong na sa Sagada kami.

"B-Bakit ka nakangisi?"

Nag-angat agad ako ng tingin dahil sa boses ni Vien na nauutal.

"Vien?" gulat na tanong ko. "Oh geez. You're awake."

"Baby!" lapit agad ni Nayih sa kabilang gilid ng kama. "O to the M to the G?! I miss you! I'm so, so, so worried about you. Huhu."

"Nice Queen. Gising ka na."

"Maxwell, tawagin mo yung doctor."

"Sige, Yuhence. Nayih dito ka lang."

Muli kong tinignan si Vien na nakapikit ng diin. Tinanggal niya ang kanyang oxygen at bigla kaming tinitigan.

"A-Anong nangyari sa akin?" nahihirapan niyang tanong at tatayo sana siya nang sabay namin siyang pigilan ni Nayih.

"Wag ka muna kumilos, baby."

"Vien, stay lying," ani ko.

Hindi siya tumugon. Pumikit na lang ulit siya nang diin, nanatili lang kaming nakatayo ni Nayih habang nakatingin kay Vien na nakapikit habang nakakunot ang noo. Iniisip niya ba ang gumawa nito sa kanya?

"How's the patient?" sabay kaming napatingin ni Nayih sa doctor. "Can i check her? Please move, Mr. De Vera."

Umalis ako sa pwesto ko upang bigyan ng daan ang doctor para matignan si Vien.

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon