CHAPTER 29

4.3K 184 19
                                    

VIVIENNE'S POV

"Kyaaah! Sino yung lalaking nakasayaw mo, baby?" tanong ni Nayih nang makabalik ako sa table namin.

"Mukha ko bang nakita?" pagsisinungalingin ko.

Hindi ko nakita. Dahil nakilala ko siya agad kahit hindi ko tignan. Si Esther ang nakasayaw ko pero hindi ako makapaniwala sa maririnig ko mula sa kanya.

"He didn't say his name? God! Ang hina mo naman. Dapat hinarot mo na may kasamang charot sa dulo!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nayih. Paano mo haharutin ang isang taong nagpapatibok nang malakas sa puso mo?!

Si Vien na lang lagi laman nang isip ko!

Parang binulong sa akin ulit ni Esther ang sinabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na sa kabila nang ipinaparamdam niya na parang hindi niya ako kilala pero sa utak niya ako lagi ang laman ng isip niya. Nagkukunwari pang walang pakialam pero may pake pala sa akin.

Napangiti ako nang bahagya dahil sa inakto ni Esther. Kahit hindi ko makita ang mukha niya paniguradong nakanguso iyon sa tuwing may iniisip at nagpapainis sa kanya.

"O to the M to the G? What's that smile? Kahit hindi ko nakikita ang buo mong mukha at tanging mata lang at labi ay paniguradong pati pisngi mo nakangiti," puna ni Nayih sa akin.

"Wala. May naisip lang ako," pagdadahilan ko.

"Sus! Siguro nalaman mo ang name ng guy? So anong name niya?" tanong ni Nayih pero ang paningin ko  ay nasa gitna nang mga susunod na laro.

Napaisip ako ulit tungkol kay Esther. Bakit kailangan niyang umakto sa harap ko na parang hindi niya ako kilala. Na para lang ako isang hangin sa kanya. Pero sa loob nang isip niya ay ako ang laman ng utak niya. Ang taas lang siguro ng pride niya kaya ganon. Siya na rin mismo nagsabi na mataas ang kanyang pride kaya hindi niya magawang intindihin ang damdamin ko.

Talagang hindi. Sperm na baog ka. Amaw.

Pero isa lang ang gusto kong masigurado. Kung gusto ko ba si Esther o hindi.

"Esther," mahinang anas ko.

"Oh my shock?! Si Esther?!" pasinghal ni Nayih.

"H-Ha?"

Ano bang sinabi ko? Shit! Nabanggit ko ang pangalan ni Esther na baog.

"Siya ang nakasayaw mo baby?" tanong pa ni Nayih sa akin.

Hindi ko na kailangan magsinungaling dahil alam kong pipilitin niya ako nang pipilitin para lang umamin.

"O-Oo," nauutal na sagot ko at muling tinuon ang paningin sa mga naglalaro.

"Paano mo nalaman? Nag-usap ba kayo? Ano sagot?!"

"Ang dami namang tanong," tingin na sabi ko kay Nayih.

"Duh! Just answer my many question!" maarteng tugon ni Nayih.

"Nalaman ko lang dahil sa boses niya. Pero hindi ako nagsalita. Pero nagsabi siya tungkol sa akin."

"Ano?! Spill it?"

Sinabi ko kay Nayih ang iilang sinabi ni Esther sa akin. Kahit hindi ko din makita ang kanyang pisngi paniguradong namumula ang pisngi ni Nayin kahit may blush on. Dahil nang magkwento ako ay kilig na kilig siya habang hinahampas nang mahina ang aking braso.

"Isa pang hampas susuntukin na kita," pagbabanta ko kay Nayih.

"Kasi baby! Kinikilig ako! He acts in front of you that he doesn't know you but deep inside he cares for you!"

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now