CHAPTER 42

3K 142 20
                                    

Warning: R-18

VIVIENNE'S POV

Nakarating na kami sa Palawan. At may sumundo sa aming yate upang ihatid sa sinasabing isla ng magulang namin. Hindi ko magawang kausapin si Esther dahil nga iniiwasan ko siya.

Isang oras lang at minuto ang lipad ng eroplano patungo dito sa Palawan. Masyadong mabilis at napaaga kami sa flight. Pero mas maigi na yon para mapaaga kaming makarating agad.

Nakarating kami sa airport ay maga-ala sais ng umaga. Nakarating kami sa Puerto Prinsesa ay maga-alas otso.

"Maayong buntag sa imo mga higala," bati sa amin ng matandang babae.

"Maayong buntag sa imo usab," pagbati ko din.

Nilingon ko si Esther na kasalukuyang nakatingin sa kanyang cellphone. Sa bawat babaeng dumadaan ay napapalingon sa kanya. Nakakaagaw pansin naman talaga kasi ang kanyang kakisigan at kagwapuhan. Kahit simple lang ang suot niya ay napapalingon pa din ang mga babae sa kanya.

"Ikaw ay nakakaintindi pala nang akin tinuturan," nakangiting sabi niya sa akin. "Ako nga pala si Manang Lelis."

"Ako naman po si Vivienne Zin Ty at siya naman po si Esther Vargaz," turo ko kay Esther.

"Kayo ba ang titingin sa mga negosyo na nakatayo dito?"

"Kami nga ho," magalang kong sabi.

"Kung gayo'y kayo ay sumunod sa akin dahil nagpahanda na ako nang inyong kakainin," ngiting sabi ni Manang Lelis.

"Gayon din ho," sagot ko pa.

Ngumiti muna siya sa akin bago nag-martsa. Nilingon ko si Esther pero nasa cellphone pa din siya nakatingin.

Bahala ka sa buhay mo.

Naglakad na ako para sundan si Manang Lelis. Yung mga luggage namin ay dinala na sa sinabing hotel ni Manong Rene na sumundo sa amin kanina upang ihatid kami dito. Napagalaman ko din na matagal na siyang nagt-trabaho dito ngunit ngayon lang daw naisipan ng pamilya namin na tignan ang kanilang negosyo na nakatayo dito.

Sa gitna ng paglalakad ko ay may humawak sa braso ko. Batid kong si Esther iyon kaya agad kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"Problema mo?" walang emosyon na tanong ko.

"Bakit hindi mo sinabihan na maglalakad na pala?" tanong niya.

"Kailangan pa ba?" tanong ko at nagsimula na ulit maglakad.

Buti na lang naka-rubber shoes ako hindi ako nahihirapan masyadong maglakad sa puting buhangin.

Nakapasok na kami sa hotel at pinaupo na kami ni Mang Lelis sa lamesa. Magkatapat lang kami ni Esther pero ang mata ko ay nasa ibang direksyon.

"Ito ay Kinabuchs Grill and Bar," turo ni Manang Lelis sa pritong baboy na parang letchong kawali. "Isa ito sa mga best dishes na isin-served dito. Ito naman ang Kalui."

Tinignan namin iyon ni Esther. Hipon iyon pero magandang tignan dahil sa pagkakaayos. May nahagip din ng mata ko ang hopia na nakalagay sa maliit na bilog na basket. Ube ang flavor na iyon. Hindi ko alam kung bakit meron pa yan dito.

"Batid kong nagtataka ka kung bakit may hopia na nandito. Ang hopia na iyan ay hindi lang basta hopia. Special hopia na iyan na may keso sa loob at binabalik-balikan na mga torista na nandito," natatawang sabi ni Manang Lelis.

"Nakakapagtaka lang po," nakangiting sabi ko.

"Hindi ko na kailangan sabihin pa ang mga pangalan na inyong kakainin. Dahil batid kong hindi naman kayo maarte sa pagkain. Sige na. Simulan nyo ng kumain para maihatid ko na kayo sa inyong silid," nakangiting sabi ni Manang Lelis.

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon