CHAPTER 56

2.4K 111 12
                                    

VIVIENNE'S POV

Isang linggo na ang nakakalipas nang makalabas na ako sa hospital, hindi muna ako pinapunta ni kuya Vanz sa mansion nila Esther dahil sila muna daw ang bahala sa lalaki. Gusto ko man pumunta pero mas pinili kong sundin ang sinabi ng kuya ko. Para naman daw din sa akin ang ginagawa nila, makakapunta naman daw ako doon kapag umamin na ang suspect.

Sinabi din sa akin ni kuya Vanz na binantaan daw nila ang suspect na ipapakulong pero ang sagot ng lalaki ay hindi daw sya natatakot na makulong dahil ididiin niya daw ang Lolo Solemon ko sa husgado. Anong ibig niyang sabihin?

"What the fuck?!" rinig kong usal ng babae nang mabunggo ko sya.

"Sorry Miss hindi ko sinasadya," nakayukong anas ko.

Nandito na ako sa campus ni Esther pero ang isip ko ay naglalayag, iniisip ko pa din kasi ang sinabi ni kuya Vanz sa akin. Dahil sa pag-iisip ko may nabubunggo akong tao.

"Look where you are going stupid!"

Dahil sa sigaw nya ay napatingin ang ibang estudyante dito sa amin. Tinignan ko nang deretso ang babae pero yun na lang ang biglang pagseryoso ko dahil sa babaeng kaharap ko.

"Oh?" ungol niya. "The girlfriend."

"Excuse me," sabi ko at lalakad na sana ako pero tinulak niya nang mahina ang aking balikat upang mapatigil ako.

"I'm not done talking kaya wag kang bastos," nakangiti niyang sabi.

Rinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa paligid dahil sa eksenang ginagawa ng babaeng ito sa akin.

"Ako kasi tapos na," seryosong sagot ko sa kanya.

"Hahaha. Look at your head? Mukha kang baliw dahil sa benda mo. Bagong labas ka ba sa mental?" natatawa niyang sabi kaya nagtawanan ang iba na nasa paligid namin.

"At least ako mukha lang baliw eh ikaw? Hindi ka na nga baliw, bobo ka pa."

"What?!"

"Tamad na akong ulitin," nakangising sagot ko.

"Hahaha. What a rude girl," nakangiti niyang sabi.

"Tapos ka na?"

"No. Bakit? Naiinip ka na?"

"Oo eh. Ang boring kasi nang palabas mo. Hindi bagay sayo," pang-aasar ko at nagsalubong ang kilay niya.

"Are you compete with me?"

Ngumisi ako at lumapit sa kanya. "Hindi ako nakikipaghuwego sa kung sino man. I have no desire to play the game of being better than anyone, in any way, shape, or form."

Napaungol ang estudyante dahil sa sinagot ko sa babae na ito na sinubukan landiin ang pagmamay-ari ko. Hindi ko namam siya masyadong kilala pero sa tingin ko parang ako ang mas higit niyang kilala. Sa boses pa lang niya parang siyang si Stellar Wind.

Napangisi ako sa naisip ko. Hindi ako maaaring magkamali, boses pa lang niya nakakasigurado na akong siya si Stellar Wind. Ang galing umarte, napakagaling pang humarot. Hindi na ako magtataka na sa sobrang galing niya baka best in award pa siya dahil sa sobrang landi.

"Ha? Do you think i will be afraid of what you say?" inis niyang tanong sa akin sabay ngiti.

"Hindi," nakangiting sagot ko. "Sa isang haliparot na kagaya mo ay hindi na kailanman nasisindak."

Natawa sya. "Kahit haliparot ako maganda ako."

"You should eat some make up, at least you'll be pretty on the inside," sagot ko at nilayasan na siya.

Ang Basagulerang ProbinsyanaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora