CHAPTER 65: The End Part 3

2.7K 119 24
                                    

ESTHER'S POV

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ni Vien at nadatnan ko siyang nakaupo habang nakayuko sa kanyang mga tuhod. Humihikbi siya senyales na umiiyak siya kaya agad akong lumapit sa gilid ng kama niya. Hinawakan ko ang ulo niya upang mag-angat siya ng tingin sa akin at bahagya lang nanlaki ang kanyang mga mata.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.

"Dinadalaw ka."

"Hindi naman ako patay kaya hindi ko kailangan ng dalaw mula sayo."

"Bakit? Sa patay lang ba pwedeng gawin ang dumalaw?"

"Sino ka ba? Kung makapagsalita ka sa harap ko ay parang kilalang-kilala mo ako?" Inis na tanong sa akin ni Vien pero may luha pa din na tumutulo siya.

"Because i really know you."

Umiwas siya ng tingin sa akin sabay iling. "H-Hindi talaga kita matandaan."

Napayuko ako at napabuga ng hangin. Kahit masakit sa loob ko dahil hindi niya ako makilala ay mananatili pa din ako sa tabi niya kasi kailangan niya ako. Kailangan niya ng karamay.

"Hindi naman kita pinipilit na maalala ako dahil magkukusa yan," pilit ngiting sabi ko at napalingon siya sa akin. "Hindi na din kita tatanungin kung ayos ka lang kasi alam kong hindi naman. Ayoko talaga kitang nakikitang nasasaktan."

Bahagyang nanlaki ang mata niya at sabay kumunot ang noo. Hindi ko alam kung bakit naging ganon ang reaksyon niya. May mali ba sa sinabi ko?

"H-Hindi ko alam kung ano ang i-isasagot ko sa sinabi mo," nauutal na sabi ni Vien.

I sighed. "It's okay. So..."

"So?" kunot noo niya din sabi.

"Ano.."

"Ano?" ginaya na naman niya ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, dahil sa sitwasyon niya na may dissociative amnesia siya ay parang nag-aalinlangan akong magsabi sa kanya.

"Would you mind if i ask what happened?" sa wakas may nasabi din ako.

"H-Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko dahil n-nandyan ka," ang layo ng sagot niya pero ang sarap sa pakiramdam. Naalala ko na naman ang sinabi ni Apollo sa akin.

"Ang ala-ala pwedeng makalimot, pero hindi ang puso."

"Sa tuwing nandyan ka parang s-sinasabi ng puso ko na isa kang espesyal na tao sa akin," ani niya sabay naluha. Pero hindi ko naman inaasahan na titignan niya ako sa mga mata. "S-Sino ka ba talaga? B-Bakit hindi kita maalala? Sa tuwing nandito ka lumalakas ang tibok ng puso ko. Parang sinasabi na isa ka na sa mga taong matagal ko nang nakasama."

Hinawakan ko ang kamay ni Vien. Akala ko hihilahin niya pabalik pero hindi, hinayaan niya lang ako.

"Like i said, i don't want to force you to remember me. Hahayaan ko na ang puso mo ang makaalala, kahit alam kong sa isip mo ako maalala,"

"G-Gusto kong maalala kung sino ka ba sa buhay ko," ani niya sabay yuko. "Feeling ko tuloy nasasaktan kita dahil hindi kita naalala. Alam kong nasasaktan ka."

Paano niya nahulaan na ganon nga talaga ang nararamdaman ko? Masyado talaga malakas ang pakiramdam niya, kahit hindi mo sabihin alam niya na agad na ang nararamdama mo.

"Nagalit ako sa pamilya ko," hindi ko inaasahan na sasabihin niya. "Pero sa magulang ko lang at hindi kay Kuya Vanz."

"Bakit?"

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon