CHAPTER 63: The End Part 1

2.6K 112 11
                                    

VANZ'S POV

Dumaan ang tatlong araw ay nalibing na ang katawan ni Lolo Solemon. Wala akong kinakausap sa mga kaibigan ko pati na din ang magulang ko. Sadyang sariwa pa sa isip ko ang pagkawala ni Lolo Solemon sa amin. Tatlong araw na din ang nakakalipas ngunit hindi pa din nagigising ang kapatid ko. Ayos na siya sabi sa amin ni Leander ngunit wala daw siyang kasiguraduhan kung kailan ito magigising.

Nandito ako ngayon mag-isa sa memorial park at nakaupo habang tinitignan ang pangalan ni Lolo Solemon sa lapida. May picture din iyon mula sa lapida na nakangiti siya. Mapait akong napangiti dahil sa mga ala-ala na pumapasok sa isip ko noong panahon na kasama siya.

"Hey. Baby."

Napatingin ako sa likod ko dahil sa boses ni Selesther, agad akong napatayo at sinalubong siya ng yakap.

"Buti naabutan pa kita dito," dagdag na sabi pa niya.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko at kumalas sa pagkakayakap.

"I asked my brother where you were. At ayon nga sabi niya na nandito ka sa memorial park," nakangiti niyang sagot sabay tingin sa puntod ng lolo ko. "And sorry if I'm not by your side to sympathize you in pain."

"It's okay. I know you're busy with your company," sagot ko at inakbayan si Selesther.

"How's your sister? Nagising na ba siya?"

"Not yet. Nasabi din sa amin ni Esther na maaari daw siyang magkaroon ng amnesia."

"Oh my God? Sana hindi naman mangyari ang bagay na yan kay Vien."

"I hope so. Ayoko naman din mangyari na magising siya at hindi niya kami maalala."

Sana hindi mangyari ang bagay na iyan sa kapatid ko. Dahil dobleng sakit ang mararamdaman ko kung sakaling hindi niya kami maalala lahat. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin kay Vien na wala na ang lolo namin. Alam kong mahal na mahal ni Vien si Lolo Solemon dahil kay lolo siya lumaki at nagkaisip. Mas matagal niya itong na kasama kaysa samin ni mommy at daddy.

"Sa tingin mo ba matatanggap ito ng kapatid ko?" hindi ko inaasahan na itatanong ko iyon sa girlfriend ko.

"She had to accept it, Vanz. Kailangan niya dapat tanggapin na wala na si Chairman. Dahil ang buhay natin ay hiram lang natin ito sa Diyos. Alam kong hindi makatarungan ang pagkamatay ng lolo ninyo pero dapat kailangan natin itong matutunang tanghapin," mahaba niyang paliwanag.

Napabuga ako ng hangin dahil sa ibinigay na sagot sa akin ni Selesther. Tama siya. Pero nangangamba talaga ako na baka hindi ito matanggap ng kapatid ko. Alam kong mas lalo siyang magagalit dahil sa malalaman niya mula sa amin. Gusto ko sana sabihin sa kanya kapag nakalabas na siya na siya ng hospital. Ayoko din naman biglain ang kapatid ko paggising niya na patay na si Lolo Solemon.

"Magd-dalawang taon na pala tayo," sabi ni Selesther sabay tingin sa akin. "Magd-dalawang taon na kitang mahal."

"Ako din," nakangiting sagot ko at ngumisi siya.

"Baka nakakalimutan mo mas nauna kang mahalin ako?"

Agad akong napaisip sa sinabi ni Selesther sabay natawa ako ng bahagya. Bakit nga ba hindi ko naisip na tama siya? Pfft. Cute.

"Am i right?"

Tumingin ako sa kanya at sabay halik sa kanyang noo. "Yeah. My baby is right."

"Kailan mo planong umalis sa campus ng kapatid ko? Nagpapanggap kayo ni Apollo na college eh paraho na kayong matagal na tapos sa pag-aaral."

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon